-----
❄Dean Erich Fuentes❄
.
.
.
.Nakakatuwa naman at napilit ko siyang maisama. Syempre nagbibiro lang ako na hahalikan ko siya noh. Hindi ako ganung klase na tao. Pero infernes, effective yung ginawa ko.
"Antagal naman, napakalayo ba ng Mall na iyan?",iritang tanong niya.
"Wag ka masyadong excited.... Malapit na tayo."
Nakita ko naman siya na umirap pero hinayaan ko nalang. Amazona ata ito...
"Sir/Maam,nandito na po tayo!"
Pagkasambit ng driver ko nun ay bumaba na siya. Pinagbuksan niya ako ng pinto habang halata ang inis sa mukha niya.
"Tatawagan nalang kita kapag uuwi na tayo."
"Yes, Sir."
"So, let's go na my slave....." *then wink*
Hindi naman siya sumagot at sumunod lang sa akin. Bibilhan ko sana siya ng mga susuotin niya. Kailangan niya paring magmukhang reponsable.
Pumunta kami sa nakasanayan ko na bilhan ng mga damit ng kapatid kong bunsong babae.
Nang malapit na kami ay hinawakan ko ang wrist niya at hinala siya paloob.
"Good afternoon, Sir Dean."
"Good afternoon. Please give this lady, a clothes as much as possible!"
"Ano!? Hindi ko na kailangan! Tsaka slave mo lang ako diba?! Bakit kailangan pa bumili ng mga mamahaling dam---"
Hindi na niya napatuloy pa ang pagsasalita na hinila na siya nung inutusan ko.
Umupo naman ako sa sofa. Nilabas ko ang phone ko at nakita kong nag text si Clinton.
{Dean. Anong oras ka makakauwi? Ikaw nalang wala dito. Tsaka kakain na kami.} - Clinton
Nag reply naman ako pabalik.
{Malalate ako ng uwi, kaya iwanan mo nalang kami ng pagkain.} - Me
{Ganun ba. Okay... Ilalagay ko siya sa refrigerator. Initin mo nalang.} - Clinton
{Okay.....} - Me
Pagkatapos nun ay nakapili na ang inutusan ko na susuotin ni Leah.
Kita ko naman ang inis sa mukha ni Leah. Napangiti nalang ako dahil baka nabigla lang siya kanina.
"Babayaran ko na yan lahat!"
"Sigurado ka?! Andami niyan tsaka ang mahal pa!!"
"Nakakalimutan mo ata na mayaman ako! Diba nga 30K ang sweldo mo."
Hindi siya umimik kaya ibinigay ko nalang yung credit card ko.
Matapos ang 20 minutes ay nabalot narin lahat ng binayaran ko. Ibinigay ito sa akin at inihagis sa kanya.
"Ikaw magbuhat niyan! Since ikaw naman magsusuot niyan!".pagmamasungit kong sabi.
Wala naman siyang nagawa at binuhat lahat ng yun.
Lumabas na kami dun at pumunta naman sa favorite perfume branch ko. Mauubos na kasi yung last na binili ko.
"Saan naman tayo ngayon huh?!".rinig kong tanong niya.
"Basta! Hindi mo kailangan malaman, basta sumunod ka lang, my slave...."
Kumunot naman ang noo niya at nagpatuloy ulit sa paglalakad.
-----
Matapos ang isang oras ay uuwi na kami. Bitbit niya lahat ng pinamili ko. Hindi naman siya makareklamo dahil pumayag na siya.
BINABASA MO ANG
Shh! I'm their secret slave [COMPLETED]
RomanceLeah Alexandra Lavigne, naulila sa kinalakihang magulang. Lumayas sa kanyang tita dahil sa hinding magandang trato sa kanya. Natanggal sa trabaho dahil kinuntsamba ng tita niya. Habang naghahanap nang matitirhan ay nakilala niya si Dean Erich Fuent...