Chapter 22: #YBYSKI Veronica.
Author's Note:
Wag po kayong mahiyang magcomment and vote thank you :)
"Sya yung nakapagpaalis dito kay Tiffany."
"talaga? Nagawa nya yun?"
"hindi maaalis si Tiffany sigurado ako, Yun pa ba? Eh yun ang dyosa ng mga sipsip at social climber eh.."
Recess ngayon at nasa hallway ako papuntang cafeteria. As usual mag-isa na naman ako. At pinag-uusapan ako ngayon sa buong academy. Si mama kasi kinasuhan si Tiffany eh. Suspended din sila ng three weeks.. Yeey! Tahimik ang buhay ko ng tatlong linggo!
Kumuha ako sa counter ng biscuits at lemonade. Nakakita ako ng nag-iisang bakanteng upuan sa gitna kaya pumunta ako dun at doon kumain.
Isusubo ko na sana ang maliit na piraso ng biscuit ko nang mahagip ng mata ko si Nicholas kasama si Flare, Nicolah at Veronica. Napalingon sa pwesto ko ng bahagya si Nicholas ngunit yumuko agad ako kaya hindi nya ako napansin. Pumunta na sila sa counter para umorder.
"ano relasyon nila?"
Bulong ko sa sarili ko. Bakit sobrang close si Nicholas at Veronica. Mukhang ang saya nila ng wala ako ah. Nagtatawanan pa sila. Inaakbayan pa ni Nicholas si Veronica. Takte! Ganyan ba ang kaibigan lang? Kaselos huh! Hindi ba nila naisip na nasa paligid lang ako? Maglalandian sila ng lantaran?! Napasuntok ako sa lamesa sa sobrang inis. Medyo napatingin naman ang mga kumakain sa paligid ko kaya tumungo nalang ako.
Nang natapos silang umorder ay unti-unti silang lumalapit sa lamesa ko, ayan na!
Unti-unti na akong nagpanik ng maramdaman kong palapit na sila. Lumingon-lingon ako sa mga lamesa hangang sa may makita ako sa gawing kanang lamesa.
Dyaryo?
Tama!
Kinuha ko yung dyaryo sa kabilang lamesa at tinakpan ko yung mukha ko na parang nagbabasa.
"haha, ikaw talaga Veronica! Napakajoker mo."
Nanggalaiti ako ng marinig ko ang boses na yun. Boses ng boyfriend ko yun!! Pangbakla ang tono huh!
"sinabi mo pa kuya! Sobra syang nakakatawa." sagot pa ni Nicolah. Nakakainis! Si Veronica na ba ngayon ang bestfriend nila?
"ateng nagbabasa ng dyaryo, pwede po bang makiupo?" tanong ni Nicholas.
Time ko na. Binaba ko ang dyaryo kasabay ng pagsalita ko.
"sure!"
P*t*ng*na! Bakit nakaakbay si Nicholas kay Veronica?!!
Namutla si Nicholas at kita sa mga mukha nila ang pagkagulat lalo na sa boyfriend kong hudlum!
"y-Ynnah." sabi ni Nicholas. Agad naman nyang tinanggal ang pagkakaakbay sa babaeng malandi!
"so-sya pala ang beastfriend nyo, Flare, Nicolah. At sya na pala ang girlfriend mo Nicholas.." sinabi ko yan ng may diin sa bawat salita. Wala ni isang nagsalita sa kanila.
Hinawakan ko ang biscuit at lemonade ko at nilapitan ko si Veronica.. May karapatan naman siguro akong gumawa ng eksena no? Lalo na't ako ang girlfriend at bestfriend nila.
"maraming maraming salamat sa pag-agaw mo sa mga mahahalagang tao sa buhay ko!! Nagtagumpay ka!"
Dahan-dahan kong tinapon yung lemonade na hawak ko sa sapatos nya. Pagkatapos ay nilamutak ko yung biscuit at tinapon sa mukha nya..
BINABASA MO ANG
Youre Beautiful You Should know it! (Ongoing Series)
Teen FictionPaano kung ang isang mataba na tulad ni Ynnah ang magkaroon ng boyfriend na gwapo, hot at kinakikiligan ng mga magagandang babae?? Ngunit paano kung hindi naman pala seryoso sa kanya ang boyfriend nya at pinagtripan lang sya? Gaganti ba sya o kakali...