Chapter 3

237 2 0
                                    

-----

❄Dean Erich Fuentes❄

Maaga akong gumising. Naligo ako nang mabilis dahil malapit na ako sunduin ng manager ko. Humingi nga ako sa kanya ng tawad dahil naabala ko siya kahapon.

"Ahhhhh!!!!!"

Bigla akong nakarinig ng malakas na sigaw. At tama ang hinala ko na yung babaeng yun ang sumigaw.

Agad ako tumakbo sa kwarto nito. Kasabay din ng mga tropa ko.

"Anong nangyari?!",bungad ko.

"Ikaw!! Nasaan ako huh?! Siguro ikaw yung nagpakidnap sa akin kagabi noh! Walang hiya ka!",galit na galit na sambit nito.

Pumasok naman silang lima kaya lalo siyang nagulat.

"Sino sila huh?! Kasabwat mo ba sila huh!! Mali ka ng pinaglalaruan mo!!!",sigaw niya at aakmang susuntukin ako ng umilag ako.

*!BOGSHH!*

Nang dahil sa pag-iwas ko nauntog siya at nawalan ng malay.

"Whuahhhahaha!!",biglang tawa ni Patrick.

"Patrick nawalan na nga ng malay yung tao tinatawan mo pa",pagsusuway sa kanya ni Clinton.

"S-sorry na! Ang epic lang kasi ng mukha niya kanina tsaka yung pag-ilag ni Dean epic din. Hahahhaaha!!!"

Hindi ko na sila pinansin. Binuhat ko nalang siya at inihiga sa kama niyang muli.

*Kring!!!*

Bigla naman tumunog anv cellphone ko. Tinignan ko at si manager ang tumatawag.

[Hello! Dean, nasaan kana ba?! Nandito na kami sa labas! Diba sabi ko sayo na maaga dapat tayo ngayon!]

[Papalabas na ako!]

Sagot ko sabay baba ng telepono. Nakakatakot talaga siya magalit.

"Clinton, ikaw lang naman ang maiiwan. Sayo ko muna siya pababantayan. Huwag mo siyang hahayaan na umalis, okay."

"Okay!"

"Sige mauna na ako!!"

❤Leah Alexandra Lavigne❤

Minulat ko ang mga mata ko nakaramdam ako ng kaunting kirot sa noo ko.

"Gising kana pala..."

Biglang bumungad sa harap ko ang isang lalaki. Kaya bigla nalang ako napabangon at nagkauntugan kami.

"Arayyy!"sabay naming sambit.

"Sorry",sambit ko.

"Wala yun, sabi ni Dean bantayan daw kita at huwag hahayaan na umalis."

"Hindi ba kayo masasamang loob? Kasi anim kaya kayo diba?!"

"Tama ka! Magkakaibigan kami at dito kami nakatira lahat."

"Ganun ba, pero kailangan ko nang umalis. Tsaka hindi naman ako pumayag sa gusto niya kaya aalis na ako",sambit ko.

Lalakad na ako ng bigla siyang lumuhod. Nagulat ako at pinatayo siya.

"Please, tanggapin mo na ang offer niya. Kailangan niya ang tulad mo. Please nagmamakaawa ako",sabi ni habang naluluha.

Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na maawa. Tsaka malaking pera din ang mawawala kung tataasan ko ang pride ko.

"Sige, pumapayag na ako...."

"Talaga?! Yehey! Salamat ahh!! Siguro matutuwa siya nang sobra kapag nalaman niyang pumayag kana!"

Bigla niya akong niyakap. Nagulat ako, pero yinakap ko rin siya pabalik. Para tuloy siyang bunsong kapatid ko.

"Ahm, ako nga pala si Leah Alexandra Lavigne. In short Leah."

"I am Clinton Yoshi Salvador, isang novel writer. Nice to meet you Leah!"

"Novelist writer?"

"Ahh mahilig kasi ako magsulat ng nobela ba. Naka tatlong libro na ako na napublish ko na."

"Ahh, ganun ba?! Sorry, hindi kasi ako mahilig magbasa ehh. Tsaka mahirap lang ako at alam kong mahal ang mga ganun diba?",sambit ko habang kumakamot sa batok ko.

"Okay lang, libre kana. May stocks ako sa room. Gusto mo puntahan natin?"

"Sige!"

Ang bait niya. Siya ata ang nakilala kong lalaki na sobrang gentle at cute pa. Napansin ko rin na medyo may pagka feminine siya. Sana yung apat na makikilala ko pa kasing bait niya.

-----

❄Clinton Yoshi Salvador❄

Namangha si Leah sa mga pinakita ko. Halatang unang beses pala niya nakita ang mga ganoon dahil para siyang bata na tuwang-tuwa dahil binigyan ng candy.

Naisipan kong i-video call silang lima.

(Oh, Clinton. Kamusta naman ang pinapagawa sayo?) - Dean

(Matutuwa ka Dean! Dahil pumayag na siya!) - Clinton

(Wehh! So may makakasama na tayong babae sa mansion) - Patrick

(Tumigil ka nga Patrick) - Hanel

(Woah! That's a good news!) - James

(Tama ka diyan James!) - Leo

(Nasaan naman siya ngayon?) - Dean

(Nasa sa mga nakatabak kong libro at nagbabasa) - Me

(That's a relief...... Sige na tinatawag na ako ng director. Bye!) - Dean

(Me too.....) - Patrick

(Just log out) - Hanel

(See you, Clinton!) - James

(Sana masarap ulit ang ulam! Bye!) - Leo

Kinagabihan.......

"Were back!!!"

"Nandyan na pala kayo!! Bilisan niyo na at kakain na tayo dahil tinulungan ako ni Leah magluto!"

"Leah? What a beautiful name!",sambit ni Dean.

"That's right. Fit na fit sa itsura niya",singit ni Patrick.

"By the way, Leah. I am James Wilk Lizardo. Nice to meet you, beautiful lady..."

"I am Leo Noel Vieana. Nice to meet you!"

"I am Patrick Sean De Guzman. I'm glad to meet you with matching pahalik pa sa kamay."

"Then I am Hanel King Monterey. Excuse me..."

"I am Leah Alexandra Lavigne. Nangangako na magtatrabaho ng maigi at susundin ang mga utos niyo bilang kapalit ng paninirahan ko dito."

"Oh, magiging maid narin natin siya. Slave kungabaga. Mukhang masaya yun ahh",sambit ni Patrick.

Nagsiakyatan na sila sa kwarto nila para makapagpalit at kumain kami ng sabay-sabay.

Shh! I'm their secret slave  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon