Nakakairita talaga!! Lagi nalang si Ynnah ang bida!! Bakit ba ganito nila ako ituring? Aist! Akala ni Ynnah ako ang paborito at nakukuha ko ang lahat ng gustuhin ko. Pero nagkakamali sya. Nga pala. Ako nga pala si Ruby Red Scotch ang galit na galit kay Ynnah.
Ngayon lang ako magshe-share nang hinanakit sa inyo kaya susulitin ko na. Alam nyo ba gustong gusto ko na mawala si Ynnah sa buhay ko? Pakiramdam ko kasi peste sya sa buhay ko. Pinapayagan nila mom si Ynnah makipagdate kay Nicholas. Samantalang ako hindi. Nakakainis kaya! Ako hindi nila pinapayagan.
Never din akong naibili ni mom and dad ng mga gusto kong gamit. Mga needs lang ang binibili nila sa akin. Hindi katulad ni Ynnah na nawala yung iphone5 nya bago sya maaksidente pero wala pang isang buwan may kapalit na agad. Binili na agad ng iphone5s.
Lagi nagagalit sa akin si mommy kasi pasaway daw ako. Lagi daw ako nagcucut ng class. Sayang lang daw pinapaaral nila sakin. Nagboboyfriend na daw ako agad. Eh ano magagawa nila? Maganda ako eh.
Alam nyo ba? Bibigyan pa ng condo si ate Merlia pagkagraduate nya ng highschool. Aist kawawang kawawa ako sa pamilya na ito. Itong iphone4s ko? Nung elementary pa sa akin to. Ako pa ang bumili nito at ni piso wala silang binigay sakin pambili nito.
Naiinggit pa nga sakin si Ynnah eh. Nakukuha ko daw kasi ang gusto ko. Tapos model pa ako. Hindi nya alam. Kaya ako nagmomodel para may pambaon ako araw-araw at may pambili ako ng mga luho ko. Hindi naman kasi ako magkakaganito kung sinusunod din nila ang luho ko eh. Feeling ko nga ampon ako eh.
Puro ko inggit sa katawan no? Matalino naman kasi ako eh. Hindi lang ako nagiging honor kasi tulad nga ng sinabi ko kanina, nagcucutting classes ako. Nga pala nasa garden ako at iniintay ko si Zach. Dadalawin nya daw kasi ako pero dito lang kami sa garden ksi papagalitan ako ni mommy pag nakita nya si Zach. Nakita ko si Nicholas na nasa receiving area. Siguro magdedate sila ni Ynnah.
*blink!*
Alam ko na! Dali-dali akong pumunta sa kinaroroonan ni Nicholas.
"Nicholas?"
tawag ko na parang may paawa effect pa.
"oh Ruby ikaw pala bakit?" tanong ni Nicholas.
"seryoso ka kay Ynnah?" tanong ko sa kanya.
"we're just friends. Good friends."
sagot nya. Bigla ko syang hinarap at hinawakan sa dalawang braso nya at tumingin ako straight to his eyes.
"gusto kita! Mahal kita!"
Sigaw ko sa kanya ngunit wala syang reaksyon sa sinabi ko. Tumalikod ako sa kanya. Napansin ko si Ynnah na nanunuod sa amin. Bigla akong nagkaroon ng bright idea.
"Ruby., hin---"
bigla ko syang hinalikan. Matagal na halik. Hindi sya pumapalag kaya hinayaan ko lang na nakalapat labi namin sa isa't-isa. Maya-maya lang ay tinanggal ko na ang pagkakahalik ko sa kanya. Tinignan ko si Ynnah ngunit wala na sya sa kinaroroonan nya kanina. Awtomatikong napangiti ako ng patago. Sigurado hindi matutuloy date nila.
"Ruby hindi kita gusto. Si Ynnah ang gusto ko! Mahal ko si Ynnah." wika ni Nicholas. Nag-galit-galitan ako.
"ano?! Matapos natin magkiss sasabihin mo yan? Hahaha!! Si Ynnah gusto mo? Eh ang taba-taba nya! Ayaw mo ba sa sexy na tulad ko?" tanong ko sa kanya.
"Kahit mataba si Ynnah, maganda naman ang panlabas at panloob na kaanyuan nya. Hindi mo katulad na maganda nga ang panlabas na anyo, pangit naman ang panloob!"
sabi ni Nicholas tapos ay umalis sya papunta kay Ynnah. Napangiti ako ng konti dahil nasira ko ang mood ni Ynnah. Sigurado hindi na sila matutuloy. Tinext ko si Zach na wag na pumunta. Nagpunta ako sa theater room para manuod ng magandang movies.
![](https://img.wattpad.com/cover/22658940-288-k472874.jpg)
BINABASA MO ANG
Youre Beautiful You Should know it! (Ongoing Series)
Teen FictionPaano kung ang isang mataba na tulad ni Ynnah ang magkaroon ng boyfriend na gwapo, hot at kinakikiligan ng mga magagandang babae?? Ngunit paano kung hindi naman pala seryoso sa kanya ang boyfriend nya at pinagtripan lang sya? Gaganti ba sya o kakali...