Chapter 19

124 2 0
                                    

-----

❄Hanel King Monterey❄
.
.
.
.

"Ano bang naisip mo at hinalikan mo si Leah? Alam mo naman na may gusto si Dean sa kanya",takang tanong ni Clinton. Hindi ko akalain na may nakakita sa ginawa ko.

"Mahal ko siya",sagot ko sa kanya. Nagulat naman siya sa sinabi ko at hindi nakapagsalita.

"Tsaka ano naman kay Dean kung may gusto ako kay Leah. Hindi pa naman niya pagmamay-ari si Leah ahh",sambit kong muli.

"Pero, baka mag-away ko ng dahil kay Leah",pag-aalala niya. "Wala na akong paki doon! Susundin ko kung ano man ang binubulong ng puso ko!",sambit ko sabay alis at iniwan siya doon.

Hindi porket assistant niya si Leah at siya ang unang nakakita sa kanya hindi parin yun ang rason para hindi ko mahalin si Leah.

Ipaglalaban ko ang pagmamahal ko sa kanya! Hindi ko na kayang manahimik pa!

-----

Lumabas naman na ako ng kwarto dahil kakain na daw ng hapunan. Tinignan ko naman kung nandoon na si Leah. Nagtaka ako ng wala siya doon pero si Dean ay naroroon. Siguro nasa kwarto pa siya.

Naisipan ko naman na pumunta doon. Nang makarating ako sa tapat ng pintuan niya ay saktong lalabas palang siya.

"Hanel?!",gulat niyang sambit. "Anong ginagawa mo dito?!",tanong niya. Hindi naman ako sumagot at lumapit lang sa kanya. Hindi naman siya nagkaatubili ay umatras siya papasok.

"Ba't ka naman umaatras? Ganun mo ba ako kaayaw Leah?",tanong ko na may halong lungkot sa aking boses.

"Ano bang sinasabi mo?!",sambit niya sa mataas na boses.

"Mahal nga kita!! Hanggang kailan ko ba uulitin na sabihin sayo kung ano ang nararamdaman ko!!",galit kong sambit. Nakita ko naman ang takot sa kanyang mata ng may luhang pumatak sa kanyang mata.

"Sorry.....",paghingi ko ng tawad. Pupunasan ko na sana ang luha sa kanyang mukha pero hinampas niya ang kamay ko.

"Nababaliw kana Hanel..... Alam mong hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo dahil hindi ikaw ang mahal ko",mahinang sambit niya sabay lumabas.

Bakit?! Ano bang mali sa akin?! Ang sakit!! Ang sakit-sakit!! Dammit!! Bakit hindi nalang ako!! Ahhhhhhh!!!!!

❤Leah Alexandra Lavigne❤

Tumakbo ako.... Tumakbo ako pababa hanggang sa makalabas ako ng mansion. Hindi ko sila pinansin ng tanungin nila ako. Tumakbo ako ng tumakbo kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Habang patuloy ang pagpatak ng mga luha sa aking mga mata.

Hanggang sa mapagod ako at napaupo nalang sa gitna ng kalsada. Hindi ko alam pero nasasaktan ako. Alam kong sa sarili ko na mahal ko si Dean. Pero bakit nasasaktan ako ng ireject ko si Hanel. Bakit?! Bakit?! Hindi ko maintindihan!!

Bigla namang bumuhos ang ulan. Napangiti nalang ako ng mapait.

*beeppppp!!!!*

Nagulat naman ako ng muntikan na akong masagasaan.

"Hoy miss! Magpapakamatay ka ba?! Kung magpapakamatay ka wag mo akong idamay!!",sigaw nung mamang driver ng kotse.

"Sorry po",sambit ko sabay punta sa gilid. Umupo nalang ako doon at niyakap ang mga tuhod ko at umiyak.

❄Dean Erich Fuentes❄

Nagulat kami ng biglang tumakbo palabas si Leah na hindi man lang kami sinagot. Sinundan ko siya dahil sa nakayapak lang siya. Ano bang nangyari at bigla nalang siyang tumakbo.

"Leah!!! Nasaan ka?!",sigaw ko. Patuloy parin ako sa pagtakbo at umaasang maabutan ko man siya. Ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Mas lalo tuloy akong nag-aalala kung nasaan siya.

"Leah!!!"

"Leah!!!"

Patuloy ako sa paghahanap ng makita ko na siya. Nandoon siya habang yakap ang sarili niya. Agad naman akong tumakbo papalapit sa kanya.

"Leah!!"

Inangat naman niya ang kanyang mukha at nagulat ako ng makitang umiiyak siya at namamaga ang mga mata niya.

"Leah! Anong nangyari? Ba't ka umiiyak? Atsaka anong problema at bigla ka nalang umalis ng mansion ng wala man lang ikaw suot na tsinelas man lang?",pag-aalala kong tanong.

Hindi naman siya tumugon at bigla nalang niya ako niyakap.

"Dean.....",bigkas niya habang patuloy na umiiyak habang nakasubsob ang kanyang mukha sa aking dibdib. "Shhh, sabihin mo sa akin. Ano ba ang nangyari huh?",tanong ko. Tinayo ko naman siya at binuhat sa likod ko.

"Magkakasakit ka pa nito",sambit ko at nagsimula nang maglakad. Nawalan naman siya ng malay kaya nagmadali na akong maglakad dahil baka may sakit na siya.

-----

"Dean!! Leah!! Anong nangyari?!",pag-aalala nila.

"Hindi ko rin alam, pero nakita ko nalang siyang umiiyak at nababasa na ng ulan",sambit ko sabay lakad papunta sa kwarto niya. Sumunod naman sila. Inihiga ko si Leah sa kama kahit na basang-basa ito.

"Clinton, pwede mo ba tawagan ang ate na pumunta dito? Siya sana ang magpalit sa damit ni Leah",request ko sa kanya.

"Sige, tatawagan ko siya",sambit nito sabay labas para tawagan ang ate niya.

Tinitigan ko naman siya. Iniisip ko parin kung ano ang dahilan at nagka ganun siya.

"Dean, magpalit ka na muna",sambit ni Leo sa akin. Tumango naman ako at pumunta na sa kwarto ko para magpalit.

Pagkatapos ko ay saktong dumating na yung ate ni Clinton.

"Sorry sa istorbo ate Cassandra",sambit ko. "Okay lang, nasaan ba siya?",tanong niya. "Halika, dadalhin kita sa kwarto niya",yaya ko at pumunta na sa kwarto ni Leah.

Pagka-akyat namin ay pumasok na agad si ate Cas at lumapit kay Leah.

"Hayst, nasaan ang mga damit niya? Inaapoy na siya ng lagnat",tanong niya kaya dali-dali naman ko tinuro kung saan. Kumuha naman siya at lumapit na agad kay Leah para palitan ito.

Napatigil naman siya na ikinataka namin.

"Hindi ba kayo lalabas? Papalitan ko na siya ng damit! Privacy please",sambit niya kaya agad naman kami lumabas. Nakalimutan namin na lalaki pala kami.

"Okay na, paki-tignan na lang siya. Tsaka painumin niyo siya ng gamot pagkagising niya",paalala nito.

"Okay po",sagot namin.

"Sige, mauna na ako",sambit niya at nagpaalam na. Inihatid naman siya ni Clinton.

Pumasok naman ako sa kwarto ni Leah. Nagsipasok narin sila sa kwarto nila since gabi na. Umupo ako sa tabi niya. Nilagyan ko nan siya ng basang towel sa noo niya.

Napansin ko naman si Hanel kanina na parang naguguilty. Hindi ko ma-explain pero parang may ginawa siya kaya nagkaganito si Leah.

Shh! I'm their secret slave  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon