Kabanata 18

41 8 1
                                    

Ika-labing Walong Kabanata

#ACWTFTDConfession

I don't know where to start again.

I don't know how to proceed again.

I don't know what to feel again.

All I thought, I was done with this kind of sadness pero iba pa rin pala kapag malapit talaga sa iyo iyong tao na nawala. Mas maiintindihan ko pa sana kung nag-ibang bansa lang si Papa, e. At least kung ganoon, makakausap pa rin namin siya through video chat pero iyong patay na? Wala ka nang magagawa. Wala ka nang pwedeng gawin para mabalik pa 'yong tao na 'yon.

I feel like my world crashed for the second time around. I didn't see this coming dahil ang tanging nasa isip ko lang habang comatose si Papa ay magigising siya one of these days pero ito? I wasn't even prepared for this. Tuwang-tuwa pa nga sana akong uuwi noong gabi na 'yon dahil pakiramdam ko magigising na siya but it turns out vise versa.

Si Papa nalang iyong mayroon kami ni Keena tapos nawala pa. If only I could bring back time, masaya na sana ulit kaming kasama si Papa ngayon. He's one of the people whom I admired for being the most faithful and nicest person in the world. And now that he's gone, I don't know where could I find Papa's personalities.

"Ate, let's eat," Keenadee approached me but I remained silent at patuloy na tinitignan si Papa na para bang natutulog lang.

Marami na rin ang tao rito sa loob dahil gabi na. Iyong karamihan ay mga kliyente at kasamahan ni Papa sa trabaho na nagpunta pa rito para makilamay. Some of his clients were surprised for knowing that Papa's already dead.

"Condolence, Kren." Someone tapped my shoulders. I turned around and looked at her sadly.

I just smiled at Haisley and then hugged her. "If you need someone to talk to, don't hesitate to call me, okay?" She said but I just simply nodded.

"Upo muna kayo," I told Haisley and Paul. Inasikaso naman sila agad ni Keena pero nanatili pa rin akong nakatingin sa kabaong ni Papa.

My life was becoming a mess again. Sobrang roller coaster ng buhay ko pero mas marami pa iyong naranasan kong downfalls kaysa masasayang moment, e. Para bang ako iyong napili ni Lord na pumasan ng sabay-sabay na mabibigat na problema kasi alam niyang sanay na ako.

Tomorrow evening will be Papa's last night here in St. Peter at darating na naman ako sa punto na ayaw ko siyang pakawalan. Na para bang gusto ko habam buhay na siyang nandito at ayos lang kahit patay na siya basta ba nakikita ko pero alam ko naman na hindi pwedeng mangyari 'yong iniisip ko.

Mas dumarami iyong tao habang lumilipas ang oras at mas magiging busy ako dahil sa pag-aasikaso ng mga nakikiramay para kay Papa. Wala na rin naman kaming kamag-anak sa side ni Papa dahil iyong magulang niya ay wala na pati na rin iyong nag-iisa niyang kapatid. Si Mama, hindi ko alam kung ano na ang balita sa kanya pero kahit na alam kong imposible, sana puntahan niya man lang si Papa at dalawin...

"Ate." Natigil ako sa paglalagay ng mga biscuits nang biglang magsalita si Keena sa tabi ko.

I looked at her blankly. "What?" I asked.

"May naghahanap sa 'yo sa labas," She simply said. "Ako na dito, puntahan mo na muna," She suggested bago mabilis na kuhanin sa akin iyong tray na puro biscuits.

Napa kunot iyong noo ko sa sinabi niya kaya mabilis akong lumabas para saglit na tignan kung sino iyon. I was in complete shock when I saw Mr. Salonga leaning on his car.

Napatingin siya sa gawi ko na para bang gulat din kagaya ko. "Sir?" I said.

He smiled and then walked towards me. "Alexis, Kren," He corrected me.

A Comeback when the First Tear Dropped (COMPLETED)Where stories live. Discover now