CHAPTER 9: #YBYSKI Napagtulungan si Ynnah.

59 5 1
                                    

Bumaba na kami ni ate para magdinner. Nasa kitchen na si Mom and dad kaya lang wala pa si Ruby.

"Ynnah, Lia bakit wala pa si Ruby.

" tanong ni mom. Hindi ako sumagot.

"maybe she's with her boyfriend." sagot ni ate Lia. Medyo nanlaki ang mata nila mom and dad.

"what? May boyfriend na si Ruby?"gulat na tanong ni mom. Diko na mapigilan di sumagot.

"yes mom, tapos pinahiya nya pa ako sa school dhil lng sa boyfriend nya." sagot ko.

"ganoon ba?" tapos ay kumain na kami.

Sa kalagitnaan ng pagkain namin biglang dumating si Ruby.

"Good evening mom dad." kiniss nya si mom and dad sa cheecks pagkatapos ay naupo na para sumabay sa pagkain namin.

"may Boyfriend ka na daw?" napatigil si Ruby at tumingin sa akin ng masama.

"sinabi na ba ni Ynnah sa inyo?" sabi nya na parang nauubusan ng pasensya.

"yes., at pinahiya mo pa daw sya sa school dahil lang sa boyfriend mo? My god Ruby. You're only 13 years old pero may boyfriend ka na." sabi ni mommy.

Lalong tumalim tingin nya sa akin.

"pero mom sinampal nya ako kaya napilitan akong sagutin at ipahiya sya! Hindi naman dapat ako sasagot kung hindi nya ako sinampal at hinawakan ng mahigpit sa braso e." nag-umpisa nang umiyak si Ruby.

Teka bakit parang ako ang lumalabas na masama! Tumingin sakin si mom.

"totoo ba iyon Ynnah? Sinampal at hinawakan mo sya mg mahigpit sa braso?" tanong ni mom.

Totoo namang ginawa ko yun e pero hindi ako ang nag-umpisa. Nakatingin lang sa akin si ate Lia na parang nalulungkot dahil sa mga ginawa ko ayon sa pagkakasabi ni Ruby.

"yes mom. Pero sya ang-----" Ruby cut me off.

"sinungaling ka! Nananahimik ako sa ground kasama si Zach tapos sumugod ka at pinahiya mo ako! Sinampal mo pa ako! Napakasama mo!" tapos umiyak na ng umiyak si ruby.

Bakit ganun sya?

Binaliktad nya ako! Ako pa ang lumabas na masama.

"Ynnah, ikaw pala ang nanguna bakit iba ang pagkakasumbong mo kanina?!!"sigaw sa akin ni dad.

"dad nagsasabi ako ng totoo! Sya ang nauna at hindi ako!" paliwanag ko kay daddy.

"grounded ka for 1week!" ayst bakit nangyari ito!

Bakit ako pa ang masama ako na nga ang nagmalasakit ako pa masama ako pa grounded!.

"pero dad!!"

"grounded ka for two weeks!" sigaw muli ni daddy.

Ayst!!! Bakit ba napakasama nila sa akin. Diba dapat sila ang kumakampi sa akin pero bakit pati sila malupit sa akin! Tumayo ako at humarap kay dad and mom.

"okay!! Palibhasa kasi silang dalawa ang paborito nya kaya kahit anong sumbong ko di kayo naniniwala! Ni hindi nyo manlang tinanong kung ano ang tunay na nangyari!!" nag-umpisa na akong umiyak ng sobra.

Ngayon ko lang masasabi sa kanila lahat ng hinanakit ko kaya susulitin ko na.

"siguro ampon lang talaga ako! Ni minsan di ko naramdaman na nag-alala kayo sakin!! Pag-umuuwi ako ng sira-sira ang damit di nyo manlang tianatnong kung ano nangyari sa akin! Buti pa ibang tao nag-aalala sa akin. Pero kayong pamilya ko ni minsan di ko naramdaman na mahal nyo ako!"

*Ppppaaaaakkkk!*

sinampal ako ni mommy ng malakas. Sobrang lakas. Umugong ang tenga ko sa sakit. Tinignan ko lang silang lahat.

"siguro----perfect----kayo kung----wala ako." pahikbi-hikbi kong sabi.

Pagkatapos ay tumakbo ako papunta sa kwarto. Kinuha ko yung maleta ko at nilagyan ng mga damit. Gusto ko ng umalis sa pamilyang ito. Tutal mukang ampon lang ako at saka lagi lang naman ako naaapi dito e mas mahal nila si ate Lia at Ruby.

*tokk!..tokk!*

"anak sorry. Let's talk." sigaw ni mommy.

"Leave me alone!" sigaw ko kay mommy. Naramdaman ko ang mga yabag na papalayo kaya tinuloy ko na yung pag-iimpake ko.

Isang katok nanaman ang narinig ko mula sa pinto ko.

"Ynnah., Let's talk." si ate Lia pala. Pinahid ko yung luha sa pisngi ko at nagsalita.

"sino kasama mo?"

"wala. Open the door." binuksan ko yung pintuan at pinapasok si ate.

"ano pag-uusapan natin? May gagawin pa ako." walang gana kong wika kay ate Lia.

"alam ko kung sino ang nag-sasabi ng totoo dahil nandun ako nung time na yun." tinignan ko lang sya.

"i believe in you." takte! Alam naman pala nya e bakit hindi nya sinabi ang totoo!

"alam mo naman pala e! Bakit hinayaan mo lang akong pagalitan nina mommy at daddy." sabi ko sa kanya at tinuloy ang pag-iimpake ko.

"iniintay ko lang na sabihin ni Ruby ang totoo pero hibdi nya ginawa." sambit ni ate Lia.

"ate matagal ng galit sa akin si Ruby kaya hinding-hindi nya gagawin un!!" nilock ko na yung maleta ko at aalis na kaya lang pinigilan ako ni ate Lia.

"where are you going? It's already dark delikado sa labas." tinanggal ko ang pagkakahawak nya sa braso ko.

"pupunta ako sa lugar na obviously hindi nyo alam." saka dire-diretso palabas ng bahay.

Naglakad ako palabas ng subdivision hangang sa makarating ako sa high-way. Actually, hindi ko talaga alam kung san ako pupunta ngayon.

Kaya naupo muna ako sa gilid ng high-way. nag-iisip ako ng mapupuntahan. Walang may gusto sa akin kaya wala akong close friend.

Si Nicolah lang.......

Tama! Alam ko na kung san ako pupunta!

I fish out my iphone5 from my pocket pagkatapos ay dinaial ko ang number ni Nicolah. Kaya lang someone snatched my phone kaya di ko na sya natawagan.Hinabol ko yung snatcher kaya lang hindi ko naabutan.

"ayst!! Paano yan! Di ko na sya matatawagan!" sigaw ko.

Frustrated na talaga ako! Tumayo ako at tumawid sa kalye. Honestly wala na talaga ako sa sarili ko. Habang nasa gitna ako ng kalye may biglang sobrang liwanag na bumungad sa mata ko at napakaingay na busina. Nang maaninaw ko saka ko lang nalaman na masasagasaan ako.

"AAAAAAAAAAAHHHHHHHH!!!!!"

TO BE CONTINUED.....

Youre Beautiful You Should know it! (Ongoing Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon