"Ynnah wake up!"
Tsk! Istorbo natutulog yung tao eh! Tinakpan ko ng unan ang tenga ko para di sya marinig.
Ngunit hinila nya lang ang kumot ko dahilan para ginawin ako.
"nasa baba ang BOYFRIEND mo." stressing the word "boyfriend"
Si Nicholas? Nasa baba? Aaaaayy! Agad-agad akong tumayo at hinarap si Merlia.
"totoo?" tanong ko.
"uh-huh." tatango-tango nyang sagot habang nakahalukipkip.
"wait lang ate sabihin mo. Magshashower lang ako." sabi ko sabay takbo sa Bathroom.
Tatlong araw na nga pala ang lumipas mula nung lumaban ako sa school. And guess what, nanalo kami ni Nicholas!!
Regular class na ulit kami ngayon. Tuwang-tuwa nga si mommy at daddy nung nalaman na nanalo ako eh pati si Merlia at Ruby din nanalo.
Si Ruby ang second princess tapos si Nicolah ang first princess at ang miss intrams ay si Merlia.
Ha?
Yung kasal?
Ah oo! Nagkiss talaga kami! Waaaahh!! *tirik mata* haha para kong hihimatayin pag naaalala ko. Alam mo yun, para kong malulusaw nung dumampi ang labi namin sa isa't-isa. Di kaya ako nakatulog! Mwahahaha!
Pagkatapos nun sinabi nya na yung singsing ay itago ko daw. Swear! Wedding ring talaga! Gold sya tapos may nakaengrave sa loob na Nicholas yung sakin tapos sa kanya Ynnah.
Ang sweet doboo! Sabi pa nya papakilala nya daw ako sa parents nya as his girlfriend. Shocks! 4days palang kami meet his parents na agad ang peg? Pambihira!
Pababa na ako ngayon tapos na ako sa morning activities ko. Sinalubong nya ako ng yakap at halik----sa NOO! Hindi sa lips!
"good morning." bati ni Nicholas.
Nginitian ko naman sya.
"good mor----"
"Ynnah, Nicholas halika na magbreakfast na tayo." pagepal ni ate Merlia. Tss!
Tumingin sakin si Nicholas na parang umaasa na aayain ko sya.
"tara? Breakfast tayo." aya ko. Bigla naman syang ngumiti.
Hinanap ko muna si Mommy para ipakilala si Nicholas bilang boyfriend ko.
"Ynnah. Halika na." ayun pala si mom! Hinila ko si Nicholas papunta kina mommy at daddy.
"mom, dad, si Nicholas po. My boyfriend." pagpapakilala ko kay Nicholas.
"good morning po." bati ni Nicholas. Tapos nagmano kay mommy at daddy.
"you don't have to do that hijo. Tatanda kaming mag-asawa." biro ni mommy tapos ay nginitian ng matamis si Nicholas. Tsk! Kung di ko mommy to baka nagselos na ako haha.
"halika hijo sumabay ka na sa amin magbreakfast." aya ni daddy. Wow! Okay lang kay daddy? Nakita ko namang napangiti si Nicholas. Siguro kinabahan din sya kanina.
Umupo na kami para kumain. Ganito ang sitting arrangement namin.
Ruby Merlia
Daddy Mommy
Nicholas Ako
Medyo hindi komportable si Nicholas dahil katabi nya si daddy. A man of few words kasi si daddy. Kaya nga nagustuhan sya ni mommy eh. Muka nga lang strikto.
"hijo."
Napalingon kaming lahat sa nagsalita at tila nagiintay ng sunod na sasabihin ni daddy.
"seryoso ka ba sa anak ko?" nakakatakot naman si daddy.
BINABASA MO ANG
Youre Beautiful You Should know it! (Ongoing Series)
Teen FictionPaano kung ang isang mataba na tulad ni Ynnah ang magkaroon ng boyfriend na gwapo, hot at kinakikiligan ng mga magagandang babae?? Ngunit paano kung hindi naman pala seryoso sa kanya ang boyfriend nya at pinagtripan lang sya? Gaganti ba sya o kakali...