Ilang buntong-hininga na ang nagagawa ni Camille habang nakaupo sa waiting area ng airport. Nagpasya siyang bumalik na sa Italy. Hindi niya gustong isuko ang nararamdaman niya kay Apollo pero mukhang hindi talaga sila para sa isa't-isa. Habang nakaupo doon ay tila bumalik siya sa unang pagtatagpo nila ng binata.
Doon din mismo sa lugar na 'yon nagsimula ang lahat. Ang pagpapanggap niya bilang kinakapatid nito at ang pagkakatagpo niya sa isang di inaasahang "oportunidad" sa kabila ng ilang mga kasinungalingan. Mukhang isa lang ang magandang kinahinatnan. Iyon ay ang pagtanggap ng mga magulang ni Faye kay Mick.
Nalaman niya dito ang magandang balita nang tawagan siya nito. Mukhang hindi naman isyu sa mga magulang nito ang estado sa buhay. Talagang nag-aalala lang ang mga ito para sa anak. She called Faye back and told her that she's going home on Italy. Nagpasalamat ito sa kanya dahil nabanggit ng ina nito na siya ang nagpaliwanag dito ng lahat.
Kaya nagawa ng mga magulang nitong makinig. Kaya nasabi nito ang lahat ng gusto nitong sabihin. Masaya siya para sa dalawang taong importante sa kanya. Iyon naman talaga ang pakay niya mula sa simula. Pero bakit hungkag ang pa rin kaloob-looban niya?
Habang nakatutok ang mga mata niya sa sahig, isang makintab na sapatos ang umagaw sa kanyang atensiyon. At nakaramdam siya ng déjà vu. Parang nangyari na 'yon.
"Ikaw ba si Rie Faye Buenaventura?"
Lumundag ang puso niya nang marinig niya ang pamilyar na boses. At nang iangat niya ang paningin ay nakita niya si Apollo. Ito ang nagmamay-ari ng sapatos. Nakatayo mismo sa harapan niya.
"Ikaw ba si Rie Faye?" ulit nito sa tanong.
Napalunok siya. "H-hindi e... Hindi Rie Faye ang pangalan ko. Camille Salonga. Ako si Camille. Di ako ang taong hinahanap mo."
Unti-unting sumibol ang ngiti sa mga labi nito. "Kung ganoon puwede ba akong makipagkilala? Ayoko kasing pakawalan pa ang "opportunity" na 'to."
She gasped and covered her mouth. "B-bakit ka nandito?"
"Dahil wala ako doon," malokong sagot nito.
"Bakit ka umaakto ng ganito?"
"Dahil hindi ako umaakto ng ganoon."
Inis na tumayo siya at pinalo ito sa dibdib ng nakakauyom niyang kamay. Di iyon ang panahon para magbiro. "Di ako nakikipaglokohan sa'yo."
He took her hand on his chest. Ikinulong ng mahigpit sa palad nito. "Sino bang may sabing nakikipaglokohan ako? Seryoso ako. Ngayon lang ako naging ganito kaseryoso sa buong buhay ko." He brought her hand on his mouth and kissed it. Then he seized something on his pocket.
Isang singsing ang inilabas nito. Buong suyong isinuot sa kanyang daliri habang hindi siya nilulubayan ng tingin.
"Na-realize ko na hindi ko ito kayang ibigay sa ibang babae bukod sa'yo. A precious ancestor diamond deserves not a perfect girl but a girl who stole something from me."
"A-anong kinuha ko sa'yo? Wala akong matandaang ninakaw na pagmamay-ari mo," umiiyak niya nang tugon.
"Meron. You stole my heart." Dinuro ng hinalalaki nito ang sariling dibdib. "Bigla kang sumulpot sa buhay ko bilang godsister ko. Pero umalis ka rin ng basta-basta dala ang puso ko. Sa mga araw na magkasama tayo, nakita kita bilang babae. Dahil ikaw pala ang babaeng nakalaan para sa akin."
Doon na siya tuluyang napahagulgol. "Napatawad mo na ba ako?"
"Ako dapat ang humingi ng sorry. Kung di ka nagpanggap na si Faye. Di kita makikilala. At kung di kita nakilala, hindi ako magmamahal ng ganito katindi. Naging mali ang sitwasyon pero tama pa rin ang naging konklusyon. Dahil kahit nagsimula sa kasinungalingan, naging pagkakataon pa rin 'yon para matagpuan ko ang pinakamahalagang bagay dito sa mundo."
Suminghot siya. "At iyon ay?"
"Love. Contentment. Happiness. Isa lang naman ang hinahanap ko noon, perpektong buhay. Kaya di ko nagawang lumingon sa iba pang posibleng bagay na puwede kong kunin. Pero anong saysay ng perpekto kung hindi ka naman talaga masaya? Kung hindi ka naman kuntento? At kung wala naman talagang love? I'll only fool myself If I didn't step forward. Ikaw ang tumawag sa akin kaya nagawa kong lumingon. Kaya nakita ko na ang talagang hinahanap ko. At lahat ng hinahanap ko, nasa iisang babae. When your heart was taken then all your feelings could only be found on the one who got it. Kahit walang paalam o permiso. Kahit negatibo man o positibo. Lahat ng magiging dahilan mo, tanging sa kanya mo lamang makikita. At ang lahat-lahat para sa akin ay ikaw... Camille Salonga. Kaya puwede bang ako rin ang maging lahat sa'yo?"
More tears sprung on her eyes. Yumakap siya kay Apollo. Mahigpit. Punung-puno ng desperasyon na maiparamdam dito kung gaano niya ito kamahal. Kung gaano siya kasayang marinig ang mga salitang 'yon sa bibig nito mismo. "Mahal kita Phoebus Apollo Ibañez! Sobra! At hindi ko makita ang sarili kong umiibig sa iba bukod sa'yo. Kaya oo! You are my all! At ang kaisa-isang lalaki sa mundo na magpapasaya sa akin."
Humiwalay ito at bigla siyang hinalikan ng mariin. Walang pakialam kahit pa maraming tao sa airport. Kahit pa naging sentro sila ng atensiyon ng mga tao doon. Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay idinikit nito ang noo sa kanya. "Puwede bang i-extend natin ang one-week to lifetime? At ikaw, hindi bilang kinakapatid ko kundi bilang babaeng tanging may karapatang gumawa ng nude sculpture ko. I want to laugh and cry with you forever. That's why I want to give a happy ending to our love story."
Tumatawa habang umiiyak na sunud-sunod siyang tumango. Ngiting-ngiting inakbayan naman siya ni Apollo.
'Let's go," anito.
"Saan?"
"Sa kuwarto ko. Ituloy natin ang naudlot," pilyong bulong nito.
Naeeskandalong hinampas niya ito. "Excuse me! Pakasalan mo muna ako!"
"Okay! Then tumuloy na pala tayo sa Italy. Mamanhikan na ako sa guardian mo."
Tumawa siya. "Istrikto si Uncle Davis."
"Bakit? Mabait naman ako, di ba? Guwapo pa."
Pabirong tinampal niya ito. "At mayabang!"
Ngumisi ito. "Unahan na natin si Faye sa pagpapakasal. Kailangang pumayag siya dahil siya naman ang dahilan ng lahat ng 'to."
"Nakausap mo siya?"
"Siya ang nagsabi sa akin na nandito ka sa airport. At siya rin ang nagsabi na sinuhulan ka niya ng estatwa ni Venus de Milo kaya ka pumayag magpanggap at pumalit sa puwesto niya."
"Asar ka?"
"No. Thanks to Venus de Milo that you are here beside me. Kapag nagpakasal tayo Camille kuhanin natin siyang abay, ha?"
"Nahawa ka na talaga sa akin ng kaabnormalan." Kuntentong kumapit siya sa braso nito habang naglalakad sila. At umusal siya ng pasasalamat. Looks like the Greek Goddess of beauty and love did brought her to a happy ending.
Well... there's still a long road ahead of them. Pero hangga't hawak nila ang kamay ng isa't-isa, walang daang mahirap tahakin.
-- The End --
Author: Thank you for reading Camille and Apollo's funny and short love story. Sana po ay napangiti kayo ng maikling kuwentong ito. Please support my other novels on this platform so that I can continue to write on here. Votes and comments are highly appreciated.
BINABASA MO ANG
My One Week Fairy Godsister [COMPLETED]
RomanceHindi artista si Camille Salonga. Pero isang Linggo siyang umarte at pumalit sa puwesto ni Rie Faye Buenaventura, ang super-maldita at mega-kontrabida sa paningin ng kinakapatid nitong si Pheobus Apollo Ibañez. Twelve years na di nagkita ang dalaw...