CHAPTER 7: #YBYSKI Diskarte ng Mga Ashiguchi.

53 5 1
                                    

Sabay-sabay kaming pumasok sa school ni Nicholas at Nicolah.

Nakanakaw kami ng atensyon mula sa mga studyanteng nasa hallway nagbubulungan naman ang studyante na nadadaanan namin. Ngayon ko lang napagtanto na hawak pala ni Nicholas ang kamay ko at hinihila ako habang si Nicolah ay nakasunod.Huminto ako na ikinagulat ni Nicholas. Tumingin sya sakin ng naguguluhang ekspresyon.

"bakit?"

tumingin ako sa kamay namin at nahalata naman siguro nya na ang kamay namin ang tinutukoy ko kaya bigla nyang tinanggal iyon at walang lingon-likod na naglakad.

Namumula ang tenga nya bakit kaya? Galit ba sya? Pero di ko naman hinawakan kamay nya e.

"you're blushing." asar sakin ni Nicolah na nasa likuran ko.

Naalarma naman ako at tanakpan ang pisngi ko ng dalawang kamay at mariing tinanggi.

"i am not!" tapos sinundan na namin si Nicholas papunta sa principal's office. Naabutan naming naguusap sina Mr. And Mrs. Ashiguchi at ang may ari ng school.

"Sukunakutomo watashiniha kono gakko o toshi." sabi ni tito Aki.

"he said that he will invest in this school." sabi ni tita Nette.

Nakita kong palapit si Samantha sa direksyon namin. Bigla nyang hinila si Nicolah papunta sa kinaroroonan ng mga nagpupulong.

"let me go!!!" sigaw ni Nicolah.

Sinundan ko naman si Nicolah.

"Ynnah!" tinawag ako ni Nicholas pero diko pinansin.Hinawakan ko sa braso si Samantha.

"bitawan mo sya!" sigaw ko.

"what's happening here?" sabi ng principal.

"may atraso kasi sa akin tong babae na ito kaya gusto ko syang dalin kay mom." litanya ni Samantha at hinayaan naman yun ng principal kaya dire-diretso kami sa kinaroroonan ng mama nya kasunod namin si Nicholas.

"mom! Mom!!!" sigaw ni Samantha.

"don't shout Samantha! Can't you see? Im talking to investors!" galit na sambit ni Mrs. Mallette.

"sweetie! What happened?" tumakbo palapit sa amin si Tita Nette na parang walang alam. Tumingin si tita Nette kay Samantha.

"anong ginawa mo sa anak ko?!" galit na wika ni tita Nette.

Binitawan ni Samantha si Nicolah.

"Inaway nya ako! Pinahiya nya ko sa sarili kong school!" sigaw ni Samantha.

Lumapit si tito Aki kay nicolah.

"Kodomo daijobo desuka?" tanong ni tito Aki.

(TRANSLATION: are you okay my daughter?)

"hai." sagot ni Nicolah. Paawa effect.

(TRANSLATION: yes)

"akala ko napakaganda ng school na ito. Akala ko well-mannered ang mga students dito lalo na ang anak ng may-ari. Nagkamali ako.! (Tinuro ni tita Nette si Mrs. Mallette) At ikaw Mrs. Mallete, subukan mung awayin ulit tong anak ko. Makikita mo hinahanap mo." galit na wika ni tita Nette.

"ma'am sorry for my daughter's attitude. Pag-usapan na po natin ulit ang invesment." mahinahong wika ni Mrs. Mallete.

"hindi na kami mag-iinvest! Sinira ng anak mo ang mood naming mag-asawa. Tawagan mo nalang kami pag maayos na ang pamamalakad mo sa mga students at anak mo." sabi ni tita Nette atsaka umalis.

Pwede pala silang artista hahaha. Naiwan kami ni Nicholas na pinapanuod si Samantha na pinapagalitan.

"stupid!! Ayusin mo ugali mo!! May financial problem tayo kaylangan natin ng mag-iinvest! Be nice to them! Kay Ashiguchi at Scotch!" humalukipkip sya at umirap.

"Kay Scotch sige pero kay Ashiguchi? Hell no!"

Hinatak na agad ako ni Nicholas papunta sa cafeteria.

Binili nya ko ng hot choco tapos naupo kami sa bench sa ilalim ng malaking puno.

"okay na ba sa inyo yung ginawa ni mommy?" tanong ni Nicholas.

"syempre naman." sagot ko.

Nagkaroon ng awkward silence. Ano ba gagawin ko nito! Dapat ba akong magblush? Ang init na ng muka ko e.

"thanks nga pala sa hot choco. Sige punta na ako sa room ko." good idea.

Tumakas ako sa ka-awkwardness-an ng conversation namin. Mahal ko na ba sya agad-agad? Hindi naman siguro. Baka epekto lang to ng hot choco.

Natapos na ang klase namin nakauwi na din ako sa bahay. Gusto kong bumawi kina mom and dad kaya nagluto ako ng dinner namin. Pagkaluto ay agad ko nadin silang tinawag para maghapunan. Naninibago sila kung bakit nagluto ako ng dinner. Wait..... Wala si ate?

"where's ate lia?" tanong ko kay Ruby.

"obviously wala sya dito." sarcastic na tono ni Ruby.

"pupunta daw sa classmate nya." sagot ni mommy.

Tapos kumain na kami. Sanay na naman ako sa ginagawa ni Ruby sakin pero bakit nasasaktan padin ako.

Pinipigil ko ang pag-iyak ko habang kumakain kami. Hindi lang kasi halata pero sensitive talaga ako. Kaya kong tiisin ang panglalait ng ibang tao pero di ko kaya na ang sarili kong kapatid ay iba ang trato sakin. Di ko na mapigilan ang luha ko.

"excuse me mom, dad. Pasok na po ako sa kwarto." at matamlay akong pumunta sa kwarto.

Parang ayoko munang pumasok bukas. Ipapahinga ko muna ang utak ko. Binuksan ko yung Macbook air ko para magfacebook sglit. Ui may isang notification.

Si Nicholas in-add ako. In-accept ko agad tapos tinignan ko ang mga pictures nya. Napakagwapo nya talaga! May biglang nag.buzz tinignan ko kung sino nagchat.

Nicholas Ashiguchi

Binasa ko.

(busy seeing my pictures ha?)

abat! Pano nya nalaman yun? Nireply-an ko sya.

"asa ka naman!"

nagreply din sya agad.

(Ganun ba? E nashare mo kaya yung isang picture ko!)

huwhaaaaaaattt!!!!! Tinignan ko ang wall ko. Sh*t! Nashare ko nga. Dinelete ko agad yung post. Nakakahiya! Nireplyan ko ulit sya.

"oo na inaamin ko na! Nashare lang! Sorry naman goodnyt!" tapos naglog out na ako. Gumulong gulong ako sa kama para mawala ang kahihiyan ko sa katawan.

Uuggghhh!!! Di na talaga ko papasok bukas! Tapos nagtalukbong na ako at natulog..

Youre Beautiful You Should know it! (Ongoing Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon