Chapter 13

1.5K 44 0
                                    

Cyrus

Isang linggo na ang nakalipas simula ng umalis sila Tyler at Mica. Sana nga lang ay nagagawa ni Tyler ng matiwasay ang lahat ng binilin namin sa kaniya.

Ayaw ko mang paalisin si Mica lalo na't buntis pa siya ngunit hindi ko rin siya mapigilan dahil iniisip lang niya ang kalagayan ng sarili niyang anak. Ayaw niyang maging katulad namin ang anak niya. Ayaw niyang masangkot sa mafia world ang magiging anak niya kaya mas pinili lang niya ang umalis.

Matagal na niyang sinasabi sa akin palagi na sa oras na magkaroon siya ng sariling pamilya ay aalis na siya sa mafia world. Hindi niya daw nanaisin na pati ang pamilya niya ay masangkot sa problema ng mga mafia. Ayaw niya rin daw na madanasan ng mga magiging anak niya ang lahat ng hirap na pinagdaanan niya.

At naiintindihan ko naman siya sa gusto niyang mangyari dahil kung ako ang tatanungin ay ayaw ko ding madanasan ng mga magiging anak ko ang lahat ng pinagdaanan ko. Ngunit kahit anong gusto kong mangyari ay hindi iyon magkakatotoo dahil ang pagiging mafia ay talagang ganap na iyon sa angkan namin.

At iniisip ko rin na walang hahawak ng sinimulan ng mga ninuno namin kung sakaling umalis ako sa pagiging leader ng pangkat namin.

Noon pa man alam ko na sa oras na makapagpamilya ako ay wala rin silang takas sa kung anong meron ako. Alam kong maghihirap din sila sa pagdating ng panahon.

Pagdadaanan din nila ang hirap na pinagdaanan ko para umabot sa pagiging mabuting pinuno. Dadaan din sila sa lahat ng pagsubok na pinagdaanan ko noong kabataan ko pa lang.

Ngunit alam kong kahit anong mangyari sa pagsasanay nila ay mapagdadaanan nila iyon. Lalo na at walang mahinang Monteverde sa pamilya namin. Kaso natatakot ako kapag nagkaroon ako ng anak na babae dahil kung sa lalake ay sobra na ang hirap na aming pinagdaanan sa training. Para naman sa mga babae ay doble pa sa hirap ng pinagdaanan ng mga lalake.

Kunbaga ay masasabi mo na talagang para ka ng sa impyerno nanggaling sa oras na ikaw ay matapos sa training mo. You didn't know what's going on to you when you enter to that challenge of your own. Kaya para sa magiging anak kong babae alam kong mahirap ang kaniyang pagdadanasan sa pagdating ng panahon.

Pero bilang ama niya alam ko ang tungkulin ko para sa kaniya. At kung magkakaroon man ako ng anak na babae, ipagpapasalamat ko na lang iyon sa panginoon kung sakali. Saka dumating na iyon e. Hindi ko na rin iyon mapagsisisihan kung sakaling ipanganak siya dahil hindi naman namin alam na babae siya.

They say that ultrasound is an answer to the people who want to know the gender of their child while it is already in five months in their mom's womb. But for me ultrasound is just a thing. It's better to be surprise than to spoiled your self.

If it's a girl or boy hindi nila kailangan na pagsisisihan na iyon ang nabuo dahil iyon ang kinaya ng kanilang genes. Maging masaya ka na lang na nagkaroon ka pa ng anak kesa sa wala.

"Hon, kabuwanan ko na." nakangiting sabi ni Shane habang hinihimas ang kaniyang malaking tiyan.

"I'm so excited to see them, hon." nakangiting wika ko na ikinangiti rin niya.

"Ano kaya ang magiging gender nila?" nakangiting tanong nito na ikinangiti ko naman ng malapad.

"We don't know, hon. But I want a girl." nakangiting sagot ko.

"You didn't want a boy?" inosenteng tanong nito kaya natawa na lang ako.

"Hindi naman sa ayaw ko kaso mas gusto ko talaga ay magkaroon ng anak na babae. Para naman magkaroon na ako ng prinsesa." nakangiting sagot ko na ikinailing naman niya.

"Ay basta ako if it's a boy or girl, tanggap ko pa rin sila." sagot nito na ikinangiti ko naman ng malapad.

"Of course. Kahit ano naman ang maging gender nila ay matatanggap at matatanggap ko pa rin sila dahil anak ko iyon e. At walang pwedeng umangkin sa kanila kase ako ang kadugo nila at genes ko ang pinanggalingan nila." seryosong wika ko.

"Ay wow parang sinasabi mong ikaw lang ang may karapatan sa kanila ah." nakataas na kilay na sabi nito kaya napakamot na lang ako sa batok.

"Hahaha hindi naman. Saka syempre tayong dalawa ang may karapatan sa kanila kase anak natin sila." awkward na wika ko na ikinailing naman niya.

Jusko po nakakatakot talagang magkaroon ng asawang katatakutan mo sa lahat ng oras. Pero kahit na ganun thankful pa rin ako dahil siya ang napangasawa ko.

Habang nagkakasiyahan kaming dalawa ni Shane ay siya namang biglang tunog ng cellphone ko kaya napalingon ako kaagad sa pinaglagyan ko ng phone ko bago tumingin muna kay Shane na ngayon ay senenyasan lang ako.

Nang makuha ko naman na ang phone ko ay agad ko na ring sinagot ang tumatawag dahil si Mica lang naman pala ito.

"Hello Mica" wika ko na ikinalingon naman sa akin ni Shane kaya naman lumapit ako sa kaniya bago ni-loud speaker ang tawag.

"You jerk. Di ba may kasunduan tayong dalawa?" singhal nito sa kabilang linya kaya napangiwi na lang ako habang si Shane ay tumawa lang.

"Bakit ba?" tanong ko.

"Bakit andito si Tyler sa Laguna ha?" singhal ulit nito.

"Tyler? E andito kaya si Tyler." sagot ko kaya naman nakatikim ako ng masigabong sigaw galing sa pinsan ko.

"Gago ka ba? Siraulo? Hoy Cyrus Ford Monteverde hindi ako tanga. At mas lalong hindi ako namamalikmata kanina dahil talagang siya iyon." sigaw nito kaya mas lalo pa akong napangiwi ng wala sa oras.

"Saan mo kase siya nakita? Baka nagkakamali ka lang." sagot ko ngunit sininghalan lang ako nito.

"Isa pang deny Cyrus. Tingnan mo at uuwi ako talaga diyan para batukan ka lang." singhal nito kaya napailing na lang ako.

"Haysst sabihin mo na kase ang totoo." bulong ni Shane sa akin kaya napailing na lang ako na ikinakibit balikat naman niya.

"Haysst baka nga kamukha lang." pabuntong hiningang wika ko.

"Ewan ko sa iyo. Siya nga pala uuwi na ako diyan sa lunes dahil baka manganak na si Shane. Para may katulong ka na rin sa pag aalaga sa kaniya." mahinahong wika nito kaya napabuntong hininga na lang ako bago tapusin ang tawag.

Malapit na ngang manganak si Shane at soon makikita ko na rin ang mga anak ko.

My Cold Husband is a Mafia KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon