Shane
Walo. Walong buwan na ang nakakalipas at andito pa rin kami sa base ng mga mafia. Halos nanganak na nga rin ang ibang mga kasama ko na asawa ng mga naging kaibigan ko noong mga bata pa ako.
Hindi naman ako nagsisisi na dumating ako dito dahil sa araw araw na nakakasama at may mga nakakasalamuha akong mga mafia members ay unti unti ko na rin silang natatanggap lahat. Hindi naman pala kase lahat ay masama.
Oo isang malaking bangungot pa rin sa akin ang nangyari sa lola ko ngunit ipina-intindi naman nilang lahat sa akin na hindi sila ganun. Na iba ang pinaglalaban nila. Na hindi sila katulad ng iba na ubod ng sama. May mga iba daw kase na masasama ang mga ugali at gahaman sa lahat ng bagay. Katulad na lang ng kalaban nila sa mafia world.
At hindi na daw kaso sa kanila ang pagtakang may pumatay sa amin dahil lagi daw pinupuntirya ng mga kalaban nila ang leader nila which is their mafia king Cyrus. Hindi na rin daw kaso sa mga kalaban nila na pagtangkaan din daw akong patayin lalo na at dinadala ko ang magiging heir ng Monteverde Clan.
Kaya nga daw pinagpulungan ng buong council na dito muna ako manatili o kami. Lalo na at kami ang puntirya ng mga kalaban nila.
"It's been eight months at malapit ka na ring manganak, hon." wika ni Cyrus habang hinihimas ang malaki kong tiyan. At dahil nga sa malaki ang tiyan ko ay hindi na ako halos nalabas ng kwarto o kaya ng bahay dahil na rin sa nahihirapan na akong maglakad lakad. Halos araw araw din akong binabantayan ni Cyrus dahil natatakot daw siyang hindi sundin ang mga bilin niya sa akin lalo na at matigas pa naman daw ang ulo ko.
"Hmmmm eight months pa lang naman, two weeks pa bago mag nine months e. Masyado ka atang excited." sagot ko sa kaniya kaya naman natawa na lang ito.
"Of course. Pangarap kong magkaroon ng mabuting asawa at mga anak, tapos ngayong andito na ikaw sa tabi ko at dala dala mo na ang magiging mga anak ko, papalampasin ko pa kaya." seryosong wika nito na ikinailing iling ko na lang bago natawa.
"Hmm parang kelan lang sinasaktan mo pa ako tapos ngayong nalaman mong magkakaanak ka na sa akin bigla na lang nagbago ang ihip ng hangin. Baka kapag nanganak na ako bumalik ka na naman sa dati." nakasimangot na wika ko na tinawanan na lang naman niya kaya mas lalo pa akong napasimangot na ikinatigil naman niya sa pagtawa.
Yong tipong seryoso ka sa mga sinabi mo bigla ka na lang tatawanan. Asan ang hustisya doon? Sarap lang tiikin ng manahimik sa katatawa.
"Hon, I will definitely don't do that again. Masyado kang importante sa akin kaya hindi ko na ulit gagawin iyon." nakangiting sagot niya na ikinabuntong hininga ko naman.
Sana nga. Sana nga hindi na maulit ang dati kase sobra ang dinanas ko noong hindi niya pa ako tanggap at kilalang lubos.
"Siyanga pala hon. Pinapahanap ko na ang mga magulang mo at mga kapatid mo." seryosong wika niya na ikinalingon ko naman sa kaniya.
"Did you?" naluluhang tanong ko. Hindi ko naman kase ini-expect na ipapahanap niya ang totoo kong mga magulang at kapatid.
Oo at matagal ko na silang gustong makita at mayakap ngunit wala akong lakas ng loob na umalis ng bansa para hanapin sila dahil na rin sa pinipigilan ako ng guardian kong ubod ng sama.
Pero ngayong andito na hindi ko na alam kung ano ang kaya ko pang gawin. Si Cyrus pa mismo ang kusang nagpapahanap sa kanila, hindi ko na alam ang mararamdaman ko sa sobrang saya.
"Hey hon, are you okay?" nag aalalang tanong niya na ikinatango ko naman bilang sagot. "Shh stop crying. I know that you want to see them kaya ipinahanap ko na sila." wika niya.
"Gustong gusto ko na nga silang makasama ngunit hindi ko naman ini-expect na ikaw pa mismo ang maghahanap sa kanila." naiiyak na wika ko na ikinasimangot naman niya.
"Haysst dapat pala hindi ko muna sinabi sa iyo kung ganiyan lang ang magiging reaction mo. Lalo na ngayong buntis ka pa at makakasama sa bata yan na umiiyak ka." may pag aalalang usal niya na ikinatawa ko naman. "Why are you laughing at?" inis na tanong niya.
"Nothing it's just that hahaha." hindi mapigilang tawang wika ko. "I found it cute kapag nag aalala ka." nakangiting sabi ko ng samaan niya ako ng tingin.
"So you just saying that I'm cute not handsome, hmm?" pilyong ngiting tanong niya na ikinailing ko na lang habang nakangiti.
Seriously? Pati ba naman iyon? Oo gwapo nga siya. Mabait na rin, matangkad, maputi, may mapupulang labi, may katamtamang kapal ng kilay, may magandang pangangatawan, may dalawang dimples na nakakabighani sa ganda kapag ngumingiti siya, at may nakakamatay na ngiti. But it doesn't matter that he will be handsome in my eyes.
Ow really? So you just saying that your husband is not handsome? Sabi ng kabilang utak ko. Ashhh oo na nga gwapo na siya pero sa atin na lang iyon dahil baka lumaki ang ulo niyan kapag pinuri pa natin.
"Hon baka matunaw ako niyan ha." pagbibiro niya kaya naman napaismid na lang ako.
"Ashh I'm just staring at you. Any problem with that? Edi kung meron edi sa iba na lang ako titingin." nakangising wika ko na ikinasama naman niya ng tingin.
"Don't you dare." banta niya kaya napahalakhak na lang ako ng malakas.
Simula ng maging maayos na ang pakikisama niya sa akin ay doon ko din unti unting nagdedeskubre ang pagiging seloso niya.
Katulad noong mga time na kinakausap ko sila Tyler at iba pa, nagselos din siya. At ang mas nakakainis pa doon noong time na magtanong ako sa mga tauhan niya one time, nagselos din siya. E tinanong ko lang naman sila kung nasaan siya tapos bigla na lang nagselos at ang malala pa hindi ako pinapansin at kinakausap buong araw kaya ang ginawa ko din sa kaniya bilang ganti ay hindi ko din siya pinansin.
Kaya ayon susuyo suyo baga siya ng wala sa oras. Pero dahil nga sa inaabot ako ng pregnant mood that time kaya ang isang araw na hindi ko pagpansin sa kaniya ay umabot ng tatlong araw. At ang mas nakakatawa pa doon noong time na hindi ko siya pinapansin hindi rin siya makatulog ng maayos.
Pero lumipas ang ilang araw na hindi ko pagpansin sa kaniya ay ginawa niya ang lahat ng pinag uutos ko. Hindi rin siya umaalis sa tabi ko hangga't hindi siya nagsasawang makasama ako.
Pero sabi naman niya kahit kelan daw hinding hindi daw siya magsasawang makasama ako. Like what the heck kinilig ako that time hahaha.
BINABASA MO ANG
My Cold Husband is a Mafia King
RomansaSabi nila lahat ng hirap na iyong napagdaanan sa buhay ay magkakaroon ng magandang kalalabasan. Sabi din nila wag basta basta sumuko dahil ang sumusuko ay para lang sa mga taong ayaw ng magpatuloy sa buhay. Mas mabuti ng tanggapin ang lahat kesa sum...