Part 5

815 67 2
                                    


"Manang nasaan po si Faye?" Iyon agad ang bungad na tanong ni Apollo kay Aling Ising pagdating niya ng bahay. Isa ito sa mga matatandang kasambahay nila.

"Ay magmula ho kaninang tanghali, hindi pa po siya lumalabas ng kuwarto niya."

Kumunot ang noo niya. "She didn't go out?"

"Nagtanghalian lang po tapos umakyat ulit sa taas. May mga lalaki pong nagpanhik kanina dito ng bato."

"Bato?"

"Malaking bloke po ng bato." Iminuwestra pa nito ang mga kamay.

He was dead curious on what she's been doing. 

Anong gagawin niya sa bato? 

"Makihanda ho kami ng dinner sa hapag. Ako na po ang tatawag kay Faye." Niluwangan niya ang kurbata habang papanhik sa taas. Dinig niya ang mga pukpok habang papalapit siya sa pinto ng kuwarto ng kinakapatid. "Faye?" Kumatok siya. Walang sumagot. Pinihit niya ang seradura at sumilip sa loob ng kuwarto. 

Nakita niya ang dalaga. Pawisan. Habang walang tigil sa pagpukpok ng maso mula sa kaharap nitong estatwa.

He was captured on the sight. Kumurap siya habang naglalakbay ang mga mata sa kabuuan ng babae. She was wearing a loose jumper. Puting kamiseta na nakatupi ang manggas sa magkabilang braso. May suot itong guwantes sa mga kamay at goggles sa mga mata. May headphones ito sa tainga habang sumisipol. 

Nakatali ang buhok nito pataas at ilang strands ang bumabagsak gilid ng mukha nito. Tumutulo ang pawis sa noo nito hanggang sa baba. Subalit tila wala itong pakialam sa sarili habang nakapako ang mga mata sa ginagawa nito. 

Inikutan nito ang bloke ng bato na nagsisimula nang maging hugis tao. Then her hands slid on the statue's body. Ngumiti ito. Inakbayan ang estatwa. "Ikaw ang magiging unang obra ko dito... Apollo."

Nabitawan niya ang hawak na attache case sa narinig.

Lumingon ito sa direksiyon niya. "K-kuya Apollo?" Inalis nito ang headphones sa tainga.

"A-ah..." Hinagod niya ang batok. "Kanina pa ako kumakatok pero di ka sumasagot. What are you doing?"

Bigla nitong tinanggal ang pagkakakapit sa bato. "A-assignment ko." Nagyuko ito ng ulo. "B-bago matapos ang semestral break... kailangang matapos ko ang special project sa school."

"You are a sculpture artist?"

"H-ha? Oo." Hinubad nito ang goggles. "Di ba nabanggit sa'yo na Fine Arts ang kinukuha ko sa Italy?"

Dinampot niya ang case na bumagsak sa sahig. "I thought you are a painter." Iyon ang natatandaan niyang sinabi ng kanyang ina. O baka naman namali lang siya ng dinig?

"I-I do paint!" biglang sagot nito. "P-pero mas gamay ko ang stone sculpture." Lumapit ito sa kanya. "Anong kailangan mo kuya?"

"Sabay na tayong mag-dinner. Pinahanda ko na ang mesa." Pasimpleng sinulyapan niya ang obra nito. 

Why did she utter my name when she was holding that thing? Ako ba ang gagawin niyang modelo? I hope it's not a nude sculpture. Weird... 

Nang masilayan niya ang mukha ni Faye ay di niya maiwasang hangaan ang kagandahan nito. Of course he knew that she will grow prettily like her mother. Maganda ang Ninang Carrie niya. Pero may kakaiba siyang nararamdaman sa tuwing tumitingin siya sa mukha ng kanyang dalaga.

My One Week Fairy Godsister [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon