Mica
"Mahilig talagang matulog ang mga buntis." komento ko ng makita ko na namang tulog si Shane but this time nakaupo at nakasandal na ang ulo sa bintana hindi katulad kanina na nakahiga at nakaunan sa mga hita ni Cyrus.
"Malamang." sarkastikong sagot naman ni Tyler kaya nabatukan ko agad siya. "Aray ko naman." sigaw ni Tyler kaya naman nagising si Shane ng wala sa oras.
"Yan tingnan mo nagising na tuloy." singhal ko sa kaniya na ikinanguso naman niya. "Mukha kang pato hahaha." pang aasar ko sa kaniya na ikinasama naman ng timpla ng mukha niya.
"Ingay." wika ni Cyrus.
"Kj." sabay na wika naman namin ni Tyler kaya natawa na lang kami.
"Para kayong bata." biglang sabi ni Shane kaya naman lihim na napangisi si Cyrus ngunit nakita ko naman kaya napangiti na lang ako ng wala sa oras.
"Anong nginingiti ngiti mo diyan, Mica?" epal na tanong ni Tyler kaya napairap na lang ako.
"Bakit bawal na ba akong ngumiti ngayon ha?" inis na tanong ko sa kaniya na ikinailing naman niya.
"Hindi naman sa ganun kaso nga lang ang creepy mong ngumiti." nakangiwing sagot niya na ikinairap ko na naman.
"Ang iingay niyo." inis na wika ni Shane kaya natahimik na lang kaming dalawa ni Tyler.
Buntis iyan at wala tayong laban diyan.
♡♡♡♡♡
Lumipas ang ilang oras naming byahe ng makarating na rin kami sa aming pupuntahan.
"It's so dark." komento ni Shane habang pababa kami ng van.
"Maglalakad pa tayo papasok sa base ng mga mafia." biglang usal ni Cyrus bago hinawakan sa braso si Shane.
"Teka anong mafia? Bakit tayo andito sa base nila?" tanong ni Shane ewan ko ba kung ako lang ang nakahalata sa panginginig niya o pati rin sila.
"Dito muna tayo mananatili habang hindi pa tumitigil ang mga kalaban sa paghahanap sa atin." sagot ni Tyler saka tumingin sa akin kaya nagkibit balikat na lang ako.
"Tara na." aya ni Cyrus at maglalakad na sana ngunit agad din itong napatigil ng hindi man lang gumalaw si Shane sa kinatatayuan niya. "Shane ano ba?" naiinis na tawag sa kaniya ni Cyrus ngunit tinanggal lang ni Shane ang kamay niya na nakahawak sa braso nito.
"Isa kang mafia?" walang buhay na tanong ni Shane kay Cyrus.
"Oo at hindi lang basta isang mafia dahil ako ang leader nila." deretsong sagot ni Cyrus sa kaniya na ikinaatras naman ni Shane.
"Ikaw? Pati rin ikaw Mica? Tyler?" naiiyak na tanong nito na ikinalito naman naming tatlo.
"Bakit anong masama doon?" nalilitong tanong ni Tyler sa kaniya.
"Mga mamamatay tayo kayo." sigaw nito sa amin habang umiiyak bago tumakbo palayo sa amin kaya naman nagulat na lang kami at hindi na nakapagsalita.
Mamamatay tao? Kami? Anong ibig sabihin niya? Anong kinalaman namin sa mga sinasabi niya?
"Teka asan na si Shane?" biglang tanong ni Tyler na ikinakaba ko naman.
"O shit Cyrus baka maligaw iyon." natatarantang wika ko.
"Mauna na kayo sa base. Ako ng bahala sa paghahanap sa kaniya." wika nito na ikinabahala naman naming dalawa ni Tyler.
"Pero maggagabi na baka mahirapan ka na niyan sa paghahanap." nag-aalalang wika ni Tyler na sinang ayunan ko naman.
"Kaya nga. Mas maigi pa sigurong tulungan ka na lang namin." sabi ko.
"Maiwan ka dito Mica." inis na usal ni Tyler kaya nainis na rin ako.
"Siraulo ka ba? Alam mo namang kapag may nangyaring masama doon kay Shane ay malalagot ako kanila tita Ciel at tito Yrus." inis na wika ko na ikinangiwi naman niya.
"Ako ang mas malalagot dahil asawa ko iyon at dala dala pa niya ang magiging anak ko." inis na wika naman ni Cyrus na ikinagulat naming dalawa ni Tyler.
Sino nga ba ang hindi magugulat kung out of nowhere ay sasabihin niya ang mga iyon.
"So tanggap mo na sila?" biglang tanong ko na ikinasama naman ng mukha niya. Sabi ko nga hindi pa.
Cyrus
"So tanggap mo na sila?" tanong ni Mica sa akin na agad namang ikinasama ng timpla ng mukha ko.
"Ako na lang ang maghahanap." wika ko at saka iniwan silang dalawa doon.
Bahala sila kung ano ang gagawin na nila basta ako may kailangan pa akong hanapin. Bwisit na babaeng iyon basta basta na lang natakbo kala mo naman ay kabisado niya ang lugar na ito.
Pagkatapos niya kaming sabihan ng mamamatay tao tapos bigla na lang siyang tatakbo at ginawa pa talaga kaming tagahanap niya.
Lagot talaga sa akin iyon kapag nakita ko siya. Pasalamat siya dala dala niya ang magiging anak ko at kung hindi, talagang hindi ako mag aaksaya ng oras para hanapin siya.
"Shane" sigaw ko sa loob ng gubat na tinakbuhan niya kanina ngunit wala man lang akong natanggap na sigaw pabalik.
Fuck shit. Hindi ko pa naman masyadong kabisado itong gubat na tinakbuhan niya dahil hindi naman kami gaanong napapadpad dito noong mga panahong nagtetraining pa lang kami.
♡♡♡♡♡
Inabot na ako ng umaga sa kakahanap sa kaniya ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya makita. Hindi ko na nga rin alam kung nasaan na akong lupalop napunta basta ang alam ko ay malayo na ang narating ko dahil kagabi pa ako palakad lakad.
Halos wala pa nga akong tulog at pahinga dahil sa paghahanap sa kaniya. Wala pa rin akong kain at siguradong hanggang ngayon ay wala pa rin siyang kain dahil na rin sa kapangahasan niyang maglayas kagabi.
Inabot pa ako ng ilang oras sa paglalakad at paghahanap sa kaniya ng mapagdesisyunan ko na munang magpahinga. At kapag sineswerte ka nga naman ay may nakita akong kweba sa may kaliwa ko kaya agad ako doong pumunta ngunit hindi ko inaasahan ang makikita ko.
Siguro kung hindi ko naisipang magpahinga at hindi ko nakita itong kweba na ito ay siguradong hindi ko na talaga siya makikita dahil andito lang pala siya nagpapahinga.
"Shane" tawag ko sa kaniya kaya naman agad siyang lumingon sa akin ngunit paglingon niya ay doon ko naman nakita ang mga mata niyang namamaga dahil siguro magdamag siyang umiyak.
"Cyrus" bulong niya ngunit sakto lang para marinig ko kaya naman agad akong lumapit sa kaniya.
"Ayos ka lang?" tanong ko ng makalapit ako sa kaniya ngunit agad din naman siyang napaatras ng upo na ikinatigil ko naman.
"Huwag kang lalapit." naiiyak na sabi niya kaya napatigil na lang ako ng tuluyan at hindi na nakapagsalita pa.
BINABASA MO ANG
My Cold Husband is a Mafia King
RomansaSabi nila lahat ng hirap na iyong napagdaanan sa buhay ay magkakaroon ng magandang kalalabasan. Sabi din nila wag basta basta sumuko dahil ang sumusuko ay para lang sa mga taong ayaw ng magpatuloy sa buhay. Mas mabuti ng tanggapin ang lahat kesa sum...