Third Person
Isang buwan na mahigit ang nakakalipas ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring kaalam alam ang mga lalake na ang kanilang mga asawa ay wala na sa base.
Habang si Tyler naman ay nanatiling tahimik at walang sinasabi sa kanilang lahat. Dahil ang nasa isip niya ay hindi pa daw ngayon ang oras para malaman nila ang katotohanan na umalis na ang kanilang mga asawa.
Ngunit hindi niya alam na may isang tao ang nakakaalam ng kaniyang mga ginawa. Ang kaniyang pagtulong sa kanila na sila ay makaalis. Dahil hindi niya alam na matagal na pala siya nitong minamanmanan. Hindi niya alam na halos lahat ng kinikilos niya dati ay talagang pinagtatakahan na nito. Kaya noong mga araw na umalis siya sa quarters ay sinundan siya nito.
Ngunit hindi niya inaasahan ang kaniyang makikita sapagkat ang kaniyang mga anak at ang kaniyang asawa ay tuluyan ng mawawala sa piling niya. Kung dati ninanais lang niyang kunin ang anak niya sa kaniyang asawa dahil wala naman siyang pakialam sa ina ng bata ngunit nagkakamali pala siya.
Dahil sa nakita niya noon ay parang dinudurog ang kaniyang puso. Dinudurog ang kaniyang puso sa kadahilanang ang kaniyang asawa at nga anak ay tuluyan na siyang lilisanin.
Habang tahimik na nakaupo sila Tyler at Xien ay bigla na lang silang may narinig na mukhang nagtatalo sa labas ng quarters na tinutuluyan nila kaya napakabas kaagad sila ng wala sa oras. And there they saw, Cyrus and Zex are fighting for some reasons.
"Bakit ginusto ko ba ang planong binuo nila?" galit na galit na sigaw na tanong ni Cyrus kay Zex na ngayon ay namumula na sa sobrang galit.
"Edi sana hindi ka na pumayag di ba." sigaw naman ni Zex pabalik kaya naman nagkukumahog si Cyrus na makawala sa hawak nila Alen at Dron. Habang si Zex naman ay kalmado lang na hawak nila Shun at Zen.
"E gago ka pala e. Alam mong hindi ako ang unang pumayag sa usapan na iyon." nanggagalaiting sigaw ni Cyrus dito habang pilit na kumakawala sa hawak ng dalawa niyang kaibigan.
Tumagal pa ang bangayan nilang dalawa hanggang sa natigil lang ito sa isang putok ng baril. At ng tingnan naman nila kung saan ito nanggaling ay nakita nila si Tyler na nakatayo sa may pintuan ng quarters habang may hawak na baril.
"Kung inaasikaso na lang baga ninyo ang problema dito sa quarters edi sana tapos na tayo at nakauwi na tayo sa base para naman malaman na natin kung anong nangyayari doon di ba." sarkastikong wika ni Tyler habang nakatingin ng masama sa kanilang lahat.
"Tapusin na natin ang problemang ito ng maayos na rin natin ang problema natin sa mga asawa natin." walang emosyong sabi naman ni Xien at nagpatiuna ng pumasok sa loob ng quarters kaya napasunod na lang ang iba.
Habang si Cyrus at Zex naman ay humingi muna ng kapatawaran sa isa't isa dahil sa mga nasabi at nagawa nila. Nasanay na kase silang lahat na sa oras na may mag aaway sa kanila ay hihingi sila ng tawad sa isa't isa pagkatapos.
Hindi na nila ito pinapatagal dahil wala rin namang patutunguhan ang pag aaway nila kung patatagalin pa nila ito.
"Tyler, may problema ba sa base?" biglang tanong ni Aron ngunit hindi man lang ito pinansin ni Tyler at nagpatuloy lang sa kaniyang ginagawa.
"Anyari diyan?" tanong naman ni Zari ng mapansin na hindi pinansin ni Tyler si Aron.
"Hindi ko nga alam." sagot na lang sa kaniya ni Aron at saka ipinagpatuloy ang kanilang ginagawa.
BINABASA MO ANG
My Cold Husband is a Mafia King
RomanceSabi nila lahat ng hirap na iyong napagdaanan sa buhay ay magkakaroon ng magandang kalalabasan. Sabi din nila wag basta basta sumuko dahil ang sumusuko ay para lang sa mga taong ayaw ng magpatuloy sa buhay. Mas mabuti ng tanggapin ang lahat kesa sum...