Chapter 36

120 4 0
                                    

-----

❄Dean Erich Fuentes❄
.
.
.
.

Kinabukasan ay sinabi ko kay Leah na bisitahin si Misely na nasa hospital ngayon. Okay naman na daw ito sabi nung boyfriend niya.

Hinihintay ko nalang si Leah dito sa kotse. Nagbibihs pa kasi siya at sabi niya daan daw muna kami ng market para bumili ng prutas.

"Luv!! Narito na ako!!" sigaw niya habang takbong papalapit sa akin. Sumakay naman na siya at pati narin ako.

Sinuot na namin ang seatbelt at dumaan kami sa paborito niya daw na bilihan ng mga prutas.

Nang makarating kami at nagpark na ako at bumaba na kami. Excited naman siya at lumapit agad sa akin.

Isinukblit niya ang kanyang braso sa akin. At nagsimula na kaming tumingin-tingin. Nang makahanap kami ng nagbebenta ng sariwang mga prutas ay doon namin napiling bumili.

"Magandang umaga po, magkano po sa prutas?" tanong ni Leah sa tindera.

"Yung apple po ay 35 isa. Yung ubas naman po 200 per kilo. Yung orange naman po ay 25 isa",sagot sa amin.

"Ahm, limang apple, orange at isang kilo po ng ubas",sambit ni Leah. Nakita ko naman na sumaya ang mukha ni nanay na nagbebenta.

Umupo naman si Leah para kausapin ito.

"Nay, siya po ang anak niyo?" tanong niya habang turo ang batang nakakapit dito.

"Apo ko siya. Sinama ko siya dahil walang magbabantay sa kaniya sa bahay",sagot ni nanay at kinilo na ang ubas.

"Hello, anong pangalan mo?" she asked while approaching the little girl.

"Akow pow si Jessy",sagot nito kaya sabay kaming napangiti sa ka cute tan nito.

"Ang cute naman po ng apo niyo",puri ni Leah dito. Sa paningin ko ay magiging mabuti siyang ina para sa magiging anak namin.

"Ito na po",abot ni nanay. Nagbayad naman si Leah ng tatlong libo dahil binibigay niya rin ito kay Jessy.

"Maraming salamat dito. Kailangan din namin itong pera.... Napakabait niyo",pagpapasalamat nito sa amin.

"Wala po yun. Mag-ingat po kayo palagi. Tsaka nay, sayo ako bibili ng mga prutas ahh",sambit ni Leah at tumayo na.

"Mauna na po kami",sambit ko.

"Mag-ingat din kayo. Matanong ko lang mag-asawa ba kayo?"

"Hindi pa po, pero malapit na po..... Kung gusto niyo po pwede po kayo dumalo kasama si Jessy",sambit ko.

"Ayy, wag na. Congrats sa inyo",sambit ni nanay habang nakangiti ng napakatamis.

Nagpaalam din kami ni Leah kay Jessy. Pero bago pa man yun ay binilhan ito ni Leah ng cotton candy at ice cream kaya masaya itong kumakain habang nagbaba-bye sa amin.

Sumakay naman na kami. Pinaandar ko na ang makina at tinahak ang daan papunta sa hospital kung saan naka admit si Misely.

"Ang cute ni Jessy noh",sambit niya.

"Oo nga, nang makita ko kayong dalawa ay parang gusto ko na magkaanak na tayo. Sigurado akong cute din sila",sambit ko kaya napatawa naman siya.

-----

"Hello, ako nga pala si Leah ang fiance ni Dean. Nagpapasalamat ako sa pagliligtas mo sa kanya",sambit ni Leah habang nakahawak sa kamay ni Misely.

"Wala yun. Tsaka ok naman na ako at makakalabas na ako bukas",nakangiting sambit nito kay Leah.

"Ang ganda mo pala",puri niya kay Leah.

Shh! I'm their secret slave  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon