Chapter 31

112 3 0
                                    

-----

❤Leah Alexandra Lavigne❤
.
.
.
.

Nagising naman ako at bumungad sa akin ang mukha ni tita cathy na may halong saya at pag-aalala sa kanyang mga mata.

"Iha, gising kana....."

Napahapo naman ako sa ulo ko ng kumirot ito. Dahan-dahan naman ako umupo at inalalayan ako ni tita cathy.

"Iha, ayos ka lang ba? May masakit pa ba sayo?" pag-aalala niyang tanong. Hindi naman ako nakasagot at agad na yumakap sa kanya.

Umiyak naman ako ng umiyak sa kanyang bisig. Hindi ko parin matanggap sa isang iglap ay mahihiwalay sa akin si Dean.

Hindi ko naman napigilan na hindi humigpit sa yakap na ginagawa ko kay tita cathy. Tumingala naman ako sa kanya kaya napatingin siya sa akin.

"Tita Cathy, pwede po bang tawagin kitang mama? At kung pwede po tabihan niyo akong matulog please...." hindi ko na mawari kung bakit ganun nalang ang pagkagusto ko sa init at lambing ni tita cathy.

"Shhh..... Tumahan kana. Pumapayag ako na tawagin mo akong mama at tatabihan kita ngayong gabi",sambit niya. Napangiti naman ako dahil na siya ay pumayag.

"Pero bago ang lahat, kailangan mo munang kumain para magkalaman ang tiyan mo."

Tumango naman ako. Pinilit naman niya na subuan ako kaya hindi na ako tumanggi pa. Ramdam ang sakit sa paghihiwalay namin ni Dean ay siya namang nagpapagaan ng kaunting sakit na nararamdaman ko.

-----

Hanggang ngayon wala parin akong balita kay Dean. Kung okay na ba siya?

Tinry ko namang hanapin siya kasama sila Hanel pero wala rin kaming napala.

Nakwento din sa akin ni Hanel ang tungkol sa naging buhay ni Dean. Ang tanga-tanga ko dahil hindi ko man lang siya pinaglaban.

Kaya ngayon gumagawa ako ng paraan na mahanap siya at mabalik sa akin dahil pera niya lang ang habol ng magulang niya sa kanya.

Kahit na nakakapagod pero umaasa ako na isang araw mahahanap ko siya at makakasama muli. Napapaisip din ako kung namimiss niya rin ba kaya ako?

Gumagawa din ba siya ng paraan para makabalik sa akin? Miss na miss ko na kasi siya. Gusto ko pa siyang makasama hangga't sa pagtanda namin.

"Leah, kung pagod kana pwede na muna tayo umuwi",suggest ni Fiona sa akin.

"Okay lang ako. Gusto ko pang maghanap. Bakit kasi ang hirap niyang hanapin?" tanong ko kahit na alam kong pare-pareho lang kaming walang alam.

"Wag kang mag-alala mahahanap din natin siya. Kapag nangyari iyon, hindi na natin hahayaan pa mangyari muli ito",sambit ni Hanel habang patuloy sa pagmamaneho.

❄Dean Erich Fuentes❄

Shit! Paano nila nagawa sa akin ito? Kung anak talaga nila ako bakit nila ito ginagawa sa akin?

At nagawa pa nila akong ikulong sa lugar na ito na parang hayop! Si leah, kamusta na kaya siya? Siguro ngayon malungkot siya, at nasasaktan katulad ko.

Ano bang nagawa namin at nangyayari sa amin ito? Ang gusto lang namin ay maging masaya at maikasal sa isa't isa.

"Gising kana pala",napabaling naman ang tinggin ko sa bulto mula sa pinto.

"Anong gusto mo kainin?" nagliyab naman sa galit ang puso ko.

"Hindi ako nagugutom! Ang gusto ko palayain niyo ako!" nanggagalaiti kong sambit.

"Hindi maari ang gusto mo hangga't sa hindi ka pumapayag sa arrangement mo kay Misely!" sigaw niya.

"Bakit?! Dahil sa pera nila kaya kayo pumayag! Wala kayong inisip puro pera! Pati anak niyo nagagawa niyong ikulong at ikadena sa bahay na ito ng dahil sa pera!"

*pak*

Sampal ang naabot ko mula sa kaniya. Ipinilig ko ang mukha ko para makita ang mukha niya.

"Wala kang karapatan na sabihin sa amin yan dahil kami ang nag-aruga sayo!"

"Nag-aruga?! Kailan?! Kailan niyo ginawa yun?! Ba't wala akong natatandaan!!"

*pak*

Sinampal niya muli ako sa kabilang pisngi.

"Alam mo kung bakit?! Dahil ampon ka lang! Hindi ka namin tunay na anak!!"

Napatigil ako. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Tama ba yung narinig ko? Ampon lang pala ako.

Napangiti nalang ako ng mapait sa nalaman ko. Umalis naman siya at iniwan muli ako sa kwartong ito.

❄Clinton Yoshi Salvador❄

Naawa na ako kay Leah. Kahit alam kong pagod siya physically at mentally ay nagagawa parin niyang maging matatag para hanapin si Dean.

"Leah, umuwi na muna tayo. Pagod ka na....." sambit ko habang nakapatong ang kamay ko sa balikat niya.

Napalingon naman siya sa akin at hindi ko inaasahan ay bigla nalang siya nawalan ng malay.

"Leah!" sigaw ko kaya napukaw ang paningin nila sa amin. Pangalawang beses na nangyayari ito sa kanya.

Nag volunteer naman si Patrick na buhatin siya at umuwi na kami. Inihiga siya ni Patrick sa kama at kinumutan ito.

Nagpaiwan naman ako para bantayan siya. Kumikirot ang puso ko nang nakikita ko siyang ganito. Si Mommy din ay nag-aalala sa kaniya.

Hindi ko man masabi pero parang ate ko narin siya. Ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya at ngayon naawa ako sa kalagayan niya ngayon.

Shh! I'm their secret slave  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon