Chapter 25

1.5K 42 0
                                    

Third Person

Nang mamatay ang tawag ay agad namang kumilos ang mga lalake na bumalik kaagad sa base. Hindi inalintana ang kanilang mga magulang na kanina pa sila tinatawanan sa sobra nilang pagkataranta.

"Shit Tyler bilisan mo baka lumipat na sila ng bahay." inis na wika ni Zari sa kaibigan kaya natawa na lang ang mga magulang nila.

"Jeez mom, dad tulungan niyo na nga lang kami dito hindi iyong tawa pa kayo ng tawa diyan." naiinis na wika ni Cyrus sa mga magulang.

Ngunit imbes na tulungan sila ng kanilang mga magulang nila ay nilayasan lang sila ng mga ito. Kaya naman nagpupuyos sa inis na inayos nila ang kanilang mga gamit.

At ng matapos na silang ayusin ang kanilang mga gamit ay siya namang bilis bilis nilang makabalik sa base.

Sa kabilang banda naman ay masayang nagkekwentuhan lang ang mga babae habang nakamasid sa kanilang mga anak na masayang naglalaro sa kanilang bakuran.

Hindi sila nangamba na baka ay masundan na sila ng mga asawa nila bagkus iniisip lang nila na ito na ang araw para makilala ng mga bata ang kanilang mga ama.

Iniisip nila na baka ang iba sa kanila ay gusto pang ayusin ang problema sa mga asawa nila kaya hindi na lang sila gumawa ng kilos. Basta nanatili lang sila sa kung nasaan sila. Sapagkat iniisip nila na mapakod rin ang palaging magtatago sa mga problema ng kanila kanilang buhay.

"Guys ready na ba kayo?" maya maya'y tanong ni Caila sa mga kaibigan.

"Yes we are basta para sa mga anak natin, kakayanin natin." nakangiting sagot ni Mica na ikinailing naman ng iba.

"Mica's true. Saka it's been four years since we left. Siguro naman nalaman na nila ang nilalaman ng sulat ni Shane." hindi lumilingong wika naman ni Leny. "Lux, don't do that to your sister." saway nito sa panganay na anak.

"Yes mom. Baby Lexine here." sagot ng kaniyang panganay na anak na si Lux.

"Ang lalaki na nila." wala sa sariling wika ni Arice habang nakangiti.

"Oo nga. Parang kailan lang mga sanggol pa sila tapos ngayon ang lalaki na nilang lahat." natatawang sang ayon naman ni Nea sa kaniya.

"Hahaha sa akin nga dati tatlo lang pero ngayon lima na sila." natatawang sabi naman ni Shane.

"Paano naman kase iyong asawa mo. Grabe kung tumira, sapul kung sapol. Ayan tuloy sa dalawang beses lang na paggawa nagkaroon na agad ako ng limang pamangkin." natatawang komento naman ni Mica na ikinatawa naman nilang lahat.

"Bakit sa iyo? Mahina ang magiging asawa mo. Hindi man lang baga dinamihan ang pagtarget at. Ayan tuloy iisa lang naging anak niyo." natatawang asar naman ni Eya kay Mica.

"Kaya nga. Lahi pa naman kayo ng mga kambal tapos iisa lang ang lumabas. Naku pagsabihan mo nga iyang mapapangasawa mo na sa susunod na puputok siya ay damihan naman ng dalawa ang mabuo." natatawang usal naman ni Niya.

"Jusko day, oo sa susunod na ipapasok niya ang sandata niya at kapag handa na siyang ilabas ang bala ay sasabihan ko siyang damihan ang pagtarget para sapul na sapol." natatawang sagot ni Mica na ikinahagalpak naman nila ng tawa.

"Hahaha maigi na lang ako sa isang putok lang ay nagkaroon na agad ng dalawa." natatawang wika naman ni Leny.

"Hahaha pati din naman ako. Paano kase expert na expert ang asawa ko sa ganiyan." natatawang pagsang ayon naman ni Niya.

"Naku baka ang sabihin mo ay mas expert ang asawa ni Shane kase tingnan niyo nakalima agad sila. At ang malala pa ha. Talagang hindi man lang pinalipas ng isang taon si Shane dahil tumira na naman agad siya sa loob lang ng dalawang buwan ha." natatawang wika naman ni Nea kaya naman namula si Shane.

"Jusko bakit sa akin napunta. Pati rin kaya si Caila. Tingnan niyo sinundan din kaagad si Kenjie." natatawang wika naman ni Shane.

"Ay oo nga." natatawang pagsang ayon ni Lea na ikinatawa na lang ni Caila.

"Ano naman at least heaven." natatawang komento nito na ikinatawa naman nilang lahat.

At tumagal pa nga ang kanilang kwentuhan. Hindi na muna nila inisip ang kanilang mga problemang kakaharapin sa oras na makaharap na muli nila ang kanilang mga asawa.

Sa bawat araw kase na sila ay magkakasama ay lagi silang nagtutulungan sa hirap ng buhay. Kaya nga nabuhay sila sa loob ng apat na taon kahit wala ang mga asawa nila sa tabi nila.

Nabigyan nila ng magandang buhay ang kanilang mga anak. Napalaki nila ng maayos. At naiibigay kahit papaano ang kanilang mga gusto.

Simula ng umalis sila sa poder ng kanilang mga asawa ay hindi sila nagdalawang isip na mabuhay ng para sa sarili nila. Hindi naging hadlang sa kanila ang kanilang mga anak para sila ay tumayo para sa sarili nila.

Hindi naging hadlang ang mga problema nila sa buhay bagkus naging inspiration pa ito sa kanila para sila ay umangat. Marami mang problema ang dumating sa kanila ngunit lahat ng iyon ay nalampasan nila ng sama sama.

Dahil ang goal nilang lahat ay sama sama tayong umalis sa poder nila kaya sama sama din tayong haharap para sa mga problema na ating haharapin sa bandang huli. Wala man tayong maipagmamalaki sa mga anak natin pagdating ng araw ngunit pwede naman tayong gumawa ng mga bagay na maipagmamalaki nila balang araw.

At iyon nga ang kanilang nagawa. Si Shane na nais mahanap at makasama ang mga totoo niyang mga magulang at kapatid ay ngayon naman ay kaniya ng nakakasama at nakakausap sa araw araw.

At ang iba na kung dati ay walang ibang inisip kung hindi ang mga anak nila ay ngayon naman ay nagkakaroon na rin sila ng oras para sa sarili nila.

Ngayon naman ay halos hindi na nila kailangang mag isip ng makakain ng mga anak nila sa araw araw sapagkat pwede na silang bumili ng mga makakain nito kahit ano pa ang gustuhin nila.

Hindi na rin sila natatakot na mawalan ng pera na gagastusin sa araw araw sapagkat sobra sobra ang kanilang mga sweldo para sa panggastos nila.

Habang busy na nagtatawanan sila Shane at ang mga anak nila ay hindi man lang nila napansin ang mga lalakeng kanina pa nakamasid sa kanila kung hindi lang ito mga nagsalita.

"Ehem. Pwede ba kaming makisali sa inyong kasiyahan?"

My Cold Husband is a Mafia KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon