Chapter 18

1.3K 38 0
                                    

Shane

Isang buwan na ang nakakalipas simula ng manganak ako at sa awa ng Diyos ay nanganak na rin ang iba ko pang kasamahan.

Ngunit sa pagdaan ng araw ay hindi namin ikinakasaya ang mga ginagawa ng mga asawa namin. Halos wala na silang oras para sa amin. They even didn't want to hear the cry of their babies. Hindi rin namin sila nakitang kargahin at pansinin man lang ang mga anak nila.

Even Mica didn't know what happen to them. Hindi niya din daw alam kung bakit nagkakaganun ang kaniyang pinsan at mga kaibigan. Maski nga si Tyler ay hindi na rin siya pinapansin. Mica was devastated for the truth that Tyler didn't want his child.

Another month's past. At hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagpapakita sa amin. Halos isang buwan at kalahati na silang umalis dito sa base ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin sila bumabalik. Yong tipong ngayon mo sila kailangang kailangan ngunit wala naman sila sa tabi mo. Last time we heard for one of their men, they was happy chatting with a girl named, Inna.

At doon ko lang din nalaman na ang Inna palang sinasabi nila ay dating girlfriend niya na hanggang ngayon ay mahal pa rin niya. And one of their men also said that Cyrus wants to go back to her ex.

Hindi ko alam kung ano ang pumapasok sa isip niya at nasabi niya iyon. Siguro dahil hindi niya talaga ako minahal kagaya ng kaniyang sinasabi araw araw. Simula kase ng manganak na ako ay nag iba na ang trato niya sa akin. Kung dati noong una pa lang naming pagsasama ay medyo cold lang siya sa akin.

Ngunit ngayon naman ay mas humigit pa. Halos hindi ko na rin makilala ang Cyrus na aking nakasama nitong mga nakaraang buwan. Ang dating Cyrus na kilala ko ay unti unti ng nawawala.

At nitong mga nakaraang araw din ay napapansin ko si Mica at Caila nabalisang balisa. Halos kaming iba ay nag aalala na sa kanilang dalawa dahil sa halos hindi na sila kumakain ng maayos at parang laging may iniisip. Minsan pa nga ay nahuhuli namin silang nagbubulungan at parang may pinagtatalunan na hindi naman namin alam.

Medyo natatakot na rin kami sa aming kalagayan ngayon dahil nitong mga nakaraang araw ay may nakita kaming isang bangkay sa kwarto ni Mica. Hindi namin alam kung bakit iyon nandoroon ngunit ang sabi lang sa amin ni Mica ay baka kumikilos na ang mga kaaway nila sa mundo ng mafia. At hindi lang iyon ang ikinakatakot naming lahat dahil iniisip din namin ang kalagayan ng aming mga anak. Lalo na ngayon at may triplets akong inaalagaan.

Ngunit sa kabila ng takot namin ay nangingibabaw pa rin ang pag aalala namin sa aming mga sarili at mga anak. May minsan na ngang hindi nakakatulog ng maayos ang ilan sa amin sa takot na baka kapag naturulog kami ay bigla na lang mawala sa tabi namin ang mga anak namin.

It's hard to say that our husbands abandoned us pero iyon naman ang totoo. Ayaw naming umabot pa sa paraan na baka may inaasikaso lang silang importante ngunit hindi pa rin namin maikakaila na talagang kinalimutan na nila kami. Dahil kung hindi nila kami kinalimutan edi sana ay nagpaalam at tumatawag sila sa amin kung sakaling may oras sila.

Ngunit sa kasamaang palad ay hindi man lang kami nakatanggap ng tawag o text man lang mula sa kanila. Na para bang ipinapamukha nila sa amin na wala silang naiwan na asawa na naghihintay sa kanila.

Sa totoo lang ay ayaw ko ng ganitong sitwasyon ngunit gaya nga ng sinabi ni Nea ay baka may problema lang sila at ayaw nila kaming madamay. Ngunit sa kabila ng kaniyang mga sinabi ay hindi pa rin kami naniniwala nila Anna at Arice sa sinabi niya.

Just like what Arice said kung mabuti silang asawa sana naisip din nila na may mga taong nag aalala para sa kanila. And it's true to the point na sana nga ay nagsabi sila o sinabi man lang nila sa amin na huwag na kaming mag aalala dahil nasa mabuti silang kalagayan, just like before they always update us for their life. Hindi nila hinahayaang mag alala kami sa kanila ng masyado.

Ngunit nag iba na ata ang ihip ng hangin ngayon dahil sa ginagawa nila ay para na nilang sinabi na sana mamatay na lang kami sa pag aalala namin para sa kanila.

"Guys we need to talk to all of you." seryosong wika ni Mica ng makalapit sila sa amin.

"What for?" kunot noong tanong ni Leyan sa kaniya.

"For the boy's." sagot naman ni Caila kaya naman napakunot noo kaming lahat.

"Anong meron sa kanila?" nag aalalang tanong ni Tessa.

"Teka nga. Teka nga. May kinalaman ba ito noong mga nakaraang araw na masyado kayong balisa." tanong ni Niya sa kanilang dalawa.

"Let's just say mas higit pa diyan sa inaakala mo, Niya." seryosong sagot ni Mica sa kaniya.

"Ano ba? Huwag niyo nga kaming bitinin diyan, sabihin niyo na kung ano iyang gusto niyong sabihin." inis na wika ko na ikinalingon naman nila sa akin.

"Fine." pabuntong hiningang wika ni Caila. "Kailangan nating magplano." seryosong wika ni Caila.

What the hell. Anong plano ang ibig nilang sabihin? Puro naman kase sila pabitin hindi baga sabihin na lang nila ng deretso.

"Para saan naman?" inis tanong naman ni Leny.

"Taenad isa pang pabitin tingnan niyo aabutin kayo sa akin." inis na wika ni Leyan kaya naman napailing na lang kami.

At doon na nga nila inumpisahan na ekwento sa amin lahat ng nalalaman nila at narinig nila. Doon rin nila sinabi na lahat ng ipinapakita ng aming mga asawa ay puro kasinungalingan lang. Idagdag mo pa na gusto nilang kunin sa amin ang mga anak namin.

Na ang totoong motibo lang nila sa amin ay magkaroon ng anak at basta na lang kaming paalisin sa buhay nila pati sa buhay ng mga anak namin.

Nang matapos nilang ekwento lahat ay hindi ko na halos marinig ang ingay sa labas dahil nangingibabaw ang lakas ng iyak ng mga kasama ko.

At ako? Hindi ko alam kung iiyak ba ako o matutuwa o malulungkot sa lahat ng nalaman ko. Akala ko kase naranasan ko na ang pag ibig na matagal ko ng minimithi ngunit nagkakamali lang pala ako.

At ngayon? Isang lang ang naging desisyon naming lahat. At iyon ay iwan na sila ng tuluyan kasama ang mga anak namin. Kung sila binabalak pa lang nilang ipaghiwalay kaming lahat sa mga anak namin pwes uunahan na namin sila. At sila naman ang mahihiwalay sa mga anak nila, hindi kami.

My Cold Husband is a Mafia KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon