"ahm eh Ynnah kasi----"
"kasi ano?"
"kasi---"
"transferee din s'ya e nerd sya kaya kinakausap nya yung president ng section nila. Diba Flare?"
"ikaw na ba si Flare ngayon?" mataray kong tanong.
Hindi naman kasi s'ya ang tinatanong ko eh tapos sya ang sumagot. Takipan ganon? Dati lagi sila magkakontra ngayon magkasabwat na sila.
"awts sarreh." sabi ni Nicolah.
"ano Flare sumagot ka." nauubusan na ako ng pasensya. Pag di sila nagsabi ng totoo baka magka-instant amnesia na ako at di na sila makilala pa.
"yu-yun yung t-totoo Ynnah. Sabay kami ni Veronica nagtransfer dito."
"magsabi kayo ng totoo kung ayaw nyong magkalimutan na tayo."
"ano pa ba ang dapat mong malaman Ynnah?! Sinabi na namin ang totoo! Ano pa ang gusto mo?" galit na sambit ni Nicolah. Siya pa ang galit?
"ikaw pa ang galit?" ako.
"napakachildish mo Ynnah, GROW UP! Napakaselosa mo! Gusto mo ikaw lang ang pinapansin. Kahit sa atin magkakaibigan gusto mo ikaw ang bida! Napakaself-centered mo! Masyado na kaming umiikot sa palad mo--"
"masama bang magselos?! Girlfriend ako Nicolah! Dapat ako ang inuuna!" galit na sambit ko.
"wala sa lugar ang selos na pinapairal mo! Ano! Kapag may lumapit kay kuya tapos nagtanong lang kung anong oras na magseselos ka agad? Hindi ganyan ang tunay na pagmamahal!"
"Nics, Ynnah stop---"
"kinukwestyon mo ba ako tungkol sa pagmamahal ko sa kuya mo?!!" Parang pinapalabas nya na hindi ko mahal si Nicholas ah! Tsk! ang dami ko nang problema dumagdag pa sya.
"guys tama na ya---" awat ni Flare
"hindi! Sinasabi ko lang kung anong totoo at nakikita ko!!"
"guys--"
"so ako pa ngayon ang sinasabihan mo ng ganyan?! Bakit kaya hindi ka umuwi atsaka mo tanungin ng ganyan ang kuya mo! Sya naman ang dahilan kung bakit kami ganito eh!"
"Ynnah---"
"kasalanan ba nyang maging gwapo at lapitin ng mga babae?!! Masyado ka kasing insecure sa mga babaeng nasa paligid mo! Masyado kang naiinis sa kanila dahil---"
"dahil ano?? Mataba ako at sexy sila? Maganda sila at pangit ako? Na boses ko lng ang maganda? Na malas sa akin ang kuya mo dahil ang taba ko na ang pangit ko pa?!!"
Natahimik kaming dalawa ng ilang segundo at nag-iwasan ng tingin sa isa't-isa.
"guys stop fighting! Our friendship will break if you continue that non-sense catfight, debate or whatever!" awat ni Flare. Tumingin ako sa kanya, umiiyak na sya. Nilapitan ko sya.
"sorry Flare i'm not in a good mood kasi kaya nangyari to." hikbi lang sya ng hikbi.
"Flare tumayo ka d'yan!" hinila sya ni Nicolah mula sa pagkakaupo sa kama at nilayo sa akin.
"ikaw ang nagsabi ng lahat ng kapintasan mo, hindi ako! At wag kang magtaka kung magising ka isang araw wala ka na namang kaibigan!" huling sinabi nya bago sila tuluyang umalis.
Naiwan akong mag-isa na nakatayo lang at unti-unti nang napagtatanto ang katangahang ginawa ko.
Shit! Bakit ko inaway ang nagiisa kong bestfriend! Tetext ko sya.
Akmang magtatype na sana ako ngunit napahinto ako.
"bakit ko ba sya itetext? Eh tama naman ako!" sabi ko sa sarili ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/22658940-288-k472874.jpg)
BINABASA MO ANG
Youre Beautiful You Should know it! (Ongoing Series)
Teen FictionPaano kung ang isang mataba na tulad ni Ynnah ang magkaroon ng boyfriend na gwapo, hot at kinakikiligan ng mga magagandang babae?? Ngunit paano kung hindi naman pala seryoso sa kanya ang boyfriend nya at pinagtripan lang sya? Gaganti ba sya o kakali...