Hayy bilis ng panahon. August na agad.Dalawang buwan na ang nakalilipas mula nung away ni Samantha at Nicolah. Hanga nga ang mga students sa pinakitang tapang ni Nicolah e. Sya lang ang nag-iisang lumaban kay Samantha.
Kamusta ako?
Eto mataba pa din. Kami ni Nicholas?
Walang kami! Magkaibigan lang kami. Pero parang mahal ko na sya tuwing nakikita ko kasi sya lagi akong nagkakabutterflies sa tummy. Close friends kaming tatlo di ko nga inasahan na magiging kaibigan ko ang magkapatid na ito. Sikat sila sa school pero ako hanggang ngayo binubully padin ako nila Tiffany. Hindi nasindak ni ate si Tiffany. Lalo pang nagalit sa akin ngayon si Tiffany dahil sa nilabas kong sikreto nya.
Minsan umuuwi ako ng sira-sira ang damit puro sugat at puro pasa. Pero suspended lang naman sya lagi hindi sya naki-kick-out bestfriend nya kasi si Samantha kaya free na free sya dito kahit anong gawin nya. Social Climber nga diba?
Si Nicholas naman pinagtatanggol padin ako. Naglalakad na ako ngayon sa hallway. Lunch break kaya naglilibot-libot ako. Habang naglalakad ako parang nahagip ng mga mata ko si Ruby. Binalikan ko yung place na tingin ko ay nandun si Ruby at tama nga ako.
Si Ruby nga! may kasama pang lalaki at nagpi-PDA sila. Lumapit ako sa kanila.
"Ruby!" sigaw ko habang papalapit ako sa kanila. Inirapan nya lang ako.
"sino yang kasama mo? Bf mo? Kelan pa?" tanong ko sa kanya na sarkastiko ang tono.
"ano bang pakialam mo?" wika nya habang nakahalukipkip.
"im your sister dapat nagsasabi ka sakin about your lovelife." sabi ko sa kanya.
"bakit ba nakikialam ka?! Wag mu nga ako pakialaman! Mind your own fucking bussiness!" sabi nya sa akin.
Hinawakan ko ang braso nya and pull her toward me.
"you know what?! You should learn about good manners and right conduct. Im still your sister!! You should respect me!" wika ko na tila nauubusan na ng pasensya.
Bigla nya akong sinampal.
"and why should i respect you?? You are not a kind of person that i will respect for!" talagang nauubos na ang pasensya ko dito.
"at sino nirerespeto mo? Yang boyfriend mo?!-----" she cut me off.
"stop being envious! Wag mu ko pagsabihan na parang ikaw ang magulang ko! Wala ka kasing boyfriend kaya ganyan ka.!" hindi matanggap ng puso't isip ko ang mga salitang binibitawan ni Ruby.
Bakit ba sya ganto sa akin? She's so mean to me. Di naman ako nagkulang sa pagiging mabait na kapatid sa kanya ha? I slapped her more painful than she did.
"kung hindi mo kayang rumispeto sa kapatid mo!!! Respetuhin mu nalang ang katawan mo at ang apilyidong Scotch!!" galit na galit at may diing sambit ko sa kanya.
Nakita ko sa mata nya ang mga luhang nagbabantang bumagsak.
"humanda ka kay mommy!" nginitian ko sya.
"okay. Enjoyin mo yan." tapos ay umalis na ako.
Pumunta ako sa room at nakita ko si Nicolah.
"bessie bakit umiiyak ka?" tinignan ko sya ng nagtataka.
"ano? Hindi ako umiiyak." tapos hinawakan nya yung pisngi ko.
"ayan oh basa." saka ko lang nalaman na umiiyak na pala ako. Kinuwento ko lahat sa kanya and umiyak ako ng sobra sa balikat nya.
Biglang may nag-announce na pumunta daw sa bleachers lahat ng students kaya pumunta kami. Nag-announce lang na wala daw pasok ngayong afternoon kaya pwede na daw kami umuwi. Inaya ako mamasyal ni Nicolah pero wala akong gana.
Sumakay nalang ako agad sa Montero na naghihintay sa amin at naupo sa passenger seat. Maya-naya lang ay dumating na din si ate Lia at si Ruby.
"hi sis. How's your day?" tanong sa akin ni ate Lia.
"Bad." tipid kong sagot.
Pagkatapos ay umalis na kami agad. After a while nakauwi na din kami. Kiniss ko lang si mommy atsaka pumasok na ako sa kwarto para magbihis. Pagkatapos ko magbihis nagpunta ako sa kitchen para tignan kung may ice cream sa ref.
"may problema ka ba?" tanong sa akin ni ate Lia. Di ko namalayan na nasa likod ko pala sya. "kanina ka pa dyan?" walang gana kong tanong.
"ou kanina pa kita tinatawag mula nung nasa taas pa tayo pero mukang di mo ko naririnig." tss. Kanina pa pala sya.
"tanong mo kay Ruby kung papaano nya ako binastos sa harap ng maraming tao at sa harap ng boyfriend nya." pagbibigay ko sa kanya ng clue.
"so may boyfriend na sya?" tumango ako at umalis na sya.
Kinuha ko yung ice cream at kinain ng kinain. Bakit ba napakalupit ng tadhana sa akin? Bakit kahit ang kapatid ko ayaw sa akin? Dahil ba naiiba ako sa kanila? Dahil ba mataba ako? Iyak lang ako ng iyak habang kumakain ng ice cream. Pagkatapos ay pumunta ako sa kwarto at natulog para makalimot kahit sandaling oras lang.
Wag Ka Nang Umiyak by Kz Tandingan (play video at the side)
"kung wala ka ng maintindihan, kung wala ka ng makapitan. Kapit ka sa akin, kapit ka sa akin hindi kita bibitawan. Hindi kita pababayaan, hindi kita pababayaan."
Nagising ako sa isang kanta. Saan ba galing yun? Hinanap ko kung saan galing yung tunog. I found it at Lia's room.
"hi sis." bati sa akin ni ate Lia.
"ano title nyan?" tanong ko agad.
"wag ka nang umiyak. Para sayo talaga yan kasi nkita kitang umiiyak kanina." aww! Napakabait talaga sa akin ni ate Lia.
"thanks ate." tapos niyakap ko sya.
"o sige na bumaba na tayo para magdinner." tapos nagtungo na kami sa dinning area.
Swerte padin pala ako kahit papaano. May ate ako na handang umalalay at dumamay sakin kapag may problema ako. Kahit insecure ako sa kanya lagi nya padin akong kinocomfort. She's the best ate.
BINABASA MO ANG
Youre Beautiful You Should know it! (Ongoing Series)
Teen FictionPaano kung ang isang mataba na tulad ni Ynnah ang magkaroon ng boyfriend na gwapo, hot at kinakikiligan ng mga magagandang babae?? Ngunit paano kung hindi naman pala seryoso sa kanya ang boyfriend nya at pinagtripan lang sya? Gaganti ba sya o kakali...