Shane
It's been one month and one in a half week before we left the Philippines. Yes we are outside the country because Mica said it is safe for us to leave the country. Dahil kapag sa Pilipinas lang daw kami nag stay ay baka may mangyari pa sa aming masama lalo na at nagkalat na daw sa ibat't ibang parte ng Pilipinas ang mga kalaban nila sa mafia world.
"Shane buntis ka ba?" biglang tanong sa akin ni Mica ng mapasukan niya ako sa kwarto ko habang nagsusuka dito sa may cr.
"Huh? Bakit mo naman nasabi?" nagtatakang tanong ko na ikinairap naman niya.
"Duh. Mukhang obvious naman kase. Tingnan mo anong oras na ngayon. Ala una na ng madaling araw tapos nagsusuka ka diyan? At hindi lang ikaw ha. Pati sila Caila, Arice, Ana, at Nea ay nagsusuka din ngayong madaling araw." tila naistress na wika ni Mica kaya napatawa na lang ako.
"Chill Mica. Hindi pa naman tayo sigurado baka naman may nakain lang ako kanina." natatawang sagot ko sa kaniya na ikinailing naman niya.
"Ah basta magpatingin ka sa doctor bukas at kapag nakompermang buntis kayong lima babalik tayo sa Pilipinas." seryosong wika nito na ikinagulat ko naman.
"Wait what? Babalik? Seryoso ka? Mica naman." naiinis na wika ko ngunit tinalikuran lang ako nito bago tuloy tuloy na lumabas sa kwartong inuukupa ko at ng mga anak ko.
Aba ma-atittude ang hinayupak na buntis. Ngunit agad din naman akong napatigil ng marealize ko ang mga sinabi sa akin kanina ni Mica.
Paano kung buntis nga ako? Paano kung totoo lahat ng sinabi niya? Paano kung umuwi kami ng Pilipinas tapos makita namin ang mga asawa naming masaya na sa piling ng iba? Ano kaya ang mangyayari sa amin?
Daming tanong pero ni isa wala akong masagot sapagkat hindi ko rin naman alam kung totoong mangyayari ang mga iyon. Ngunit sana hindi. Sana lahat ng sinabi ni Tyler ay totoo.
Hayst daming sana. Bahala na si batman kung magkakatotoo ba iyon o hindi.
Pero susubukan ko pa rin. Susubukan ko pa ring hintayin siya kahit anong mangyari. Ngunit sa oras na hindi siya dumating sa loob ng isang taon. Siguro tama na iyon. Tama na iyon para mag antay sa taong kahit kailan ay hindi naman dadating.
Kinabukasan ay agad kaming pumunta nila Caila sa hospital para mapatingnan kung totoo nga ba ang mga sinabi sa amin ni Mica. Pero may parte pa rin sa akin na nagsasabing totoo iyon at dapat akong maniwala ngunit may parte pa din naman na nagsasabing baka pinagtitripan lang ako ni Mica.
"Congrats Mrs. Monteverde you are one month and one week pregnant." nakangiting bati sa akin ng doctor na kausap naming lima. "And to the four of you. Mrs. Acantara you are one month pregnant. Same us to the three of you Mrs. Realonda, Mrs. Smith, and Mrs. David. Congratulations. I hope that you can take good care of yourselves." nakangiting bati nito sa aming lima kaya nagpasalamat na lang kami.
"Thanks doc." pagpapasalamat namin bago tuluyang lumabas ng office niya.
Nakalabas kami ng hospital ng walang imikan hanggang sa makalapit kami sa van na nakaparada malapit sa hospital na aming pinuntahan kanina.
"What is it?"
"Ay bakulaw." gulat na wika ko. Paano naman kase may bigla na lang nagsalita sa tabi ko. "Jusko naman Mica. Huwag ka ngang manggulat." inis na wika ko na tinawanan lang naman niya.
"So?" maya maya'y tanong nito ng tumigil ito sa katatawa.
"Fine you win. We are pregnant but it doesn't mean that we are going to the Philippines." inis na sagot ko sa kaniya na ikinaingos naman niya.
"Hanep na mga lalakeng iyon nagawa pa talaga nila kayong buntisin pagkatapos ng mga katarantaduhan nila." inis na inis na wika naman ni Mica kaya nagkatinginan na lang kaming mga babae bago umiling.
Hanep na babaeng ito. Kala ko kung ano lang ang sasabihin iyon pala iyon lang ang iwiwika niya. Napakagaling. Napakahusay. Sarap ibalibag palabas ng sasakyan. May pasalita salita pa siyang ganiyan. Pero kapag dumating ang oras na humingi ng tawad ang mga lalaking iyon ay baka nga manguna nguna pa siyang magsabi na ay naku mahal kayo niyan kaya papatawarin kayo niyan.
Iba pa naman itong babaeng ito.
"So anong balak niyo kung sakaling ayaw niyong bumalik ng Pilipinas?" maya may'y tanong niya sa amin.
"I will raise my child on my own." sagot ni Caila.
"Siguro ako, magpapatayo ako ng kahit na maliit na negosyo para kung sakali maubos man ang ipon ko ay may mapagkukunan ako." sagot naman ni Arice.
"Me too. Total may pinag aralan naman ako at nakagraduate ng college siguro magpapagawa din ako ng business na naaayon sa kursong natapos ko." sagot naman ni Nea.
"Yeah that's a good idea pero ako hindi masyadong malaki ang ipon ko kaya I will try to find a job para naman madagdagan." sagot naman ni Ana.
"You know what bakit hindi na lang kaya tayo magshare sa business na ipapatayo ko Ana. Naiisip ko kase na baka kapag hinahanap ko na ang mga magulang ko ay walang titingin sa negosyong ipinatayo ko." nakangiting sabi ko na sinang ayunan naman ni Mica.
"That's a good idea, Shane. Saka baka kung ano pa ang mangyari sa iyong masama Ana kung sakaling magtrabaho ka pa sa iba." seryosong wika ni Mica na ikinatango naman naming apat.
"Pero kunti pa lang ang ipon ko." nag aalangang wika ni Ana kaya natawa na lang ako.
"Lukaret ka. Walang kaso iyon sa akin. Saka kahit hindi ka magbigay ng share mo sa pagpapatayo ng negosyo natin okay lang." nakangiting wika ko.
"Salamat guys. Siguro kung wala kayo baka hindi ko alam kung saan ako pupulutin lalo na ngayon na may dinadala ako." naiiyak na wika nito.
"Tsk what's friend are for kung hindi lang din tayo magtutulungan di ba." nakangiting wika ni Caila kaya napangiti na lang din kami.
"Guys lahat ng nangyayari sa atin ay may dahilan. Sabi nga nila everythings happens to your life it's come a perfect blessing. Malay niyo dumating ang araw na umangat tayo. Makilala tayo sa buong mundo bilang isang masisikap na ina para sa mga anak nila." nakangiting wika ni Arice na sinangayunan naman naming lahat.
"Just trust God for every problem we face. Kase lahat ng iyon ay malalampasin natin." nakangiting wika naman ni Nea.
Yeah every problem we face we make sure that all of those are just a piece of cake to all of us. Basta palagi lang kaming nagtutulungan sa isa't isa. Siguradong aangat din kami balang araw.

BINABASA MO ANG
My Cold Husband is a Mafia King
RomansaSabi nila lahat ng hirap na iyong napagdaanan sa buhay ay magkakaroon ng magandang kalalabasan. Sabi din nila wag basta basta sumuko dahil ang sumusuko ay para lang sa mga taong ayaw ng magpatuloy sa buhay. Mas mabuti ng tanggapin ang lahat kesa sum...