-----
❤Leah Alexandra Lavigne❤
.
.
.
.Napatigil naman ako sa ginawa niya. Hindi ko alam pero gustong-gusto ko yung mga halik na ginagawa niya sa akin. Wala akong nagawa kundi yakapin din siya. Nakahinga ako ng maliwag na malaman na okay na siya.
"Good morning everyone!!!",nagulantang kaming dalawa ng may biglang nagsalita mula sa pintuan.
"Patrick?!",taka naming parehong sambit.
"Opppsss, naka istorbo ba kami?",sambit nito ng parang nagbibiro.
"Hindi noh!",sigaw ko kaya umayos ako ng tayo.
"Bakit ba kayo nandito huh?",tanong ni Dean sa kanila.
"Hindi mo pa ba alam? Niyaya kami dito ng director niyo dahil may party daw na magaganap",dahilan ni Clinton kaya napakunot ang noo namin pareho.
"Ehh?! Wala naman akong naaalala na may party na nalalaman si director",sambit ni Dean. Umupo naman sila sa kama.
"Matanong ko lang, magkasama ba kayo sa iisang kwarto na ito?",tanong ni Leo kaya medyo nakadama ako ng hiya.
"Oo, may problema ba?",sambit ni Dean.
"Wala naman, may nangyari na ba? Hahahaha!",pang-aasar naman ni James. Mga baliw talaga sila.
"Okay ka na kayo?",tanong ni Clinton habang kinikilatis ang katawan namin pareho. "Okay na kami Clinton",sambit ko at ngumiti naman siya.
Nabaling ang tingin ko kay Hanel. Kahit kailan talaga ang tahimik niya at cold ang aura niya. Nakarinig naman kami ng katok mula sa pinto at ako na ang nagbukas. Pagkabukas ko ay nakita ko ang manager ni Dean.
"Good morning! Gising na ba si Dean?",tanong niya at tumango ako. Niyaya ko naman siya na pumasok sa loob. "Ohh, nandito na pala kayong lima. Tamang-tama at ibibigay ko palang ang invitation sa kanilang dalawa",nakangiting sambit niya. Inabot naman niya sa amin ito. Syempre na curious ako kaya sinilip ko na agad.
"Invitation for the celebration of 2nd Anniversary of this hotel"
Yan ang nakalagay sa invitation pati narin ang pangalan ko. Hindi ko alam at bakit naimbitahan ako sa mga ganito. Isang hamak lang naman ako na slave at assistant ng kilalang actor.
"This is interesting! I will go!",sambit ni Dean. Napangiti naman ang lima. "Hindi ako aatend...",sambit ko kaya napatingin sila sa akin.
"Hala bakit naman?" - Patrick
"Oo nga Leah, anong dahilan?" - James
"Pumayag kana. Kami nga pumunta pa dito dahil lang sa invitation na iyan." - Leo
"Leah, please. Sumama kana." - Clinton
"You should be there." - Hanel
"Oo nga naman Leah. Tsaka ikaw ang date ko." - DeanNag-isip naman ako kaagad na dahilan.
"Syempre, wala akong masusuot noh. Tsaka hindi ako sanay sa mga ganyan. Baka makagulo pa ako--",napatigil naman ako ng inilagay ni Dean ang darili niya sa bibig ko.
"Bakit ka nag-alala sa mga ganyan ehh, kaya ko naman ibigay yan sayo",sambit niya na may pang-aakit. Umiling naman ako tatakas na sana ako ng hinila ako ni Hanel na ikinagulat ko. Nanigas naman ang katawan ko. Sa lahat ba naman na pipigil sa akin siya pa! Hindi ko tuloy lubos na maisip na siya ang kaharap ko ngayon.
"Hindi ka na pwedeng umayaw. Mayroon ka nang invitation, na ang ibig sabihin ay umaasa silang dadating ka",cold na sambit niya sabay bitaw sa akin. Natulala naman ako at pinaprocess ang ginawa niya sa akin.
Tumingin naman ako kay Dean. Tinignan niya ako ng masama at yung apat naman ay nagmamakaawa. Napailing nalang ako at nagsalita. "Sige na nga....",sambit ko. Nakita ko naman na bumalik ang ngiti sa mga labi nila syempre maliban doon sa isa.
"So, wala nang atrasan yan ahh",sambit ni Clinton. Napangiti nalang ako. "So, magpapadala na ako ng susuotin mo at mag-aayos sayo",sambit ni Dean.
"Mauna na kami since okay naman na ang lahat. See you later.....",sambit ni Clinton at lumabas na silang lima. Nagkibit balikat nalang ako at umupo sa sofa. Nakita ko naman na may tinawagan si Dean. Hindi ko nalang pinansin at binuksan nalang yung TV.
Pumasok naman siya sa banyo, siguro para maligo.
Maya-maya may narinig akong katok sa pinto kaya binuksan ko ito. "Hello Maam, is this the room of Sir Dean Erich Fuentes?",tanong nito. "Yes, ano pong kailangan niyo?",tanong ko naman. "Kami kasi ang pinatawag niya kanina. At sa pagkakaalam ko kayo ata si Miss Leah, right?" Tumango naman ako at walang salita ay bigla silang pumasok sa loob at binitbit ako."Ahhh! Ano bang ginagaw niyo?!",takang tanong ko at saktong kakalabas ni Dean sa banyo. "Hoy, sino ba sila ahh?!",inis kong tanong sa kanya. Ngumiti naman siya at kinuha ang suit na nakasabit doon sa bitbit nilang dress roller.
"Sila ang inatasan kong mag-aayos sayo. Sila din ang pipili sa susuotin mo",casual na sabi niya. Hindi pa nga ako naliligo tas aayusan na nila ako. "Wait!! Maliligo muna ako!!",sambit ko sabay diretso sa banyo.
❄Dean Erich Fuentes❄
Napatawa na lang ako nang tumakbo siya papuntang banyo. Pero napapaisip parin ako sa ginawa ni Hanel sa kanya. Hay, bakit ko pa ba iniisip yun tsaka siya naman ang naging dahilan para sumama mamaya.
Excited naman akong makita siya na nakasuot ng gown. Hindi na ako magtataka pa kung lalo siyang gumanda lalo nang maganda naman siya kahit hindi na siya ayusan.
Nagpalit naman na ako ng white tuxedo dahil ayun ang dapat na suot namin. Sa mga babae naman ay kung ano naman ang magustuhan nila. Since maputi si Leah ang pinili ko para sa kanya ay red gown na may slit sa gilid. Pero syempre hindi naman ganoon kataas ang dahil ayokong pagkaguluhan siya ng iba. Akin lang siya. Wala nang iba pang pwede makuha siya.
Matapos niya maligo ay lumabas na siya. Lumapit siya doon sa mag-aayos sa kaniya at inayusan na siya. Umupo naman ako sa kama para hintayin siyang matapos. Tsaka may isang oras pa bago magsimula ang party.
30 minutes later.......
Sa wakas natapos na din siyang ayusan. Nasa banyo siya ngayon para isuot ang gown niya. Narinig ko naman na bumukas na ang pinto ng banyo. Tumayo naman ako at inayos ang sarili.
Lumabas siya mula doon. Napakaganda niya.... Hindi ko na napigilan ang sarili kong mamangha sa taglay niyang kagandahan ngayon. Nakatulala naman ako hanggang sa papalapit siya sa akin.
"Dean? Okay lang ba?",tanong niya kaya napangiti ako. "Syempre naman, ang ganda mo ngayon.....",lumabas sa labi ko ang mga salitang iyon na nagpamula sa kanyang pisngi. I took her arm and lock it with mine.
"Let's go.....",i said then naglakad na kami papunta sa venue ng party.
Sinalubong naman kami nila Clinton at pinuri siya ng mga ito. Sabay-sabay naman kami bumaba at diretsyong pumunta sa venue. Ipinakita naman namin ang invitation card kaya pinapasok na kami.
Naging usap-usapan naman kami simula ng mismong pagpasok namin. Yung iba pinupuri kami at habang iba naman ay nagtataka kung sino ang kasama ko. Since nag-iisa lang siyang babae sa amin ay nasa kanya lahat ang spotlight.
Napansin ko naman na maraming nahulog sa kanyang taglay na kagandahan. Tiningnan ko naman sila ng masama na ang ibig sabihin ay akin lang siya.
BINABASA MO ANG
Shh! I'm their secret slave [COMPLETED]
RomanceLeah Alexandra Lavigne, naulila sa kinalakihang magulang. Lumayas sa kanyang tita dahil sa hinding magandang trato sa kanya. Natanggal sa trabaho dahil kinuntsamba ng tita niya. Habang naghahanap nang matitirhan ay nakilala niya si Dean Erich Fuent...