CHAPTER 12: #YBYSKI Thank God Im Alive!!

55 3 1
                                    

Hanggang ngayon ay nagkukwentuhan kami ni Nicolah. Kinukwento nya sa akin kung san sila nagkita ni Nathan at ang first date nila. Haha tuwang tuwa talaga sya. Kilig na kilig pala. Haha ngayon ko lang sya nakitang ganto.

Napakagwapo daw ni "Nathan" kaya lang wala syang picture kasi puro bonding lang daw ginagawa nila walang selfie haha!.

"so anu na status nyo ngayon?" tanong ko sa kanya.

Ngumiti sya sakin na parang kilig na kilig at nagisip.

"it's complicated!" tapos natawa sya.

Luka-lukang babae to! Akala ko nililigawan na sya!

"luka ka! Kilig na kilig ka dyan di ka pa naman pala nililigawan nung Nathan mo!" inirapan nya ko. Tapos natawa kami pareho.

"hi girls!" pumasok si mommy.

"hello po tita Ella." ngumiti si Mommy at nakipag-cheek-to-cheek.

Nilagay nya ang bag nya sa side table at umupo sa upuan katapat ng higaan ko.

"okay ka na ba? Gusto mo na ba umuwi?" tanong sa akin ni mommy.

Naisip ko bigla yung parang panaginip ko na parang totoo.

"mom, nakausap ko si mama Myra at si Ethan." sumeryoso bigla ang ekspresyon ni mommy.

"bessie sino si Ethan?" tanong ni Nicolah.

"i'll tell you later." wika ko kay Nicolah atsaka nagfocus ulit kay mommy.

"hiniling sa akin ni Ethan na puntahan ko daw parents nya at sabihin na wala akong kasalanan sa nangyari kay Ethan." sabi ko kay mommy.

Umiling si mommy.

"hindi pwede anak! Hindi natin pupuntahan ang mga iyon! Nakalimutan mo na ba ginawa ng mommy ni Ethan sayo?" nagflashback sa utak ko ang ginawa sa akin ng mom ni Ethan.

*FLASHBACK*

Nasa funeral ako ngayon ni Ethan. Lumapit ako sa Mommy nya na iyak ng iyak.

"co-condolence po tita." wika ko.

Binaling nya ang masamang tingin sa akin at hinarap ako.

"wag mo ko matawag-tawag na tita dahil di kita pamangkin! Hindi ka dapat nagpunta dito! Pinatay mo ang anak ko!" sigaw nya.

Napunta sa amin lahat ng atensyon ng mga nakikiramay. Lumapit ang daddy ni Ethan at kinomfort ang mommy ni Ethan.

"i--m sorry po tita." sabi ko at naluluha na ako. Ngunit napalitan ang luha ko ng pagkabigla. Sinampal ako ng paulit-ulit ng mommy ni Ethan.

"sa tingin mo ba mabubuhay mo ang anak ko sa pamamagitan ng sorry mo?!! Ang dami nang naaabot ni Ethan! Pero sinira mo lang lahat yon!! Pinatay mo sya!!!" pagkatapos ay sinabunutan ako at pinagsasampal ulit.

Wala akong nagawa kundi umiyak at sisihin ang sarili ko dahil sa nangyari. 2months din akong hindi nakapasok sa school dahil sa nangyari.

END OF FLASHBACK

"hindi tayo pupunta maliwanag?" sabi ni mommy.

Tumango nalang ako at nagpaalam sya na aayusin na yung mga bayarin para nadischarge na ako.

"so?? Sino nga si Ethan?" Curious na tanong ni Nicolah.

Ano pa nga ba magagawa ko edi nagkwento na ako.

"si Ethan ang firstlove ko. Binuwis nya ang buhay nya para lang mailigtas ako. Nagkita din kami at nakausap ko sya sa personal." nagulat si nicolah.

Youre Beautiful You Should know it! (Ongoing Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon