Part 14

804 62 1
                                    


"Sino yung lalaking kausap mo kanina?" untag na tanong ni Apollo sa nananahimik na si Camille. Papauwi na sila ng umagang 'yon. Marami ang gumugulo sa isip ng dalaga katabi ang nagmamanehong pinsan niya.

Gulat na pumaling siya dito. "N-nakita mo kami?"

Lumingon ito sa kanya. "Kaya nga tinatanong ko di ba? Kasi nakita ko."

"He-he-he-he... Pheobus Apollo! Nahawa ka na sa akin sa pagiging pilosopo." Sinundot niya ito sa tagiliran. Ngunit di man lang ito ngumiti.

"Huwag mong ibahin ang usapan," seryoso pa ring saad nito.

Pumalatak siya. "Kung nakita mo kami. E di alam mo rin na siya 'yung lalaking kasama ni Hannah sa resort."

"H-ha?"

"Huwag mong sabihing di mo nakilala? Siya ang dahilan ng pagwawala mo kagabi sa may bar. Nagka-amnesia ka ba?"

"Anong kailangan niya sa'yo?" Naging iritado ang boses nito.

"Actually magkatabi kami sa eroplano nang pumunta ako dito. Nakipagkilala. Siya raw ang may-ari ng Mystique. Ano ba 'yon?"

He paused for seconds. Rumehistro sa mukha ang gulat. "It's a cosmetic company. Si Hannah ang endorser ng brand ng make-ups nila."

Napipilan siya. Pumitik siya sa ere. "Ah... siguro kaya ka niya ipinagpalit kasi may supply siya ng cosmetics sa loob ng ilang taon. E ikaw? Papermill? Anong gagawin niya sa ilang reams ng bondpaper, steno pads, folders at envelopes? Mabuti pa kung naging office girl ang syota mo. Bakasakaling hindi ka niya ipagpalit sa lalaking ipinampapaligo ang pabango."

Apollo laughed in her horror. Hindi ito napikon sa sinabi niya. "Baliw ka talaga Faye."

"Bilis mo namang maka-recover! Trip pa kitang asarin, ba't hindi ka nagagalit?"

Nawala ang ngiti nito. "Gusto mong magalit ako?"

She avoided his gaze. "Joke lang. Saya nga e! Ibig sabihin malaya na ulit ang puso mong magmahal."

Hinimas nito ang baba. "Hhmmn... puwede..."

"Anong puwede? Puwedeng-puwede!"

"Pero paano kung walang dumating na opportunity? Paano kung hindi na ako ma-inlove or worse wala nang ma-inlove sa akin?" Pagkabahala ang pumuno sa mga mata nito. Parang umurong ang dating nag-uumapaw na kayabangan nito.

Tinapik niya ito sa balikat. "Yung huling sentence mo ang imposibleng mangyari."

"Ha? Bakit naman?"

"E kung 'yung mukhang gurgorya na tambay sa kanto, nakakapag-asawa. Ikaw pa kaya! Nasa iyo na ang lahat," pag-awit pa niya sa kanta ni Daniel Padilla. 

Saka in-love na ako sayo noh! Kaya imposible talaga...

Humagikgik ito na tila isang bata. "Kinakapatid nga kita."

Peke naman ang naging pagtawa niya. Actually hindi e... "Alam mo naniniwala akong may dahilan ang lahat ng nangyayari. And it's for the better if we have tragic experiences. Pangit man sa buhay, pero nagiging maganda ang kahulugan. Alam mo ba kung bakit walang kamay si Venus de Milo?"

Curious na tumunghay ito sa kanya. "The Aphrodite of Milos? The Greek Goddess statue of love and beauty?"

Tumango siya. Nakaramdam ng tuwa dahil mukhang may nalalaman ito sa mga artworks kahit na papaano.

"Bakit nga ba wala siyang kamay?"

"She had originally," sagot niya. "Natagpuan ang estatwang 'yon sa Isla ng Milos sa Aegean. Nagkahiwalay ang upper torso at ang lower limbs. Walang kamay. Fragments na lang ang nakita nila. Sa kabuuan, isang hubad na babaeng may hawak na mansanas sa kaliwang kamay at hawak-hawak ang drape sash ng ibabang katawan sa kanan niyang kamay. Pero dahil daw sa pag-aagawan ng mga Griyego at Pranses sa estatwa, nasira ang kabuuan nito. At nang mahukay sa ruins, siniyasat, pinag-aralan, at naging isang malaking misteryo kung bakit wala itong mga kamay. At sinabing isang fabrication lang ang istorya dahil wala naman daw talagang kamay si Venus de Milo nang makita sa drawing ng isang Voutier. Kaya ini-restore ng mga Pranses ang estatwa ng walang kamay."

"That's... that's a nice story."

"Nang unang makita ko 'yon sa Louvre museum sa Paris, naakit talaga ako. Flaw dapat 'yon di ba? 'Yung pagiging walang kamay niya? Kasi hindi kumpleto. Pero di 'yon pumasok sa isip ko ng tinititigan ko siya. Dahil sa likod no'n, maraming iba't-ibang bersiyon ng istorya ang nagtatago. Maraming tanong at misteryo. Parang buhay ng tao, hindi perpekto. Laging may kulang. Pero bakit nagiging masaya ka pa rin kahit may pangit o masakit na parte sa buhay mo? Kasi mas lalo mong naa-appreciate ang magandang parte dahil di 'to perpekto. Dahil naranasan mong maging malungkot, mas napapahalagahan mo ang mga dahilan ng kaligayahan mo. Nakikita mo kung anong meron ka kaysa sa mga bagay na wala sa'yo. Kaya naniniwala akong nasasaktan ang tao 'di dahil sa ito ang kapalaran niya kundi dahil upang matuto siya." Nang balingan niya ang pinsan ay titig na titig ito sa kanya. Matiim. Para siyang hinihigop. Muli ay hayun na naman ang kaba sa dibdib niya.

"Alam mo Faye... nag-iiba na talaga ang tingin ko sa'yo. You are always talking with sense. Kung mas maaga siguro tayong magkita... siguro..."

"S-siguro?"

Akmang sasagot ito subalit isang malakas na busina ang bumulabog mula likuran ng sasakyan nila. Parang broken magic spell ang nangyari sa pagtititigan nila. Tumikhim ito. Itinutok ang atensiyon sa pagmamaneho. "Siguro kailangan na nating magmadali dahil may flight ka pang hahabulin."

Nagtake-over ang kotseng nasa likuran nila. "Ahem. Oo nga." Tsk! Sayang! Anong siguro 'yon? Siguro ay ano? Buwisit na Toyota Altis! Sana mabangga ka!

"Bakit parang nagagalit ka?"

"Hindi naman. Naiinis lang ako sa mga taong hindi tinatapos ang mga salita nila," pabulong na ang huling pangungusap niya.

"Ha?"

"He-hi-ho-hu," asar na dugtong niya. "Ang sabi ko mag-concentrate ka sa daan. Kapag tayo bumangga, hindi mo ako mapapalitan kapag na-tsugi ako."

****

- Amethyst -

My One Week Fairy Godsister [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon