-----
❄Dean Erich Fuentes❄
.
.
.
.It's been a month at hindi parin nagigising si Leah. Wala naman daw mali sa kanyang ulo at sadyang nag predict lang ito into coma state.
Pinayagan naman na kami na iuwi siya sa mansion. Sabi ng doctor lagi lang daw siyang kausapin dahil naririnig daw kami nito.
Si Kellyanne ang personal nurse niya dahil siya lang ang pinagkakatiwalaan namin. Siya ang nagpapalit kay Leah at siya rin ang naghuhugas ng buhok nito.
Since nangyari ito kay Leah ay hindi na muna ako tumanggap ng mga roles dahil mas gusto kong nasa mansion lang para bantayan si Leah.
I always seated beside her and caressing her face and hair. Kahit na natutulog siya ay hindi parin nawawala ang kagandahan niya.
"Luv, hindi ka pa ba napapagod matulog? Miss na miss ko na ang boses, tawa, pagmamasungit mo at lalong-lalo na ang pagmamahal na ibinibigay mo sa akin.
Alam mo ba malaki na yung tummy ni Fiona. Diba sabi mo gusto mo maging ninang? Akalain mo kambal ang baby nila. Hindi muna nila inalam ang gender para daw surprise. Bangon kana diyan at para naman makagawa na tayo ng sa atin haha.
Si Misely at Gerald kinasal na. Sayang dahil hindi tayo nakadalo. At si Jessy at Hannah namimiss kana daw kaya gumising kana please...."
Pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Napangiti dahil alam kong isang araw gigising din siya. Hindi man ngayon pero malay natin bukas o kaya sa susunod na bukas. Ang mahalaga ay ang gumising siya at bumalik sa bisig ko.
-----
Bumaba naman ako sa sala para kumain. Nagugutom narin ako at kailangan ko maging malusog para naman mas lalo kong maalagaan ang asawa ko.
Umuwi muna sila Patrick at Fiona sa batangas at doon na plano ipanganak ang kambal.
Sila James at Leo naman ay nasa Cebu para sa concert nila. Proud ako sa kanila dahil mahal na mahal nila ang pangarap nila.
Umalis na muna si Clinton para mamili sa grocery dahil ubos narin ang stock dito sa bahay. Si Hanel naman ay nasa photoshoot niya. Ipanaalam niya rin si Kellyanne para daw mag date sila. Pumayag naman ako since buhay din naman nila iyon.
Kaya ako ito ang nagbabantay kay Leah. Binilisan ko naman kumain para makaakyat agad sa kwarto namin.
Inilapag ko sa lababo ang pinagkainan ko at umakyat na muli.
❤Leah Alexandra Salvador Fuentes❤
Minulat ko naman ang mga mata ko. Ipinokus ang paningin at inalam kung nasaan ako. Napagtanto ko naman na nasa kwarto namin ako.
Sinubukan kong tumayo pero feeling ko na parang na paralyzed ang buong katawan ko kaya bumagsak akong muli sa kama.
Nanlaki ang mga mata ko na maalala ko ang lahat. "Si dean...." sambit ko. Pinilit ko namang tumayo ng biglang bumukas ang pintuan ng kwartong ito.
Ang kaba ay napalitan ng saya ng iluwa nito si Dean.
"L-eah......" sambit niya. Natahimik naman ang buong kapaligiran ng ilang minuto at bigla nalang tumakbo si Dean papalapit sa akin.
Bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Napangiti naman ako at napaluha ng malaman na okay siya.
"Luv, nagising kana!" masayang sambit niya habang patuloy na hinihimas ang likod ko.
"Luv, I'm back",sambit ko. Kumawala naman siya sa yakap at humarap sa akin.
"Welcome back, luv",he said at hinalikan ako.
BINABASA MO ANG
Shh! I'm their secret slave [COMPLETED]
RomanceLeah Alexandra Lavigne, naulila sa kinalakihang magulang. Lumayas sa kanyang tita dahil sa hinding magandang trato sa kanya. Natanggal sa trabaho dahil kinuntsamba ng tita niya. Habang naghahanap nang matitirhan ay nakilala niya si Dean Erich Fuent...