Third Person
Hindi pa man sumisikat ang araw ay naghahanda na sila upang umalis. Sinamantala na nilang lahat ang oras at araw na ito para tuluyang maisagawa ang kanilang matagal ng plano.
Even though that they are so nervous for their own good. But they thought that they will not have enough time to stay to this place.
Lahat sila ay isa lang ang gustong mangyari at iyon ay ang makaalis sa lugar na kung saan minsan na sa kanilang napamahal.
Pero sa kabila ng kanilang pag alis alam nilang may madadala pa rin silang ala ala mula sa kanilang mga asawa. At iyon ay ang pagmamahal nila para sa mga ito.
"Guys ready na ba kayo?" tanong ni Mica sa mga kaibigan na agad naman nilang ikinatango.
"Pero bakit ang dami atang helicopter ang nasa labas, Mica?" nagtatakang tanong ni Leyan sa kaibigan.
"Huh? Ilan? Ang kinausap ko lang naman ay tatlong piloto kase sila na lang ang available dahil iyong ibang piloto ay kasama nila Cyrus." nagtatakang sagot naman nito.
Kaya naman nagtaka silang lahat ng halos anim na helicopter ang nasa labas kaya naman wala sa oras na napalabas agad sila ng bahay. At ng lumabas naman na sila ay siya namang lapit ng isang piloto kay Mica.
"Ma'am, ready na po ang lahat." sabi ng isang piloto kay Mica.
"Bakit ang daming helicopter? Di ba tatlo lang ang sabi ko?" nagtatakang tanong ni Mica sa pilotong kausap kaya napakamot na lang ito sa batok ng wala sa oras.
"Pasyensya na Ma'am ngunit binilinan niya po kaming huwag naming sabihin sa inyong kung sino siya." nahihiyang sagot ng piloto kaya natawa na lang ang iba.
"E? Sino ba kase iyon?" natatawang tanong naman ni Lea.
"Sorry talaga Ma'am pero binilinan talaga niya kaming lahat na huwag ng sabihin sa inyo ang pangalan niya pero hindi pa naman po siya nakakaalis. Andito pa po siya nakamasid sa inyo." nakangiting sagot nito na ikinangiwi naman ng mga babae.
"My gosh ang creepy ha." natatawang wika naman ni Eya habang karga karga ang anak na si Althea.
"Let's go baka dumating na ang mga iyon." walang emosyong sabi ni Ana at nauna ng maglakad habang karga karga ang isang anak ni Niya na si Nixea.
Nang makaalis na si Ana sa tabi nila ay agad namang sumunod si Arice na karga karga ang isang anak ni Leny na si Lexine.
"Una na ako." walang buhay na wika naman ni Nea habang karga ang isa sa mga anak naman ni Shane na si Kyle. Habang si Kylie ay karga naman ni Mica at si Kyler ay kay Shane.
"My ghod andon na pala ang isa sa mga kambal ko." histerical na wika naman ni Niya habang karga ang kakambal ni Nixea na si Nix.
"Pati din iyong akin." natatawang wika naman ni Leny habang karga karga ang kakambal ni Lexine na si Lux.
"Sana all kase may kambal." natatawang komento naman ni Leyan kaya napatawa na lang ang iba sa kanila bago nagsipasok sa mga helicopter na kanilang sasakyan.
Ngunit bago pa man makapasok ng tuluyan si Shane at Mica ay may nahagip silang isang lalakeng papalapit sa kanila. Kaya naman pati si Nea ay napatigil din sa akmang pagpasok sa sasakyan nilang tatlo.
"My gosh. Why is he here?" inis na komento ni Caila na bumaba pala ulit ng hindi sila pumasok sa loob.
"We don't have any idea." wala sa sariling sagot naman ni Shane bago tumingin sa kanila.
"Why are you here?" inis na tanong ni Mica sa binata na kalalapit lang sa kanila.
"Why? I want to see my soon to be wife before they left." nakangiting sagot nito na hindi inalintana ang masasamang tingin ng mga kasamahan nito.
"Soon to be wife? Who?" inis na tanong dito ni Mica na ikinangiti naman nito ng malawak.
"You!" sagot nito ngunit sinamaan lang siya ng tingin ng kausap. "Look. I just want to see you before you leave. And I want to say see you soon to our baby. Kaya sana naman huwag mong ipagkait iyon sa akin, okay? Saka alam kong alam na ninyo ang balak ng mga asawa niyo but I swear they didn't meant it." wika nito ngunit hindi man lang siya nakatanggap ng sagot mula sa kausap kaya nagpatuloy lang siyang magpaliwanag sa mga ito.
"It's just that natatakot lang talaga silang magmahal muli kaya ganun na lang ang mga nasasabi nila pero hindi naman lahat sila ay ganun ang gustong gawin. Saka wala naman na ata silang balak ituloy ang mga plano nila kase tingnan niyo andito pa rin kayo. And nagtataka rin kayo kung bakit anim na ang sasakyan niyo." natatawang wika ni Tyler kaya naman nakatikim siya ng batok mula kay Mica. "Aray naman. Ako ang may gawa niyan kase in the first place alam ko na ang plano niyo." sabi nito habang hinihimas ang pinagbatukan ni Mica sa kaniya.
"Dapat ka ba naming pagkatiwalaan o hindi?" wala sa sariling tanong ni Caila sa kaniya kaya napangiwi na lang si Tyler sa kaniya.
"It's up to you pero isa lang ang masasabi ko. Hindi pa ito ang huling pagkikita natin dahil kapag nalaman ng mga asawa niyo na wala na kayo dito sa base siguradong hahanapin nila kayo. Kaso nga lang matatagalan sila sa paghahanap dahil may mga problema pa kaming kinakaharap dito kaya see you soon." nakangiting pahayag nito na ikinatango tango naman nila Shane at Caila.
"So paano ba iyan Tyler aalis na kami." malungkot na sabi ni Shane kay Tyler kaya napawi agad ang ngiting kanina pa niya gustong mawala.
"Mag iingat kayo lalo ka na Mica. Ingatan mo ang anak natin pati na rin ang sarili mo." seryosong paalala ni Tyler kay Mica na tumango na lang bilang sagot.
"Mag iingat ka din dito Tyler." paalala naman ni Nea.
"Shane ingatan mo ang magiging soon to be pamangkin ko. Nais ko pa silang makita paglaki nila. Pati na rin ang mga anak ninyong lahat." malungkot na sabi ni Tyler sa kanila bago isa isang hinalikan sa noo ang mga sanggol na dala nila bgao muling bumaling ulit kay Mica na ngayon ay umiiyak na. "Mag iingat ka doon ha. Ingatan mo ang sarili mo pati na rin ang magiging anak natin. Mahal na mahal kita, Mica. Pangako sa muling pagkikita natin ay papakasalan na kita. Sana nga lang ay mahintay mo pa ako noon." umiiyak na wika ni Tyler habang yakap yakap si Mica.
"Mahal na mahal din kita. At pangako ko din sa iyo na hihintayin kita kahit na dumaan pa ang maraming taon." umiiyak na wika din ni Mica pabalik.
"O sige na. Baka mainip na ang piloto ng private plane na inihanda ko para sa inyo." nakangiting wika ni Tyler ng bitiwan na niya sa pagkakayakap si Mica ngunit bago pa man siya tuluyang makalayo sa kinatatayuan niya ay tinawag muli siya ni Shane.
"Tyler" tawag ni Shane sa kaniya na ikinatigil naman niya bago lumingon ulit sa kanila.
"Bakit?" tanong nito ngunit inabutan lang siya ni Shane ng sobre bago tuluyang pumasok sa loob ng helicopter pero bago pa man ito makalipad sa kinalalagyan ay muling sumigaw si Shane sa kaniya.
"Ibigay mo iyan sa kaniya sa oras na matapos na ang inyong problema sa mafia world." sigaw ni Shane na ikinatango naman agad ni Tyler bago kumaway sa kanilang lahat.
"Mag iingat kayo. Magkikita pa tayong lahat muli." sigaw naman ni Tyler sa kanila.
Mag iingat ka din, Tyler. Tahimik na bulong ni Mica sa sarili niya bago bumaling sa sanggol na kaniyang hawak at sa kaniyang tiyan na medyo halata na.

BINABASA MO ANG
My Cold Husband is a Mafia King
RomanceSabi nila lahat ng hirap na iyong napagdaanan sa buhay ay magkakaroon ng magandang kalalabasan. Sabi din nila wag basta basta sumuko dahil ang sumusuko ay para lang sa mga taong ayaw ng magpatuloy sa buhay. Mas mabuti ng tanggapin ang lahat kesa sum...