Kabanata 13

35 9 1
                                    

Ika-labing Tatlong Kabanata

#ACWTFTDUnexpected

Buong biyahe akong tahimik dahil first time ko na makasakay sa kotse niya. Pinaglaban ko na nga na doon nalang ako sa kotse ko pero mapilit siya kaya wala na akong nagawa.

Pero in fairness, malinis iyong sasakyan niya at saka mabango. Nakita ko rin sa back seat iyong mga nakasampay na iba't ibang kulay ng coat sa may gilid ng bintana. He's really organized sa lahat ng bagay kaya mas nakaka-attract siya.

Pagkababa namin, agad kaming dumiretso sa site at nagsuot ng PPE. Mabuti nalang at dinala ko iyong tube para sa mga blue prints nitong tinatayong establishment.

Medyo naiinitan nga lang ako sa suot kong long sleeve na polo at slacks pero okay na rin 'to kaysa matusta sa araw.

"Mukhang malaki nga ang kailangan baguhin."

Napatingin ako sa nagsasalita sa tabi ko. He's still looking at the site at mukhang chine-check niya talaga kung ano iyong mga babaguhin.

Inilabas ko agad iyong blue prints ko at saka iniabot sa kanya. Mayroon pa namang ibang copy, iyon nalang ang titignan ko.

"I already re-arranged everything, Sir. We'll just have to check the site at least thrice a week to see this," I said, pointing out to the blue print he was holding.

Glad I ended up being an architect. It's just made me really happy and excited to work everyday because this is my choice which I really love. Kapag kasi gusto ko 'yong ginagawa ko, hindi ako nakakaramdam ng pagod o stressㅡthough ibang usapan na kapag may aksidente. Good thing, I followed my heart's choice. Kung dati, pinipilit talaga ako ni Mama na mag archi, hindi naman siya nagkamali dahil nagustuhan ko naman.

Sabi kasi nila, if you don't want to get your parents get disappointed at you, then do everything that will make them proud. Pero paano naman kung hindi mo gusto 'yong pinipili nila para sa 'yo? Of course, you'll just get unconditional regrets in the end. Hindi naman kasi palaging effective 'yong sinasabi nila na kahit ayaw mo sa una, okay lang dahil matututunan mo rin naman na magustuhan.

It sometimes doesn't work even when it comes to love. Life will always be complicated.

"We need the assigned Engineer's approval for this," He said.

I nodded. Hindi naman kasi pwedeng i-go namin 'yong new project plan ng kami lang. "I'll call Kaisley about that, Sir. Excuse me," I excused myself para matawagan si Kaisley tungkol doon sa mga Engineer na naka assigned dito sa site.

I was about to go nang bigla niyang hawakan iyong braso ko. Napatigil ako at lumingon sa kanya. "Do you need anything else, Mr. Salonga?" I asked.

Nakatulala lang siyang umiling. "I already called him. He'll be a little bit late because he attended a meeting," He said.

Napa kunot iyong noo ko pero hindi nalang ako sumagot at nag-stay sa tabi niya. We just discussed for an hour nang may makita kaming paparating na kotse. This one's familiar.

Agad na lumapit si Mr. Salonga para hintayin iyong lalaki sa loob ng sasakyan. Ito na yata 'yong bagong Engineer na kinuha nila.

"Good to see you, Mr. Romero," Mr. Salonga greeted.

Hindi ako makapaniwala sa kung sino iyong nakikita ko. I mean, I saw my friends a year ago at ngayon ko lang ulit siya nakita.

Nanatili ako sa kinatatayuan ko hanggang sa mapunta sa akin iyong tingin ni Paul. I quickly smiled at him at saka lumapit sa kanilang dalawa.

A Comeback when the First Tear Dropped (COMPLETED)Where stories live. Discover now