Kabanata 16

36 9 1
                                    

Ika-labing Anim na Kabanata

#ACWTFTDCollegeFriends

Another day, same problems to face. Maaga akong nagising dahil mayroon kaming napag-usapan ni Ron kagabi bago siya umuwi. Sinabi niya kasi na siya raw ang maghahatid sa akin ngayon sa office dahil hindi niya pinadala iyong kotse ko. Aba, hindi na ako umangal dahil bukod sa may pa-breakfast daw siya sa sasakyan, hindi pa ako mababadtrip sa daan kung sakali man na ma-traffic kami.

I just picked something formal that will suit my self for today. Lately kasi nawawalan ako ng gana na magsuot ng coat dahil sa init kaya nagfo-formal skirt nalang ako at saka long sleeve then I'll pair it with a medium height heels.

Binilisan ko nalang iyong pagbibihis ko dahil nag vibrate na iyong phone ko. I looked at it at mayroong text galing na naman kay Idk u. Ang tiyaga talaga nitong taong 'to, hindi napapagod kaka-text sa akin ng mga positive words every day kahit na hindi ko siya nirereplyan.

Hindi ko nalang pinansin iyon at saka dumiretso na pababa ng bahay dahil narinig ko na iyong busina ng sasakyan ni Ron.

"Sorry to keep you waiting," I apologized as I was in front of his car.

He just smiled at saka bumaba sa kotse niya. I looked at where he was going pero nagulat ako nang pagbuksan niya pa ako ng pinto.

I was shocked when I saw him in his formal suit. Nakalimutan kong lawyer nga pala 'tong kaibigan ko. Bakit ba hindi pa ako nasanay na ganyan naman madalas iyong suot niya lalo na kapag mayroon siyang importanteng gagawin?

Napa kunot iyong noo ko habang nakatitig sa kanya. "What are you doing?" I asked.

"You're asking an obvious question, Kren," He replied, slightly laughing.

Hindi ko nalang siya pinansin at saka pumasok na sa passenger's seat. Inayos ko lang iyong skirt ko para hindi umangat.

"Seat belt please," He said as he entered the car. I just nodded and put on my seat belt.

"Your frappe's in the back seat. Just get it," He simply said before he started driving.

Tumingin ako sa back seat at nakita ko iyong strawberry frappe at saka sticky cinnamon bun from starbucks. Aw, he still knows what are my favorite foods.

Tumingin ako sa kanya habang hawak ko iyong pagkain na binili niya. He looked at me like he's uncomfortable. "What?" He asked.

"Thank you," I said as I looked at him more.

"Please don't look at me like that, Kren. I might melt, please. But you're welcome, anyway," He said, still uncomfortable.

Natawa ako ng bahagya dahil ang cute niya tapos namumula pa iyong tenga niya. Siguro kanina pa niya sinisisi iyong sarili niya sa pagiging natural na maputi na kulay ng balat niya dahil halatang halata kapag namumula siya.

Bakit ba hindi pa ako nasanay? Halos lahat ata ng kaibigan kong lalaki way back from college pati si Alex e akala mo gatas ang nananalaytay sa loob ng katawan sa sobrang puputi kahit na sa swimming iyong sports nila sa SAA.

Minutes later, I gave up teasing him and just enjoyed the food he bought for me. Hindi ko naman inakala na mayroon pa palang good part iyong every day life ko. Akala ko kasi hindi ko na ulit makakayanan na ngumiti but thanks to Ron, he helped me to smile even though he doesn't even know that he made me smile for today.

While we were still on the way, bigla kong napansin na tumitingin siya sa akin habang nagda-drive kaya hinuli ko siya tapos namula na naman iyong tenga niya.

A Comeback when the First Tear Dropped (COMPLETED)Where stories live. Discover now