Third Person
Ang tangkang pag alis nila Shane ay hindi natuloy sa kadahilanang ang kanilang mga asawa ay dumating. Naiisip nilang lahat na bakit pa sila bumalik sa kabila ng lahat ng kanilang narinig na masaya na sila sa bago nilang kinakasama.
Iniisip din nila na baka hindi naman talaga trabaho ang inaatupag nila katulad ng sinasabi nila dati. Iniisip nila na imbes na trabaho ang atupagin ay babae pa ang inaatupag nila.
Sa isip isip din nila ay masakit din pa lang isipin na kapag sila ay hindi napagbigyan ng mga babae nila ay sa kanila ito mga lumalapit. Ngunit wala naman silang magagawa dahil tungkulin nila ito bilang asawa nila. Ngunit hindi naman nila tungkulin na masaktan ng dahil sa kanila.
Tinatanong din naman nila sa kanilang mga isip na kung bakit hindi daw nila sila marespeto kahit minsan lang.
All of them was devastated for the truth that their husband are cheating behind their back. That their husband was not real for them. Kase lahat lang naman ng kanilang ipinapakita ay wala namang katutuhanan.
Even though kahit na para sa mga anak man lang nila ay magpakita sila ng totoong pagmamahal ngunit batay sa kanilang nakikita ay hindi mangyayari iyon.
Ngayon pa nga lang na hindi man lang nila matingnan at maintindi ang kanilang mga anak ay parang sinasabi na nilang wala silang pakialam dito. Paano pa kaya kung maiwan sa kanila ang mga anak nila kung ngayon pa lang ay wala na silang ipinapakita na kabutihan sa mga ito.
Ngunit sa kabila ng mga pangamba ng mga kababaihan ay hindi naman mapakali sila Danie, Alen, Zex, Xien, at Aron. Simula kase ng ipinanganak ng kanilang mga asawa ang kanilang mga anak ay hindi man lang nila ito nalapitan o nakarga man lang. Hindi nga rin nila ito natawag na anak sa unang pagkakataon man lang.
Simula kase ng dumating sila kahapon galing sa quarters ay hindi man lang nila nakita ang mga asawa nila sa sala na kung saan ay laging naghihintay sa kanila. Hindi rin nila ito nakita sa kanilang mga kwarto.
Bagkus ang sabi lang ng mga katulong dito sa bahay ay nasa kabilang bahay daw ang mga ito. Lumipat daw sila doon sa mas maliit at kasya lang para sa kanilang lahat. Even Cyrus, Dron, at Shun ay nagtataka kung bakit lumipat ang mga ito kung gayong mas kumpleto at mas malawak naman ang pwesto sa dati nilang tinutuluyan.
Nakita nga lang nila ito kaninang madaling araw na naghahakot ng gamit papunta sa kabila. Noong una ay hindi nila ito pinapansin ngunit kalaunan ay napansin na nilang lahat na hindi lang pala basta paghahakot iyon dahil halos lahat ng gamit ng kanilang mga asawa ay dinala nila sa kabilang bahay.
Gusto sana nila itong kausapin ngunit pinigilan lang sila ni Tyler. Dahil baka daw ay hindi lang sila kumportable sa malaking bahay. Dahil alam naman nilang lahat na galing sa mahihirap na pamilya ang kanilang mga napangasawa.
Ngunit sa kabila ng pangungumbense ni Tyler sa kanila na hayaan muna sila ay hindi pa rin mawala sa mga isip ng kaniyang mga kaibigan na kakausapin nila ang mga ito kahit na anong mangyari.
Sa kabilang banda naman, ang mga babae ay masayang nag uusap usap at inaalagaan ang kanilang mga anak. Hindi rin muna pumapasok sa kanilang mga isipan ang kanilang mga asawa na nasa kabilang bahay man lang.
Kaya lang naman sila lumipat ng bahay ay dahil iyon ang gusto ng iba sa kanila. Ang mahiwalay muna sa kanilang mga asawa na walang ibang ginawa kung hindi ang saktan lang sila.
Ngunit sa kabila ng sakit na naramdaman nila sa kanilang mga asawa ay nangingibabaw pa rin ang pagmamahal na kanilang nararamdaman para dito.
Si Shane na hindi man lang nakaranas na magmahal dati ay naramdaman niya ngayon simula ng makilala niya si Cyrus.
Si Caila na akala niya ay hindi na siya makakaligtas sa lupit ng pamilya niya ngunit simula ng dumating si Shun sa buhay niya ay doon lang siya nagkaroon ng pagkakataon na makaalis sa lupit ng buhay niya sa sarili niyang pamilya.
Si Niya na akala niya ay hindi na siya makakaalis sa hirap ng buhay ngunit simula ng mailigtas niya ang buhay ni Zex ay pinangakuan siya nito na makakaalis siya sa buhay na kaniyang tinatamasa.
Si Leny na walang ibang ginawa kung hindi ang magpakahirap para lang may mapakain sa pamilya ay bigla na lang umangat ng tulungan niya ang masungit na si Xien.
Si Leyan na walang ibang inisip kung hindi iahon ang kaniyang pamilya sa kahirapan ay bigla na lang naikasal sa anak ng taong pinagkakautangan nila ng malaki.
Si Arice at Lea na walang ibang ginawa kung hindi ang magtrabaho ng mabuti para lang may mapakain sa pamilya ay bigla na lang inakit ng kasal ng dalawa lalaking walang ibang ginawa kung hindi ang magpaiyak ng mga babae.
Si Tessa, Ana, at Nea naman ay magkakaibigan na tahimik na naninirahan sa isang eskwater ay bigla na lang naipakasal sa tatlong lalaking nagmamay ari ng lupaing iyon.
Si Eya naman na galing sa mayamang pamilya ngunit agad din naghirap simula ng kalabanin ang business nila ng pamilya ni Alen ngunit kapalit ang kaniyang pagpapakasal kay Alen ay siya namang angat din ng pamilya niya.
Si Mica na walang ibang ginawa kung hindi ang pangarapin na sana mahalin din siya ni Tyler ngunit sa kabila ng mga nangyari sa kanila ay hindi man lang siya nito magawang mahalin pabalik.
Lahat sila may pinagdaanan sa buhay bago nila makilala ang mga asawa nila. Ngunit hindi nila lubos maisip na kung saan sila tutungo sa oras na umalis na sila.
Saan sila pupunta kung sakaling iwan nila ang kanilang mga asawa. Lahat sila hindi alam kung saan pupunta. Ngunit gaya ng sabi ni Mica ay huwag daw silang matakot dahil may pupuntahan naman daw sila.
May bahay silang matutuluyan sa oras na lumayas sila sa poder ng kanilang mga asawa. At sabi din ni Mica huwag din daw silang matakot na baka masundan sila kase wala ni isa sa kanila ang sinabihan kung saan sila pupunta.
Oh well sino ba naman ang iiwan na nga ang mga asawa tapos magpapaalam pa. Diba wala kase isang malaking katangahan na iyon para sa kanila.
![](https://img.wattpad.com/cover/236112736-288-k424479.jpg)
BINABASA MO ANG
My Cold Husband is a Mafia King
RomanceSabi nila lahat ng hirap na iyong napagdaanan sa buhay ay magkakaroon ng magandang kalalabasan. Sabi din nila wag basta basta sumuko dahil ang sumusuko ay para lang sa mga taong ayaw ng magpatuloy sa buhay. Mas mabuti ng tanggapin ang lahat kesa sum...