Chapter 37

128 3 0
                                    

-----

Chapter 37

❤Leah Alexandra Lavigne❤
.
.
.
.

"You may now kiss the bride"

Nagpalakpakan ang lahat ng halikan na ni Patrick si Fiona. Excited kami para sa magiging baby nila.

"Wohoooo!!! Congrats!!!"
"Pano ba yan Fiona De Guzman kana!! Congrats!!"
"Paano naman ako? Chos, congratulations!!"
"Congratsssss!!! Fiona and Patrick"

Niyakap ko naman si Fiona at tinapik si Patrick.

"Congrats! Sa inyo! Excited na kami sa baby!!"

"Wag kang mag-alala luv, malapit kana rin",singit ni Dean. Binatukan ko naman siya.

"Well, congratulations to the both of you",sambit niya.

-----

Nandito kami sa reception, at sobrang ingay na dahil sa amin.

Nadyan si Clinton na nagtula para sa kanila.

Nandyan sila Leo at James para kantahan sila.

Nandyan si Hanel para magbigay ng speech kasama si Kellyanne.

Kami naman ni Dean ay ganun din.

At masaya kami para sa kanilang dalawa. Matagal-tagal narin simula nang maging sila at ngayon mag-asawa na sila.

At sa lilipas na siyam na buwan at magkakababy na sila. At pwede akong maging ninang.

"Sa lahat ng bridesmaid, pumunta po kayo sa harap at oras na para malaman kung sino ang susunod na ikakasal",sambit nung mc.

Syempre isa ako sa mga bridesmaid kaya pumunta ako. Hindi ko naman pinili sa unahan at tumayo sa pinakalikuran.

"Eto na! 1 2 3!"

Binato na ni Fiona ang bulaklak at sa hindi inaasahan ay sa akin ito napunta mismo. Tinignan ko naman si Fiona na ngayon ay nakangiti. Siguro binato niya talaga ng todo para sa akin mapunta.

Nagpalakpakan naman sila. Masaya din naman ako dahil alam naman natin na malapit na ang kasal namin ni Dean.

"Para naman sa mga groomsmen, kayo naman ang sunod"

Tinulak ko naman si Dean, ayaw niya kasi.

Nang ibato na ni Patrick ay siya nga ang nakasalo.

"Ohh, sigurado na kayo na ang next ahh",sambit nung mc habang nakangiti.

"Please put that thing to your fiance thigh using your lips."

Umupo naman ako at itinaas ang dress na suot ko. He removed my heels at nag-umpisa na siya isuot yun sa akin gamit ang kanyang bibig.

Aaminin ko nakikiliti ako pero nakakahiya naman kung tatawa ako diba? Kaya kinagat ko nalang ang ibabang bahagi ng labi ko.

Nakatinggin siya sa akin hangga't sa umabot na ito sa hita ko. Kinuhanan naman kami ng litrato ng mga photographer.

❄Dean Erich Fuentes❄

Pagkatapos nun ay nag request sila na ikiss ko daw si Leah. Wala naman kaming nagawa kundi sundin ang hiling nila.

Hinalikan namin ang isa't isa at doon ay nagsimula na ulit ang celebration.

Matapos ang ilang oras at ngayon makakauwi narin kami. Pagod na din kami at lasing ngayon si Leah.

Ewan ko ba sa babaeng ito, ayaw niya ako malasing dapat siya lang daw. Nakakatawa naman siya kapag nagiging bata siya na nagpapabuhat kapag lasing.

Nang makarating na kami sa mansion, nauna ako bumaba at binuhat siya papasok.

Umakyat naman na kami sa kwarto at inihiga siya sa kama. Kumuha naman ako ng basang towel at pinunasan siya para mahimasmasan.

Kumuha narin ako ng damit at short niya para palitan ang suot niya ngayon. Hindi naman na ako nag-aalinlangan since nakita ko na ng ilang beses ang maganda at makinis niyang katawan.

Pagkatapos ko siyang bihisan ay kinumutan ko na siya at nagpalit narin ako. Pagkatapos ay tumabi na ako sa kanya at pinagmasdan siya habang natutulog.

Kahit sabihin man ng iba ay hindi parin ako nagsasawa sa maamo niyang mukha. Kahit na siya lang ang makita ko buong araw ay hindi ako magsasawa titigan ang mukha niya.

I caress her face then kiss her lips and forehead.

"Good night luv....." sambit ko at natulog na.

-----

Since nalaman kong ampon ako ay hinanap ko ang tunay kong magulang. Pero sa kasamaang palad ay pareho na silang pumanaw at sabi ng iba ay hindi na sila nagkaanak pa maliban sa akin.

Si Leah naman ay napalitan na ang apelyedo niya. Salvador na siya kaya naman masaya ako para sa kanya.

Tumawag din ang police station sa akin na gusto daw ako makita ng tinuring kong ina. Hindi naman ako tumanggi dahil narin gusto rin ni Leah na makita ito.

Nakarating naman na kami sa police station. Dala ang isang basket ng prutas na binili ni Leah para sa kanya.

Umupo naman kami at hinitay na ilabas siya. Pagkalabas niya nakita ko ang payat niyang katawan.

Umupo siya at hinarap kami. May namumuong luha sa kanyang mga mata.

"A-anak, humihingi ako ng tawad sa ginawa ko",sambit niya sa akin at doon na tumulo ang kanyang mga luha.

Hindi ko rin naman napigilan pa dahil kahit marami siyang nagawa sa akin ng tama ay mahal na mahal ko parin siya.

"May galit man sa puso ko pero pinapatawad ko na kayo. Kayo parin ang ina na nag-aruga sa akin. Mahal na mahal ko po kayo",sambit ko.

Ngumiti naman ito at hinawakan ang kamay namin ni Leah.

"Masaya ako at pinaglaban niyo ang dapat sa inyo."

"Ma, ito po prutas. Kainin po natin",sambit ni Leah. Tumango naman si Mama at binalatan ni Leah ang orange at kumain kaming tatlo.

"Alis na po kami",paalam ni Leah.

"Sige, mag-ingat kayo. At salamat sa masayang usapan",sambit ni Mama.

"Bye, ma!" sambit ko sabay yakap sa kanya.

-----

"Leah Alexandra Fuentes! Bagay na bagay pala sayo ang apelyedo ko",sambit ko habang nagmamaneho.

"Syempre naman, tinadhana ata tayo",sambut niya.

"Since naghahanda na tayo para sa kasal natin, sino pa ang gusto mo imbitihan?"

"Gusto ko sana sila nanay, yung binalhan natin ng prutas para naman makita natin muli si jessy. Tsaka ang isa si Mama, pwede pakiusapan natin ang police na pwede siyang dumalo."

"Sige ba dahil kahilingan mo iyon."

Masaya kaming umuwi ng mansion. Pagkauwi namin ay pinag-usapan namin ang tungkol sa kasal. Excited naman kami pareho dahil sa wakas matutuloy na ang kasal na naudlot noon.

Shh! I'm their secret slave  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon