Chapter 24

1.4K 40 0
                                    

Tyler

Isang taon? Dalawa? Tatlo? Apat? Ewan hindi ko na rin alam kung ilang taon na kaming andito sa quarters dahil sa sunod sunod ang problemang dumadating.

At sa loob ng ilang taon na iyon ay hindi man lang kami nakadalaw sa base kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin nila alam na wala na ang kanilang mga anak at asawa doon. Pero kahit na hindi kami nakakapunta ng base ay walang mintis naman ang pagpapadala nila ng mga regalo tuwing may okasyon.

Lagi silang nagpapadala ng mga regalo at letters sa kanilang mga asawa at anak. Kami nga lang ata ni Xien ang hindi nagpapadala sapagkat alam naman naming wala kaming papadalhan doon. Kaya lahat ng regalo na aming binibili lagi ay iniipon lang naming dalawa dito sa quarters dahil nais namin itong ibigay sa kanila ng personal. Ngunit hindi pa sa ngayon.

"Kamusta na kaya ang kambal kong anak?" wala sa sariling tanong ni Zex sa amin kaya nagkatinginan na lang kami ni Xien at lihim na napailing.

Natanggap na rin kase ni Xien na nasa malayo ang kaniyang mag iina. Ngunit ang lagi niyang sinasabi sa akin ay sa oras na matapos lahat ng problema namin ay sasama siya sa akin sa paghahanap sa kanila.

Actually kase hindi namin alam kung saang bansa sila pumunta. Hindi ko rin naman kase natanong sa kanila noong huling pakikipag usap ko sa kanila. Saka wala din akong contact ni isa sa kanila.

"Siguro malalaki na ang mga iyon." nakangiting sagot naman ni Cyrus.

Malalaki na nga. Pati ang anak ko ay malaki na. Ngunit nakakapanghinayang lang isipin na hindi ko man lang siya nasilayan noong bagong panganak siya.

"Sayang hindi man lang natin nasubaybayan ang paglaki nila." nanghihinayang na wika naman ni Dron. Ngunit nagulat na lang kami ng may biglang pumasok sa quarters na aming tinutuluyan.

"At talagang hindi niyo na sila makikita pa ding muli." galit na galit na wika ng daddy ni Cyrus. Oh crap. Andito din pala ang mga magulang naming lahat.

"What do you mean, dad?" naguguluhang tanong ni Cyrus sa ama.

"Wala ang mga asawa niyo sa base." mahinahong sagot ng mommy ni Cyrus.

"Teka po tita. E doon lang naman namin sila iniwan para maging ligtas sila habang inaasikaso pa namin ang gulo sa mafia world." kunot noong sagot dito ni Shun ngunit inilingan lang siya ng mga kaharap namin.

"Wala sila doon pati na rin ang mga asawa niyo. Ang sabi ng mga kasambahay at natitirang myembro ng mafia ay umalis na daw sila apat na taon na ang nakakalipas." kalmadong sagot ng ama ni Sean na ikinasigaw naman nilang lahat.

"WHAT?" sabay sabay na sigaw nila samantalang kaming dalawa ni Xien ay nanatiling tahimik.

I think ito na ang oras para malaman nila ang totoo.












Cyrus

What the heck?! Umalis sila? At hindi man lang sa amin nagpaalam? Ano na naman baga ang pumasok sa isipan nilang lahat at may nalalaman pa silang paalis alis?

I tried to call Mica but unattended. I tried to call Shane too but unlike Mica her phone is ringing but she didn't answer her call. Subok lang ako ng subok hanggang sa may sumagot na sa kabilang linya.

"Hello who's this?" sagot nito sa kabila. But I was shocked dahil sa lalake ang sumagot.

"Who are you?" inis na tanong ko sa kabilang linya kaya naman napalingon silang lahat sa akin.

"Sino iyan?" kunot noong tanong ni Xien ngunit hindi ko siya sinagot bagkus ni-loud speaker ko na lang ang tawag.

"You are calling at my fiancee's phone but you are asking me, who am I? Wow dude I think you are in a wrong number." sagot nito kaya naman napakuyom na lang ang mga kamao ko. This guy is getting into my nerve.

Ngunit hindi din namin inaasahan na may maririnig kamig ibang tinig sa kabilang linya na talagang ikinatutok ng mga kasama ko sa cellphone ko.

"Show, what are you doing on Shane's phone?" tanong ni Caila sa lalakeng kausap ko kani kanina lang.

"You are dead Show when Shane founds out that you are using her phone, again." tila natatawang wika naman ni Ana doon sa Show.

"Urgh don't you dare told to her that I used her phone." tila naiinis na wika noong Show sa dalawang babaeng kausap.

Like what the heck?! Kinalimutan na ata niyang may kausap pa siya.

"Show, where's Shane?" dinig naming tanong ni Leny kay Show.

"I think in her restaurant." sagot noong Show.

"Mukhang nagpatayo sila ng business ah." natatawang wika ni Xien ngunit alam kong hindi iyon ang gusto niyang sabihin.

"Tita" naiiyak na tawag ng isang matinis na boses sa tita niya.

"Oh Kylie why are you crying?" dinig naming tanong ni Mica kay Kylie. Wait Kylie?

Agad akong napatingin sa mga kasama ko na ngayon ay nakatingin na rin sa akin ng may pag aalala sa mga mukha nila.

"Tita si Miler po." sumbong ni Kylie sa tiyahin.

"Miler, what did you do again this time." sigaw ni Mica at maya maya ay may narinig na kaming mga batang nagtatawanan.

"Mom it's just a prank." sagot nito sa.... wait. Mom? Agad akong napatingin kay Tyler at nakita ko siyang nakangiti habang umiiyak.

"Miler walang hiya ka talagang bata ka. Dalawang taon ka palang tapos madami ka ng nalalaman." naiinis na sabi nito sa anak kaya naman napatawa na lang ang mga kasamahan nila sa sinabi ni Mica.

"O why are you shouting, Mica? Naku nasa labas palang ako ng gate rinig na rinig ko na ang nanggagalaiti mong sigaw sa makulit mong anak." natatawang wika ng isang babae kay Mica. And that girl is Shane.

"E paano naman kase itong batang ito pinagtripan na naman ang ate Kylie niya. Kanino ba kase nagmana ang batang ito sa sobrang kakulitan." naiinis na wika ni Mica na ikinatawa naman namin dito.

"Oh well like father like son. Kaya baka sa ama niya nagmana iyan. Oh wait speaking of ama. Nagtext sa akin kagabi si Tyler at ang sabi niya ay tapos na daw ang problema nila sa mafia world. Woah mukhang hahanapin ka na niya Mica. Ngunit huwag kang mag alala dahil binigay ko na sa kaniya ang address natin." sabi ni Shane kaya naman napatingin kaming lahat kay Tyler at nakita naming may hawak na siyang papel. Siguro doon niya nilagay ang address nila.

"Excuse me. Shane someone is calling." singit na wika ni Show kay Shane.

"Thanks brother." sabi nito sa kausap kaya naman napabuntong hininga na lang ako. Kapatid lang pala e.

"Why are you calling?" bungad kaagad nito sa akin.

"Shane who's that?" dinig kong tanong ni Caila kay Shane.

"Cyrus ata." hindi siguradong sagot nito sa kausap.

"Hey Shane kamusta?" biglang singit ni Tyler.

"O Tyler? Okay lang naman. Hoy siya nga pala iyong anak mo laging kawawa iyong babae kong anak. Nakakainis ka lagot ka sa akin kapag nagkita ulit tayo. Sa iyo ko igaganti iyong kabulastugan ng anak mo sa anak ko." natatawang kausap nito kay Tyler kaya natawa na lang kaming lahat.

I think narinig niya ang pagtawa naming lahat dahil biglang tumahimik ang kabilang linya.

"Jerk."

My Cold Husband is a Mafia KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon