CHAPTER 26: #YBYSKI Looking For a Father's Love
"bakit mas inuuna mo pa yung anak mo sa labas! kesa sa anak natin! Sino ba ang mas mahal mo?! Kami ng anak mo oh yung anak mo sa labas!?"
Yan ang narinig ko mula sa labas ng bahay namin.
Nag-aaway sila mommy at daddy naku!
Tumakbo agad ako para pumagitna sa kanilang dalawa.
"pareho ko kayong mahal hon! Wag mo akong papiliin dahil wala akong pipiliin sa inyong dalawa!"
Narinig kong sigaw ni daddy. Nakita ko silang nag-uusap sa kusina. Nanlaki ang mga mata ko sa mga nakita ko sa sahig na mga basag na pinggan at baso.
Agad akong pumunta sa gitna nila , nakaharap ako kay daddy.
"tama na po! Wag na po kayo mag-away!" awat ko sa kanila.
"wag kang makialam dito Ynnah!!" bulyaw ni daddy.
"wag na wag mong sisigawan ang anak ko Yahj Rafiel!!" sunggab naman ni mommy.
"blaaaaaaaggggg!!" (sound effect ng binasag na pinggan.)
Napatakip ako ng tenga nang magbasag na naman si mommy.
Humarap ako sa kanya.
"mom tama na po yan."
Tumingin sakin ng masama si mommy.
"bakit di mo sinabi sakin na pinagalitan ka ng daddy mo at pinahiya ka sa harap ng anak nya sa labas?!!" galit na sermon ni mommy.
"okay lang po sakin yun mom, tanggap ko na po na mas matimbang si Ruby kesa sakin pagdating kay daddy."
Hinarap ko si daddy, nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa luha ko pero pinipigil ko padin. Ayokong magmukang mahina. Kahit na hinahanap ko padin hanggang ngayon ang pagmamahal ni daddy.
"wag po kayong mag-alala sakin daddy. Okay lang po ako, di po ako galit sa inyo. Wag nyo na po isipin yung mga nasabi ko kanina." sabi ko saka inakay si mommy. Pero bago pa kami makalabas ng kusina ay nagsalita pa si mommy.
"lahat ng tao nagbabago Yahj, wag mo kong sisisihin pag may nagbago sa pagsasama natin tandaan mo yan!" sigaw nya.
Pumunta kami ni mommy sa guest room sa third floor kasi ayaw daw nya makatabi si daddy sa pagtulog.
Naupo kami sa kama. Tapos hinawakan nya ang dalawang kamay ko.
"sorry anak *sobs* hindi manlang kita naipagtanggol *sobs* patawarin mo ko Ynnah." sinabi ni mommy yan habang hikbi ng hikbi.
"okay lang yun mom *sobs* matagal ko nang tinanggap na hindi ako mahal ni daddy kaya di na masyadong masakit para sakin yun *sniffs*"
Niyakap ako ni mommy ng mahigpit na mahigpit habang pareho kaming umiiyak.
"mommy, sis. What happened?" humiwalay kami sa isa't-isa nung marinig namin si ate Lia.
"Lia anak, halika dito." aya ni mommy.
Lumapit naman si ate at naupo sa kaliwang side ni mommy.
"why mom?" tanong nya.
Hinaplos naman ni mommy ang buhok ni ate.
"nag-away kami ng daddy mo dahil kay Ruby. Alam mo naman yung nangyari kanina diba?" sabi ni mom.
"ahh, yes mom, Ynnah told me what was happened. I can feel a little guilt nga eh, kasi all this time i always make close and spend time with Ruby. Ynnah thought tuloy na i don't love her. But now, i can always be a knight for my dearest sister *smiles at me*"
BINABASA MO ANG
Youre Beautiful You Should know it! (Ongoing Series)
Teen FictionPaano kung ang isang mataba na tulad ni Ynnah ang magkaroon ng boyfriend na gwapo, hot at kinakikiligan ng mga magagandang babae?? Ngunit paano kung hindi naman pala seryoso sa kanya ang boyfriend nya at pinagtripan lang sya? Gaganti ba sya o kakali...