"What? Nagawa ng babaeng 'yon na iputan sa ulo ang kinakapatid ko?" nanggagalaiti ang tinig ni Faye sa cellphone.
Napangiwi na lang si Camille sa mga choice of words ng kaibigan. Pangit. Pero totoo. "Huwag kang mag-alala. Break na. Hindi tinangay ng alon papuntang Caledonia. Pero tinangay ng number one consumer ng Clive Christian."
"What? Di kita ma-gets."
"Di na importante. Basta nakamove-on na si Apollo. O ikaw? Nasaan na kayo ni Mick?"
"Pasakay na ng eroplano. Nasa airport na kami. Anong oras ang flight mo Camille?"
Sinulyapan niya ang relong pambisig. "Four PM." Alas-dose pa lang ng tanghali kaya nananatili pa siya sa mansiyon nina Apollo. Pero naka-empake na ang mga gamit niya.
"Tawagan mo ako kapag nasa Italy ka na. Pasensiya ka na talaga Camille. At maraming-maraming salamat sa pagbibigay mo sa amin ng oras ni Mick."
Tila maiiyak na napaupo siya sa kama. Kailanman hindi gumamit ng salitang "salamat" at "sorry" ang kaibigan niyang ito. "Basta kahit anong mangyari, nasa likod niyo kami ni Uncle Davis."
"Yeah, thanks friend."
"Faye..." tawag niya dito.
"Ano 'yon?"
Kung sakaling mawawala na ako sa eksena, puwede bang pakisabi sa kinakapatid mo na wala akong masamang intensiyon. Na ginusto ko lang makatulong. At sobrang naging masaya ako sa isang linggong pinagsamahan namin. Makisabi na rin na huwag siyang matakot na walang magmamahal sa kanya... dahil ako... nagawa ko siyang mahalin sa loob ng maikling panahon. Nagpanggap man ako bilang kinakapatid niya... hindi naman pagpapanggap ang mga sinabi't ginawa ko. Bukal 'yon sa loob ko...
"Camille?"
Pinigilan niyang umalpas ang kanyang mga hikbi. Inilayo niya ang cellphone at tinakpan ang bibig. Pinipilit niyang kontrolin ang kanyang emosyon. Subalit sunod-sunod na pumatak ang mga luha niya. Umaantak ang kaloob-looban niya. Akala niya madali. Hindi pala.
"W-wala Faye... Ingat ka." Pinutol niya ang tawag. At tuluyan siyang humagulgol.
Syet! Masakit pala!
Tumayo siya at tinanggal ang tela sa isang estatwa sa sulok ng kanyang kuwarto. She was able to finish her masterpiece. Walang dudang si Apollo ang estatwang 'yon. His body was covered with drapes while both his hands were hanging on the side. Tipong lumingon ito nang marinig ang pagtawag sa pangalan nito. Kaya binigyan niya 'yon ng title na "Seek." Meaning "naghahanap." May hinahanap. At dalangin niya ay matagpuan nito ang lahat ng hinahanap nito sa buhay. Happiness. Contentment. Love.
"Goodbye, Apollo. Iiwan kita dito, ha? Bantayan mo ang may-ari ng bahay na 'to. Maging lucky charm ka sa kanya."
Isang katok sa pinto ang gumulat sa kanya. Bigla siyang kinabahan. Agad niyang pinunasan ang mga luha.
"Faye?" tawag ni Apollo mula sa labas.
She opened the door with relief. Bumungad sa kanya ang nakangiting mukha nito. "O ano 'yon?"
Lalong lumuwang ang pagkakangiti nito. "May sorpresa ako sa'yo."
Napalunok siya. "S-sorpresa?"
"Yup. Nandoon sa baba. Tara!" Hinila siya nito.
Nagtatanong ang mga mata niya nang makita ang isang ginang na dinatnan nila sa sala. Kumunot ang noo ng ginang ng mabistahan siya. At ang kabang namumuo sa dibdib niya ay lumakas dahil nakikita niya dito ang resemblance ng kaibigan niyang si Rie Faye!
Oh God!
"Sino siya Apollo?"
Tumawa ang binata. "Ninang Carrie, don't you recognize your own daughter?" Kinabig siya nito palapit. "Rie Faye really did behave in here."
"Anong pinagsasabi mong bata ka? Hindi ko siya anak. And she's not Rie Faye."
Parang gusto ng kumaripas ng takbo ni Camille ng mga oras na 'yon. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin dito.
Bakit nandito ang Mama ni Faye? Oh my God!
Kunot ang noong bumaling sa kanya si Apollo. "Faye? Anong sinasabi ng Mommy mo?"
She swallowed hard then raised her hand. "I-I can explain..."
"This is ridiculous! Anong ibig sabihin nito?" Lumapit ang ginang kay Apollo. "Nasaan si Faye? Pheobus Apollo!"
"Okay. I don't get it." He looked at her. "What's this?"
She frowned. "I...Err... am not Rie Faye Buenaventura," pag-amin niya. "Pero nandito ko dahil sa kanya!" mabilis na dugtong niya nang di makapaniwalang umismid ang binata.
"Wala akong pakialam kung sino ka man! Ang gusto kong malaman kung nasaan ang anak kong si Faye!" sabad ng ginang. Halatang labis ang pag-aalala.
"Papunta siya sa inyo. She's currently on her flight to Switzerland. Kasama niya ang boyfriend niya para tutulan ang arranged marriage na pinaplano niyo para sa kanya."
"T-that's... that's absurd!"
"That's being true to herself!" Hindi niya napigilan ang sarili. "Alam kong magagalit kayo pero bigyan niyo sana siya ng chance na sabihin kung anong gusto niya. Faye truly wants something for herself for the first time. Kung wala kayong tiwala kay Mick dahil ex-convict siya. Magtiwala naman kayo kay Faye. Anak niyo siya, di ba? Gusto niyo siyang mapabuti pero lalo lang siyang mag-rerebelde kung sasabayan niyo siya ng salita. Parents just don't do the talking. More often they should listen."
Napipilan ito. Tinuptop ang dibdib. "I... I need to go to to her. Pakikinggan ko naman siya kung sasabihin niya sa akin ang lahat. Kung ano talagang gusto niya. I was just worried cause she didn't open herself to us."
"Di niya kayo gustong istorbuhin dahil busy kayo lagi sa trabaho. Umalma lang siya nang malaman niyang nagdesisyon kayo ng basta-basta ng hindi kumokonsulta sa kanya. And you even hired an investigator to meddle with her life. Pinakita niyong wala kayong tiwala sa kanya kaya lumayo siya sa inyo."
"I see..." Tila naliliwanagan na tumango ito. "Salamat sa pagsasabi mo."
"It's still better to talk to her."
"Right." Hinawakan nito ang mga kamay niya. "Kaibigan ka ba niya?"
She nodded. "Opo. I am her friend as well as her classmate in Italy."
Muli itong nagpasalamat bago nagmamadaling lumabas ng mansiyon. Hinalikan nito sa pisngi si Apollo bilang pamamaalam. Nang makaalis ito ay nakahinga siya ng maluwag.
It looks like it's going to be easy for you Faye...
Dumako ang mga mata niya kay Apollo. Masama ang pagkakatingin nito sa kanya. Matalim. Tipong nakakasugat.
Pero mukhang ang sitwasyon ko dito ang di magiging madali...
"Apol—"
"Galing mong artista!" He laughed sarcastically. "You actually pulled an act to pretend in front me. Hah! Wow... wala 'kong masabi!" Sa pagkagulat niya ay marahas na tinabig nito ang vase sa mesa.
Napaigtad siya nang mabasag 'yon.
"Bullshit! Walang nakakatuwa sa ginawa mo!"
****
- Amethyst -
BINABASA MO ANG
My One Week Fairy Godsister [COMPLETED]
RomansaHindi artista si Camille Salonga. Pero isang Linggo siyang umarte at pumalit sa puwesto ni Rie Faye Buenaventura, ang super-maldita at mega-kontrabida sa paningin ng kinakapatid nitong si Pheobus Apollo Ibañez. Twelve years na di nagkita ang dalaw...