*ONE WEEK PASSED*
Nasa bar ako kasama ang lalaking hindi ko makilala. Biglang sumugod si Nicolah at galit na galit sa akin.
"hayup ka! Mang-aagaw! Ahas!! Sabi ko sayo gusto ko sya diba? Bakit inagaw mo? Bakit pinatulan mo.!!" gigil at umiiyak nyang sabi habang pilit akong hinahablot samantalang pinipigilan naman sya ng lalaking hindi ko kilala.
"wala akong inagaw. Bestfriend tayo diba? Tignan mo may bff chain pa tayo..." pinutol nya ang pagsasalita ko. Dumura sya at tumawa.
"BFF?? Haha!! Wala ng kwenta yan!! Wala kang kwentang kaibigan.. Traydor!" tapos ay hinablot nya ang bff chain na suot nya at tinapakan ng tinapakan. Hindi ko na mapigilan maiyak. Bakit ganun magkaibigan kami pero bakit ganto sya sakin?? Wala manlang syang pakialam sa nararamdaman ko. Tinapon nya lang basta-basta yung pagkakaibigan namin..
"ano bang nagawa ko bessie? Bakit galit na galit ka sakin?" tanong ko habang patuloy na umiiyak.
"dahil malandi ka!! Inagaw mo lang naman ang lalaking pinakamamahal ko.! Parehong pareho kayo ng nanay mong traydor!!" tapos bumunot sya. T-teka... Baril yun ah! Tinutok nya sa akin ang baril na maliit at ikinasa.
"eto lang ang paraan para makuha ko sya. Paalam my traitor bestfriend."
"aaaaaahhhh!!!"
napalundag ako sa kama at nagulat sa nakita ko.
"nightmare?"
tanong sa akin ng gwapong nilalang sa harapan ko. Panaginip lang pala. Nag-ayos ako agad-agad ng buhok.
"pano ka nakapasok dito?"
tanong ko sa kanya. Kunwari ay hindi ako masaya pero ang totoo lumulundag ang puso ko sa tuwa.
"pinapasok ako ng mommy mo. Bisita ako bakit ganyan ka magsalita sa akin??"
pagmamaktol nya.
"tss.! Sandali maliligo na ako! Pero bakit ka ba kasi nagpunta dito?"
tanong ko. Pero inamoy nya lang ako tapos ay ngumuso sya.
"sige. Maligo ka na nga. Naaamoy na kita hanggang dito."
awtomatikong nahampas ko sya dahil sa sinabi nya.
"aww! Dinadalaw kita! Masama ba? Aayain sana kita maglunch."
napahinto ako nung banggitin nya ang huling linya. Yiie!! Inaya nya ko maglunch?? Tatanggi pa ba ako?
"saan tayo maglalunch?"
tanong ko. Napangiti sya.
"wow ha! Di marunong magpakipot." aba't! Hinampas ko nga sya!
"oww!! Sorry! Sorry! Halika na lunch na kaya!"
tumingin ako sa wall clock ko. Oh my! 12:30 na pala! Dali-dali akong tumakbo papuntang cr.
"gimme 30 mins!"
tapos ay tumango sya at nagsalita.
"nice room!" tapos ay lumabas na. O.M.G.! Inaya nya ko maglunch!! Nagtatalon ako sa banyo. Para kong walang nararamdamang sakit haha. Dali-dali akong naligo at pumunta sa walk-in closet. Ano susuotin ko?! Hinalungkat ko lahat ng mga dress ko sa Closet aist wala ako magustuhan! Lumabas ako at naupo sa kama para mag-isip. Ano ba susuotin ko?
"Lord give me a sign."
wika ko. Bigla kong napansin ang paper bag sa side table ko. Tinignan ko yun at dahan-dahang binuksan. Wow!! Isang napakagandang dress. Above the knee ang haba at may white na design. Formal dress for short. May kasama pang pearl earrings at necklace. May note na nakalagay sa loob.
BINABASA MO ANG
Youre Beautiful You Should know it! (Ongoing Series)
Teen FictionPaano kung ang isang mataba na tulad ni Ynnah ang magkaroon ng boyfriend na gwapo, hot at kinakikiligan ng mga magagandang babae?? Ngunit paano kung hindi naman pala seryoso sa kanya ang boyfriend nya at pinagtripan lang sya? Gaganti ba sya o kakali...