Tyler
Akala ko kung ano lang ang nangyari kay Mica. Ayon naman pala nakakita lang siya ng ipis. Una gusto ko sana siyang tawanan dahil sa hanggang ngayon ay takot pa rin siya sa ipis.
Ngunit ang pagtawa na iyon ay hindi natuloy ng aksidente kong makita ang itinatago niya sa likuran niya.
Akala ko nga kung ano lang iyong nakita ko. Akala ko namamalikmata lang ako ngunit ng tingnan ko ulit ay doon ko lang naconfirm na isa pala iyong pregnancy kit.
Oo alam ko ang pregnancy kit dahil nakakita na ako noon dati sa pinsan ko.
At ng makita ko iyon na may dalawang pulang guhit ay gusto ko ng magtatalon sa tuwa dahil natupad na rin ang pangarap ko na magkaroon ng anak sa babaeng mahal ko. Ngunit kahit isang hiyaw at talon ay hindi ko nagawa dahil baka makahalata si Mica na alam ko na.
Dahil ang gusto ko ay sabihin niya sa akin. Gusto ko ipagtapat niya sa akin na magkakaroon kami ng anak.
Saka habang hindi pa sa akin ipinapagtapat ni Mica ang tungkol sa kalagayan niya. Siguro ito na rin ang oras para maghanda ako sa maaaring kalalabasan sa oras na malaman ito ni Cyrus. Knowing Cyrus when it comes to Mica he is very protective.
I remember when we are in college he always warn me that Mica is exempted to all girls I fuck. Lagi niya akong pinapagsabihan na huwag ko daw igaya si Mica sa mga babaeng naikakama ko at napaglalaruan.
Alam ko naman iyon dahil noong unang makita ko siya ay masasabi ko talagang iba siya, iba siya sa mga babaeng dumaan sa buhay ko.
"Hoy Tyler kanina ka pa hindi mapakali diyan ah." puna sa akin ni Xien kaya napaupo na lang ako ng tuwid.
"Anong problema?" biglang tanong ni Alen na sinagot ko naman ng iling.
"Ows? E kanina ka pa namin pinagmamasdan diyan dahil sa biglaan mong pagiging balisa." kunot noong wika naman ni Dron kaya napangiti na lang ako ng pilit.
"May problema ka ba sa mga babae mo huh?" nakangising tanong naman ni Zari na agad ko namang binato ng unan.
"Tanga nagbago na ako." sagot ko dito na tinawanan naman ng iba.
"Oo nga naman nagbago na iyan si Tyler sa sobrang pagbabago lagi ko siyang nakikitang nakatingin kay Mica." nakangising wika naman ni Zen.
"Tinamaan ata si Tyler sa pinsan mo brad." tila nang aasar na sabi ni Zex kay Cyrus kaya napailing na lang ako ng wala sa oras.
"Okay lang sa akin basta ba nagbago na talaga siya dahil kung hindi alam na niya kung saan siya pupulutin." may pagbabanta sa boses na sagot naman ni Cyrus.
"Hanep yan parang hindi tayo pare pareho dati ah." sarkastikong wika ko na tinawanan lang nilang lahat.
"Pikon ka kaagad ay." natatawang wika ni Sean na ikinaingos ko naman.
"Alam naman naming babaero kami dati pero ngayong may mga asawa na kami, aba good boy na ata kami." may pagmamalaking sabi naman ni Aron na ikinatango tango naman ng iba.
"Hanep good boy. E ano pala iyong nilalandi mong babae doon sa quarters huh?" nakangising tanong ko na ikinasama naman ng timpla ng mukha niya.
"Hanep huwag mo na nga iyang sabihin pa." naiinis na usal nito kaya natawa na lang ako.
"Oh chill lang. Ito naman hindi na mabiro hahaha." natatawang wika ko na ikinatawa din ng iba.
Sarap lang sa pakiramdam na makipag asaran ulit sa mga kaibigan mo. Parang dati lang mga babaero pa kami. Halos araw araw may mga babae kaming kasama at dinadala sa condo namin pero ngayon may mga asawa na sila. Ako na nga lang ang walang asawa sa aming magkakaibigan e.
Napag iiwanan ng masyado. Pero ngayon sisiguraduhin kong ako naman ang ikakasal.
"I think I will leave now kailangan ko pang alagaan ang anak ko." natatawang paalam ni Shun kaya natawa na lang kami.
"Hahaha sige lang basta kami chill chill muna habang hindi pa lumalabas ang mga anak namin." natatawang wika naman ni Zari kaya natawa na lang din kami.
"Good luck" sabay sabay na sigaw namin habang tumatawa kaya naman nakatikim kaming lahat ng isang malutong na mura galing kay Shun.
♡♡♡♡♡
Limang araw na ang lumipas ngunit wala pa rin akong natatanggap na balita galing kay Mica. Hindi pa rin niya sa akin ipinapagtapat ang kaniyang kalagayan. Kapag naman susubukan ko siyang kausapin lagi na lang niya akong iniiwasan.
Kapag nakakasalubong ko naman siya halos hindi niya ako tinitingnan. Halos tinanong ko na rin sila Shane kung anong problema ni Mica ngunit pati sila ay wala ding alam.
Hanggang sa malaman ko na lang na aalis na siya. Aalis siya ng hindi man lang niya sinasabi sa akin ang kalagayan niya. Na para bang ayaw niyang malaman ko kung ano ang pinagdadaanan niya ngayon.
At first gusto ko siyang kumprontahin tungkol sa kalagayan niya ngunit pinigilan ako ni Cyrus. Sabi niya baka hindi pa daw handa si Mica na sabihin sa akin ang kalagayan niya kaya pabayaan ko daw muna sa ngayon. Ngunit kapag dumating daw ang araw na hindi na talaga niya kayang sabihin sa akin ay doon na daw ako manghimasok. Doon ko na daw sabihin kay Mica na alam ko kung ano ang kalagayan niya.
Kahit sila Shane at ang iba ay ganun din ang sinabi nila. Kaya imbes na pigilan ko siya sa pag alis ay hinayaan ko na lang muna dahil sa mga sinabi ng mga kaibigan ko.
Kahit na gustong gusto ko na siyang hilahin pababa sa helicopter na kaniyang sinasakyan ay hindi ko na itinuloy dahil inaalala ko pa rin ang mga payo ng aking mga kaibigan.
Pinayagan din ako ni Cyrus na sundan siya ngunit huwag daw muna akong magpakita. Siguruhin ko lang daw na lagi siyang ligtas ay ayos na iyon. Kaya ito ako ngayon tinatanaw siya mula sa malayo.
Tinatanaw siyang makipag usap at makipagtawanan sa kapit bahay niyang lalake.
Gusto ko ng sugurin sila ngunit pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil alam kong walang malisya ang makipag usap at tawanan lang sa kapit bahay mo.
Tiis tiis muna tayo ngayon ngunit darating din ang araw na ako naman ang gagawa ng paraan para ikaw ay mapangiti man lang.
BINABASA MO ANG
My Cold Husband is a Mafia King
RomanceSabi nila lahat ng hirap na iyong napagdaanan sa buhay ay magkakaroon ng magandang kalalabasan. Sabi din nila wag basta basta sumuko dahil ang sumusuko ay para lang sa mga taong ayaw ng magpatuloy sa buhay. Mas mabuti ng tanggapin ang lahat kesa sum...