CHAPTER 16: #YBYSKI OFFICIALLY YOURS..

68 2 2
  • Dedicated kay Irish Ortua Fernandez
                                    

Habang namimili si Ms. Dela Rosa ng sasali sa dance contest ay pilit kong pinipigil ang paghalakhak dahil sa pagkainis ni Nicolah.

Alam ko naman kasing ayaw nya sumali sa mga ganun pero kasi ang ganda-ganda nya kaya. Deserving syang sumali at manalo.

"okay class. Siguro walang representative ang Section na ito para sa singing contest. Kaya get 1/4 sheet of.... Yes Ashiguchi??"

Nagulantang ako ng makita kong nagtaas ng kamay si Nicolah kasabay ng pagngiti sakin ng nakakaloko. Ugghhh! Patay! Alam nyang kumakanta ako..

"Ms. Dela Rosa, meron po tayong Representative sa singing contest."

"Sino Ashiguchi?"

Lalo akong kinabahan ng makita kong nakatingin sa akin si Nicolah at bigla syang nagtaas ng kilay. Indikasyon na gaganti sya sa pang-aasar ko sa kanya.

"si Ynnah po."

Napatapik ako sa noo ko ng banggitin

nya ang pangalan ko. Nakita ko namang tumaas ang isang kilay ni Ms. Dela Rosa.

"are you sure Ashiguchi?"

"yes mom. 100% sure." proud na sagot ni Nicolah.

"okay Scotch stand up and give us a sample.."

Lalo akong kinabahan hindi dahil sa utos ni Ms. Dela Rosa. Dahil takot akong mapahiya at ibully nanaman ni Tiffany.

Wala na akong nagawa kundi tumayo. Tinitigan ko ng masama si Nicolah na ngayon ay nagpipigil ng tawa. Kaimbyerna tong babaeng to!

Huminga ako ng malalim at saka kumanta.

(Out Of my League

By: Stephen Speaks )

"it's her hair and her eyes today

that just simply take me away

and the feeling that i'm falling further in love

makes me shiver but in a good way

all the times i have sat and stared

as she thoughtfully thumbs through her hair

and she purses her lips, bats her eyes as she plays,

with me sitting there slack-jawed and nothing to say

coz i love her with all that i am

and my voice shakes along with my hands

coz she's all that I see and she's all that I need

and i'm out of my league once again"

Pagkatapos kong kumanta ay nagkaroon ng nakakabinging katahimikan.

Napakamot ako ng ulo at nag-isip ng sasabihin.

"Ms. Del Rosario. I think i dont...."

Di nila ko pinatapos dahil nagpalakpakan ang mga kaklase ko.

"napakagaling!! Im speechless!" wika ng teacher.

Agad naman akong yumuko dahil naramdaman ko na nag-init ang muka ko. Feeling ko nagbblush ako sa hiya. Ngayon lang ako kumanta sa harap ng maraming tao. Usually kasi sa harap lang ako ng family ko at ni Nicolah lang ako kumakanta.. Kumanta nga rin pala ako kanina sa harap ni Nicholas.

"ikaw na ang representative ng III-B okay?"

"y-yes m-ma'am." utal kong sagot.

Nakakainis tong Tweety Bird na to! Di ko nga to papansinin.

Youre Beautiful You Should know it! (Ongoing Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon