Naniningkit ang mga matang matamang tinitigan siya nito. Awtomatikong inilisya niya ang tingin nang makaramdam ng matinding nerbiyos. Aware ba ito kung anong kababalaghang tumatakbo sa utak niya?
"Huwag mo akong idamay sa mga kalokohan mo ha? Kung gagawa ka ng gulo, siguraduhin mong labas ako. Hindi ka na bata, kung noon kinukunsinti at pinagpapasensiyahan kita, hindi ko na magagawa pa 'yon sa ngayon. I am not like your parents who spoiled you. Hindi ako mangingiming displinahin ka kung kinakailangan."
She feigned a scorn on the side of her mouth. "A-anong gagawin mo? P-papaluin mo ako na tila paslit?"
Wow... takot naman ako...
Umismid ito. "Yeah. I might spank you. Sa edad mo, nakakahiya ang ganoong bagay di ba?"
Tinakpan niya ang bibig. Alam niyang namumula ang mga pisngi niya sa oras na 'yon kaya naman muling bumaling siya sa bintana. Abnormal yata siya. Ibang uri ng palo at parusa ang nasa isip niya.
Bakit erotic scenes ang gumuguhit sa isip ko?Para kang tanga Camille Salonga! Huwag mong pagpantasyahan ang mga di dapat pagpantasyahan. Nagpapanggap kang kinakapatid niya kaya umakto kang kinakapatid niya!
"We are here." Huminto ang kotse.
"Huh?" Isinungaw niya ang ulo. Sa harap nila ay parang inilipat ang mansiyon ng presidente ng bansa.
Whoa! Ang laki... Talaga bang keri kong tumira dito kasama ang kinakapatid 'kong 'to?—kuno.
Paglingon niya ay nauna na itong bumaba. Mabilis siyang nanaog at agad na kinuha ang travelling bag niya sa compartment. Sinalubong sila ng ilang katulong at hardinero. Sabay-sabay na bumati bago kinuha ang mga gamit niya. Magalang na tumanggi siya subalit nagkatinginan lang ang mga ito. Maging si Apollo ay nakataas ang kilay sa kanya.
That must be it! Bratinela si Faye kaya umarte kang senyoritang kontrabida!
Huminga siya ng malalim bago humalukipkip. "Manang buhatin mo ang mga gamit ko papunta sa kuwarto. Siguraduhin mong hindi babagsak 'yan dahil wala pa sa triple ng sahod mo ang mga halaga ng nakalagay diyan." Itinaas niya ang baba. Pinatalim niya ang paningin. Palihim na dumako ang mga mata niya sa direksiyon ng kinakapatid. Iiling-iling lang ito habang pumapalatak.
Pang-oscar ang drama ko! Wagi!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Do we have the deal on that company?" Hindi pinagkaabalahang itaas ni Apollo ang mukha mula sa pinag-aaralang dokumento.
"They want us to supply them. A contract for five years with a ten percent discount. If we at least consider it—"
"Reject it," putol niya sa anupamang sasabihin ng kanyang sekretarya. "Hindi ako tanga para magbigay ng ganoong kalaking porsiyento. Three percent. Iyon na ang pinakalamalaking maibibigay ko. It's either they take it or leave it."
"Pero Sir, malaking kompanya ang Mystique. Sigurado ang stability ng kompanya natin sa loob ng limang taon. Sa laki ng demand na hinihingi nila, sobra-sobra ang kikitain natin kahit labin-limang porsiyento pa ang hingin nilang diskuwento. Bakit natin hahayaang makawala ang ganoong kalaking oportunidad?"
Doon na dumako ang paningin niya dito. "Sino ba ang boss dito Gary?"
Kakamut-kamot ito sa ulo. "E k-kayo po."
"Puwes huwag mo akong pangunahan sa pagdedesisyon. Alam ko kung anong ginagawa ko."
"Suggestion lang naman ang sa akin Sir. Mystique is an influential company after all. It can—"
![](https://img.wattpad.com/cover/232261035-288-k154751.jpg)
BINABASA MO ANG
My One Week Fairy Godsister [COMPLETED]
RomanceHindi artista si Camille Salonga. Pero isang Linggo siyang umarte at pumalit sa puwesto ni Rie Faye Buenaventura, ang super-maldita at mega-kontrabida sa paningin ng kinakapatid nitong si Pheobus Apollo Ibañez. Twelve years na di nagkita ang dalaw...