Chapter 15

1.4K 40 0
                                    

Third Person

Halos hindi magkandaugaga ang mga tao sa base ng mafia dahil sa sigaw ng isang babae. Isang babaeng malapit ng manganak.

May mga hindi alam kung ano ang uunahin. May mga hindi alam kung saan pupunta. May mga taong hindi alam kung anong gagawin dahil sa excitement. May mga taong nagsisisigaw dahil sa tuwa. May mga taong naiiyak dahil din sa tuwa.

They didn't know how to handle their emotions because of happiness. They didn't know how to handle the situation.

Hindi kase sila makapaniwalang lahat dahil sa nangyayari ngayon. Hindi sila makapaniwala na magkakaroon na ng anak ang kanilang mafia leader.

Parang kailan lang kase ng pilitin at kulitin nila ang kanilang mafia leader na magkaroon ng asawa. Dahil iniisip rin nilang baka hindi na mag asawa ang leader nila dahil katatapos lang nito sa isang relasyong puro lang kasinungalingan lahat.

Sa takot nila na baka wala ng humawak ulit na bagong leader galing sa angkan ng mga Monteverde ay masira lahat ng sinimulan ng pamilya Monteverde.

Ngunit hindi nila inaasahan na magkakaroon na agad ito ng asawa. Kase the time na pinipilit na nila itong mag asawa ay kinabukasan naman ay nakatanggap silang lahat ng invitation na lahat sila ay kailangang umattend sa kasal ng kanilang pinuno.

Noong una ay naisip na nilang baka nagbibiro lang ang kanilang leader ngunit kalaunan ay pumunta rin silang lahat sa venue na kung saan ay magugulat silang lahat na hindi pala talaga nagbibiro ang kanilang leader.

Dahil ng mga panahong sila ay nakadating sa venue ay all set na lahat. Talagang napaghandaan na ang magaganap na kasal. At hindi rin nila inaasahan na ang mapapangasawa ng kanilang leader ay ang batang dati na nilang hinahangaan sa angking galing nito sa pakikipaglaban at katalinuhan.

Ngunit lahat ng saya nila noong panahon na iyon ay naglaho ng malaman nilang nagkaamnesia ang batang minsan na nilang nakasama at tinuruan kung paano ipaglaban ang sarili sa mga kaaway.

Imbes na malungkot sila sa loob ng buong araw ay mas pinili na lang nilang magsaya sa kaarawan ng kasal ng kanilang mafia leader.

They enjoy the whole day with the newly weed. They gave them a gifts. They give them their greetings.

Kung baga sa ibang kasal ay okay na sila kung ano ang nasa paligid nila. But to them? Ang dating masayang kasalan ay mas pinasaya pa nila para sa kanilang leader. Mas pina-special pa nila ang okasyon.

"Jusko ko po." biglang wika ni Xien ng makita niya si Shane na iyak ng iyak.

"Mahirap ba talagang maglabor kapag kambal ang anak mo?" nakangiwing tanong ni Leny sa asawa kaya naman napasimangot na lang ang asawa nito.

"Bakit ako ang tinatanong mo e hindi naman ako maglelabor." inis na sagot nito sa asawa kaya naman nakatikim siya ng isang batok dito.

"Gago ka. Nagtatanong lang naman ako." inis na inis na sagot ni Leny sa asawa kaya naman napatakbo na lang si Xien palayo sa asawa ngunit hindi pa man lang ito nakakalayo ay narinig pa nito ang sigaw ng asawa. "Tarantado ka talaga Xien. Subukan mo lang tumabi sa akin mamaya sa pagtulog dahil talagang sisipain kita palabas ng kwarto natin." sigaw pa ni Leny ngunit tinawanan lang ito ng asawa niya.

"Cyrus papatayin talaga kita kapag hindi ka lumapit dito." sigaw naman ni Mica sa pinsan na ngayon ay nanginginig na habang nakatingin sa asawang kanina pa umiiyak dahil sa sakit.

"Mica hindi ko na kaya." umiiyak na wika ni Shane kay Mica na ngayon ay nakaalalay na sa kaniya.

"Shh everything will be alright, okay?" pagpapahinahon nito sa asawa ng pinsan niya.

"Shane inhale exhale. Just breathe in breathe out, okay?" wika naman ni Caila na ngayon ay nakaalalay na rin sa kaniya.

Ngunit kahit anong pagpapakalma nila sa kaibigan ay hindi pa rin maalis alis ang sakit na nararamdaman nito kaya kung ano ano ng salita ang naibabato nila sa asawa ng kaibigan nila.

Hindi na rin nila inalintana kung mafia king man ito o hindi. Dahil ang nasa isip nila ngayon ay ang asawa nitong hindi na alam kung anong gagawin dahil sa sakit na nararamdaman.

"Cyrus tarantado ka talaga." sigaw ni Mica sa pinsan.

Halos hindi na rin nito naisip na siya ay buntis din dahil sa pag aalala sa magiging kalagayan ni Shane at ng mga pamangkin niya.

"Hoy Cyrus punyeta ka lumapit ka dito total kasalanan mo naman kung bakit naghihirap ang asawa mo." sigaw ni Caila sa kaibigan ng asawa. "Bakit mo ba kase inubos ang katas mo sa loob ng asawa mo kaya ayan tuloy imbes na isang hirap lang ang pagdadaanan ng asawa mo naging doble pa dahil sa dami ng katas na inilabas mo. Punyeta naman oh." reklamo pa nito kaya naman natawa na lang ang mga kaibigan nito pati na rin ang asawa niya dahil sa pagkaprangkang magsalita ng asawa.

"Jusko Caila pati ba naman iyon pinuna mo." natatawang wika ni Niya ngunit inirapan lang naman siya noong isa bilang sagot.

"Hoy Shane saan ka pupunta?" biglang tanong ni Mica kay Shane na ngayon ay nagsisimula ng maglakad palayo sa kanila ngunit nasagot din naman agad ang tanong nito ng maglakad ng pabalik balik si Shane sa harapan nila habang umiiyak.

"Jusko naman kung lalabas na kayo edi lumabas na kayo kesa naman sa pinapahirapan niyo pa ako." bulong nito na sakto lang para marinig ng iba. "Naku kapag talaga naging pasaway kayo sa akin paglaki niyo talagang ipapatapon ko kayo sa Mars. Pagkatapos ko kayong paghirapang iire tapos magpapasaway lang kayo sa akin, naku naku talagang hindi niyo magugustuhan ang gagawin ko sa inyo." reklamo pa nito na ikinatawa naman ng iba.

Habang si Cyrus ay napapailing na lang dahil sa pagrereklamo ng asawa niya.

"Hon, baka mapagod ka niyan." nag aalalang wika ni Cyrus sa asawa kaya naman sinamaan siya ng tingin nito.

"Baliw ka ba? Kaya nga ako naglalakad ng naglalakad para mas mapadali ang paglabas nila tapos ngayon sasawayin mo ako? Baka gusto mong ikaw ang manganak dito." mataray na sagot nito sa asawa na ikinahalakhak ng buong barkada nila pati na rin ng mga myembro ng mafia na kanina pa nakamasid sa kanila.

"Kawawa naman si leader sinusungitan lang ni misis." biro naman ng isang myembro ng mafia kaya napatawa na lang ng wala sa oras ang iba.

"Hoy anong ginagawa niyo dito ha? Magpahinga na nga kayong lahat." inis na lintaya ni Cyrus sa mga ito ngunit tinawanan lang siya ng mga ito.

"Shane oras na para pumunta ng clinic." singit ni doktora Chavez kay Shane kaya napatingin silang lahat dito.

"Okay doc I'm coming with you." sagot ni Shane bago nagsimulang maglakad kasabay si doktora Chavez.

Oh shocks it's time to meet my babies. Sa isip isip ni Cyrus habang nakasunod sa dalawa.

"Good luck." sigaw ng mga kaibigan niya na ikinangiti naman niya ng malawak.

Ngunit habang naglalakad sila papuntang clinic ay bigla namang sumigaw si Shane ng manganganak na siya kaya agad na kumilos si Cyrus na buhatin ang asawa papuntang clinic.

At ng makarating naman na sila sa clinic ay agad naman ng sinimulan ang pagpapaanak kay Shane.

Habang si Cyrus naman ay excited ng malaman kung anong gender ng mga anak niya at excited ma rin siya makarga at maalagaan ang mga ito.

Na talagang matagal na niyang hinahangad noong nasa sinapupunan pa lang sila ng kanilang ina.

My Cold Husband is a Mafia KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon