Hayyyy!!! Di ako nakatulog dahil sa mga sinabi nina mommy at daddy. Bumaba muna ako para i-check kung may gising na. 4:30 AM palang kasi eh. May umaamoy na mukang masarap! Pumunta ako sa kitchen para tignan kung sino yung nagluluto.
"good morning anak. Bakit ang aga mong nagising?" Gulat na tanong ni mommy.
Naupo ako sa upuan at nangalumbaba.
"di ako makatulog dahil sa sinabi mo mommy eh. Natatakot tuloy ako."paliwanag ko kay mommy.
"Anak nagsasabi ako ng totoo. Okay lang naman kung di ka lalayo kay Nicolah she's a good girl naman kaya lang be careful anak, don't say anything about your family to her parents or else we will die."
e bakit papalapitin pa nya ko kay Nicolah kung manganganib pla buhay namin sa kanila?
"e mommy nagkausap na kayo ni Nicolah paano yan? Baka magkwento sya kay Mr. and Mrs. Ashiguchi about sa atin?" pag-aalala ko.
"kaya nga ako umalis agad diba? Iniwasan kong makilala nya ko ng lubusan. So don't worry we're safe." paninigurado nya.
"okay mom. Di pa ba luto yan mom? Gutom na ko." pagmamaktol ko. Natawa naman sya.
"oh eto na tapos na to oh takaw mo talaga Ynnah kaya di ka pumapayat e, ayusin mu nga yang buhok mo para kang bata." nagtawanan lang kami.
nagkwentuhan kami ni mom hanggang 5:30 tapos nagprepare na ako para pumasok. Kaya lang inaantok tlga ako. Tinitigan ako ni Merlia nung bumaba ako.
"woah! Ang aga mong nagising sis! Nakakapanibago." salubong sakin ni ate.
"di kasi ako nakatulog e." sagot ko tpos nahiga sa sofa.
"anak wag ka nalang kaya pumasok?" tanong ni mommy.
Hindi ako pwedeng hindi pumasok maraming katanungan sa utak ko na kaylangan kong malaman.
"no mom im okay. Papasok ako." sagot ko.
"okay, breakfast ka ulit anak?" kumain ako ulit haha matakaw na kung matakaw bakit ba! Yung iba nga walang makain e.
6:30 AM pumasok na kami. Pinilit ako ni ate na sumabay sa paglalakad nila kaya kahit labag sa loob ko sumabay ako. Nagtitinginan at nagbubulungan naman lahat ng madaanan namin. Naramdaman kong huminga ng malalim si ate.
"Magtigil nga kayo kakabulong para kayong mga bubuyog!!!" sigaw ni ate sa mga students.
Lumapit samin ang grupo ni Tiffany.
"Ms. Merlia bakit kasi sinasabay mo sa paglalakad ang baboy na yan! Nasisira lang ang image mo." mataray na pagkakasabi ni Tiffany. Biglang nagclose fist si ate lia.
* PAKKKKKK !!! *
"bakit mo ko sinampal?!!" sigaw ni Tiffany kay ate.
"dapat lang sayo yan!! Subukan mong ibully ulit si Ynnah higit pa dyan ang mangyayari sayo!!" dahan-dahan at may gigil na sabi ni ate kay Tiffany.
Medyo nag-evilsmile si Tiffany.
"protective ka na ngayon? Anong nangyari sayo? Hindi ba't pinapanuod mu lang syang umiyak dati? Handa ka na bang masira ang image mo sa Holy Trinity Academy?"
aaarrggh! Di ako papayag na si ate naman ang mabully kaylangan ko ng lumaban.
"siguro hindi ka napapansin ng parents mo sa bahay nyo no? Puro yung kapatid mo lang siguro ang pinapansin nila. Subukan mong mag-aral ng mabuti para napapansin ka at di mo na kaylangan magpapansin sa school." kalmado kong sabi na ikinagulat ng lahat.
Medyo dumadami na ang mga student na nakapaligid samin. Si Ruby naman nasa likod lang namin at pinapanuod kami. Dinuro ako ni Tiffany.
"hoy stupid bastard PIG!! Wag na wag mo kong pinagsasabihan!! Di mo ko kilala baboy!" tapos bigla nya akong sinampal. Kaylangan ko na talaga magsalita ng pamatay.
"kilala kita Tiffany! Maski ang baho mo alam ko!! Ikaw ang bastarda!! Isa ka lang bastardang anak sa labas, feeling mayaman, Social climber at Bayarang babae!" pag-amin ko ng katotohanan.
Anak lang kasi sya sa labas. Hindi din sya pinag-aral ng nanay nya dahil ayaw ng bagong asawa ng nanay nya na patirahin ang anak nya sa labas. Masisira kasi ang image ni Mr. Heins kapag nalaman na may anak sa labas ang asawa nya. May ari kasi yun ng Heins Group of Companies. Kaya nagtrabaho si Tiffany sa beerhouse para makapag-aral dito sa mamahaling school na to. Nagbulungan ang mga tao dahil sa sinabi ko, si Tiffany naman namutla na. Actually, natatakot ako sa pwedeng gawin sakin ni Tiffany pero kaylangan ko magpakita na matapang ako para hindi nila ako awayin ulit.
"oh my dear Tiffany, Kaya naman pala lagi mong inaaway ang kapatid ko e. Sinasabihan mo pang ampon sya e ikaw naman pala ang ANAK SA LABAS.! Tigilan mo na ang kapatid ko pwede? Ynnah, Ruby Lets go."
tapos ay hinila na ako ni ate papunta sa school.
Nakasalubong ko si Nicolah kaya kay Nicolah nalang ako sumabay.
"Ynnah ang tapang mo pala. Pati yung ate napakatapang. Biruin mo nagawa nya yun kay tiffany?"
hayst hangang-hanga pa sya kay ate e ngayon nga lang ako nun pinagtanggol. Siguro tinamaan sya sa sinabi ko dati.
"ngayon lang ako pinagtanggol ni ate." tipid kong sagot.
"teka---totoo ba lahat ng sinabi mo na yon?" chismosang tanong ng kaibigan ko.
"totoo lahat yun." nagulat sya.
"pano mo nalaman yun? Stalker kaba? Detective? Chis----" tinapat ko yung index finger ko sa lips ni Nicolah para matahimik sya.
"natural alam ko yun. Binubully nya ako kaya nagbackgrpund check ako at nalaman ko ang baho nya." sagot ko sa kanya. Natahimik sya na parang nag-aalangan magsalita.
"Ynnah ako ba binabackground check mo ba ko?" patay ano isasagot ko. Alam ko na kasi sikreto nya pano yan.
"ahm may gusto sana akong itanong sayo e." parang nabakas sa expression nya ang takot.
"a-a-ano y-yun?" tanong nya. "e kasi to-----"
"Goodmorning class!" dumating na ang prof. Kaya diko na naituloy ang itatanong ko. Mamayang vacant nalang.
AFTER 5 HOURS :
Lunch break at vacant na! Magkasama kami ni Nicolah papunta sa cafeteria para maglunch. Lumapit ako sa counter.
"cheese cake, 1rice, 1porksteak and Coke in can." tumingin sakin yung cashier.
"P123 lang. Tumapang ka bigla kanina ha? Totoo ba yung tungkol kay Tiffany." hayst pati ba naman dito kumalat yun.
Nag-abot ako ng 150 sa cashier.
"hindi po ako sinungaling na tao. Keep the change po." tpos umalis na ako.
Habang kumakain ako biglang may umupo sa upuan sa harap ko.
"galit ka ba sa akin Ynnah? Bakit di mo manlang ako hinintay?" malungkot na tanong sa akin ni Nicolah.
"may gusto lang akong malaman at gusto ko sayo yun malaman." paliwanag ko sa kanya.
"ano yun? Tell me Ynnah. Ask me what is it?"
TO BE CONTINUED............
BINABASA MO ANG
Youre Beautiful You Should know it! (Ongoing Series)
Teen FictionPaano kung ang isang mataba na tulad ni Ynnah ang magkaroon ng boyfriend na gwapo, hot at kinakikiligan ng mga magagandang babae?? Ngunit paano kung hindi naman pala seryoso sa kanya ang boyfriend nya at pinagtripan lang sya? Gaganti ba sya o kakali...