Habang on the way kami papuntang milktea shop, hindi ko maiwasang isipin kung ano ba yung "big news" na sinasabi nya?
Habang nag-iisip ako biglang nagvibrate ang phone ko.
Akanchi'baby..
Baby? Mtgl kpb? Wat time kb punta dto?
Nireplyan ako naman yung text nya.
Akanchi'baby..
..akanchi, punta lang ako sa milktea shop sandali. Tpos diretso nko jn. ILY..
Then i press the "send" button.
Pagdating namin sa milktea shop, syempre bumili muna ako ng favorite kong flavor ng milktea.. (chocofudge) tapos pumunta na ako kay Flare na kanina pa ako kinakawayan.
"good afternoon Flare." bati ko tapos naupo na ako sa tapat nya.
"good afternoon." she replied.
"ano ba yung big news? Pupunta pa kasi ako kila Nicholas eh." sabi ko habang sinisipsip yung milktea ko.
"take a look at this pictures, that is the proof that Nicholas was cheated on you last night."
Kumunot naman noo ko nung inabot nya sakin yung envelope na may laman daw na mga pictures. Tinignan ko naman yun isa-isa.
Nyemas! Si Nicholas at Veronica? Magkayakap at magkasamang natutulog ng walang saplot? Wow grabe ha? Baka naman photoshop to.. Dahil hindi magagawa sa akin yun ni Kulas. Hinding-hindi. Binalik ko sa kanya yung mga pictures.
"di ako maniniwala dyan. Hindi totoo yan. Photoshop lang yan, di ako lolokohin ni Nicholas no!" dipensa ko.
Tsk! Photo shoot lang yan! Mahal ako nun! Di nya ako lolokohin.....sana...
"accept the truth Ynnah, she's with Veronica last night. Swear Ynnah, i'm just telling the truth. I don't want you to be hurt. He cheated on you."
Siguro naman hindi lolokohin ni Flare ang kaibigan nya. Wala nang luhang lumalabas pa sa mga mata ko. Sawa na sa kaiiyak. Isa nalang ang nararamdaman ko ngayon. GALIT, matinding galit!
Tumayo ako at umalis, pero bago pa man ako makalabas ng milktea shop ay bumalik ako sa kanya para kunin yung mga pictures nila ni Veronica. Nagulat pa nga sya nung bumalik ako eh. Pero parang nakasmirk sya kanina? Hay! Hayaan na nga!
Isa pa yung Veronica na yan! Tapos na ko sa pagtitimpi sa kanya. Kaya kahit may sakit sya, pasensyahan nalang kami. Dahil tatapusin ko na ang buhay nya ngayon palang. Grrr!!
Kumukulo na yung dugo ko at gigil na gigil na akong ilampaso sa semento ang mukha nung babaeng yun!
"Charlie kela Nicholas na tayo!" pasigaw kong utos.
Ngayon palang ay halo-halo na ang emosyong nararamdaman ko. Makita ko lang yung babaeng aso na yan! Humanda sya sakin! Hindi ko sya sasantuhin!
Gustong umiyak ng puso ko, pero ayaw ng mga mata ko. Hindi ko sila mapapatawad! Mga hayup sila, pinagmukha lang nila akong tanga. Niloko nya ako! Niloko nila kong lahat! Hindi ko sila mapapatawad!
"HINDI KO SILA MAPAPATAWAAAAADDDD!!!!" napasigaw na ako sa sobrang frustrations.
"ma'am easy lang po." sabi ni Charlie.
Ilang beses akong huminga ng malalim pero hindi padin mawala ang panginginig ng laman ko. Papatayin ko sila. PAPATAYIN KO SILA!!!
NICHOLAS's POV..
Ang tagal naman ni Ynnah. Sabik na akong makita sya. Nakaharap pa ako sa salamin nung narinig kong bumukas ang pinto. Teka, bakit parang walang emosyon ang mukha ng baby ko?
BINABASA MO ANG
Youre Beautiful You Should know it! (Ongoing Series)
Teen FictionPaano kung ang isang mataba na tulad ni Ynnah ang magkaroon ng boyfriend na gwapo, hot at kinakikiligan ng mga magagandang babae?? Ngunit paano kung hindi naman pala seryoso sa kanya ang boyfriend nya at pinagtripan lang sya? Gaganti ba sya o kakali...