Chapter 10

178 2 0
                                    

-----

❄Hanel King Monterey❄
.
.
.
.

Imbis na bilisan kong magdrive pauwi ay dahan-dahan nalang dahil umuulan na. Buti nalang at makakaabot ako sa birthday ni Dean.

Pagkadating ko ay rinig na rinig na mula sa labas ang ingay na mayroon sa loob. Pumasok naman na ako at saktong nakita kong hinalikan ni Dean si Leah.

"Dapat ganyan para exciting! Thank you sa regalo!",rinig kong sambit ni Dean kay Leah.

Tumayo naman si Leah na may inis sa mukha pero halatang kinikilig. Hindi ko alam pero medyo nagselos ako sa nangyari. Umiling nalang ako at naglakad na papunta sa kanila.

"Happy Birthday Dean",sambit ko at tumingin naman sila sa akin.

"Thanks!",pagpapasalamat ni Dean.

"Yey! Nakaabot ka Hanel!",masayang sambit ni Clinton.

"Oo naman",maikli kong tugon.

"Ilalabas ko na yung cake since nandito na lahat!",banggit ni Clinton at pumunta sa refrigerator at kinuha ang cake.

Kumanta naman siya habang papalapit kay Dean kaya sumabay na kami.

"Blow the candle na!",sigaw ni Patrick at sinunod naman si Dean. Pagka blow ng candle ay nagsimula ng hiwain yun ni Clinton. Masaya naman ang naging party. Napansin ko naman biglang pumunta si Leah sa kusina para kumuha ng tubig.

Nagulat naman kami ng biglang nabitawan ni Leah ang baso kaya nabasag ito sa sahig. Agad naman kaming lumapit sa kanya.

"Leah! Anong nangyari?",pag-aalala ni Dean. Hindi naman ito sumagot at humarap sa amin. Namumutla siya at may nakita akong pantal sa katawan niya.

"Leah! Allergic ka ba sa peanuts?",tanong ko na kinagulat nila.

"H-hindi k-ko a-alam...",sambit niya habang nahihirapan huminga. Dali-dali lumapit Si Dean sa kanya.

"Tumawag kayo ng ambulansya!",sigaw niya at sinunod ni Clinton. Lumapit naman ako at tinignan siyang mabuti.

"She's having an anaphylaxis",sambit ko kaya mas lalong nagulat si Dean. "Nasaan na ba yung ambulansya? Bakit ang tagal?",sigaw niya.

At nang mismong pagsigaw niya ay nawalan ng malay si Leah. Pagkadating ng ambulansya ay agad isinakay si Leah doon at sumama si Dean.

❄Dean Erich Fuentes❄

Nagulat ako ng malaman kong she's having a anaphylaxis. Malala ito since pwede niyang ikamatay kapag hindi agad naagapan. Pagkasakay niya sa ambulansya ay agad siyang sinuotan ng oxygen mask para makahinga siya.

"Ano bang nangyari sa pasyente?",tanong nung nurse. "Nakakain po siya ng peanuts pero hindi po namin alam na hindi siya allowed na kumain ng ganun",sagot ko.

Hindi naman nagtagal ay nakarating narin kami sa hospital. Binaba na siya at dinala sa emergency room. Umupo ako sa waiting chair sa labas. At hindi parin nawawala ang panginginig ng mga kamay ko. Kanina lang nagkakatuwaan pa kami tas may ganito pang nangyari.

Mga kalahating oras ay lumabas na ang doctor at lumapit ako.

"Doc, kamusta po siya?"

"Okay naman na siya, buti nalang naagapan niyo at nabigyan na namin siya ng epinephrine."

Nakahinga naman ako ng maluwag. Buti nalang at wala nang iba pang nangyari.

"Pwede mo na siya puntahan",sambit ng doctor bago ako iniwan. Pumunta naman na ako sa sinabi niyang kwarto ni Leah.

Pagpasok ko ay mahimbing na siyang namamahinga doon. Lumapit ako at umupo sa tabi niya. Hinawakan ang kamay niya ay hinaplos ang mukha niya.

"Bakit kasi, hindi mo alam na may allergies ka sa peanuts huh? Pinag-alala mo ako, tignan mo ohh nanginginig pa mga kamay ko",pabulong kong banggit.

Napangalumbaba nalang ako at pinagmasdan ang mala-anghel niyang mukha. Napangiti nalang ako habang iniisip kung gaano siya kinilig ng halikan ko siya.

"Mahal kita, Leah",sambit ko at hindi namalayan ay nakatulog na ako sa tabi niya.

Kinabukasan......

Nagising ako ng maramdaman kong gumalaw ang kamay niya. Umayos ako ng upo at doon ay minulat ang kanyang mukha.

"Dean?",sambit niya.

"Oo, ako ito. Kamusta na pakiramdam mo?",tanong ko. Umupo muna siya bago sumagot.

"Okay na ako. Sorry kung nasira ko ang masayang kaarawan mo",sambit niya habang nakayuko. Inangat ko naman ito gamit ang kamay ko. Tumingin naman siya sa mata ko.

"Okay lang yun atleast walang nangyari sayo na masama",sambit ko habang nakatitig sa kanyang mga mata. Ngumiti naman siya at nakita kong namula ang pisngi niya.

"Yiee, kinikilig ka noh?",pang-aasar kong tanong kaya kumunot ang noo niya at lumabas na si Amazona version niya.

"Ano?! Hindi ahh! Ikaw lagi mo nalang ako iniisahan!",galit na sambit siya sabay batok sa akin.

"Aray! Anlakas naman nun. Ibig sabihin talaga okay ka na",sabi ko habang nakangiti. Napakrus nalang siya ng braso at inalis ang tinggin sa akin.

"Sige lalabas na muna ako para itanong sa doctor kung pwede kana lumabas",sambit ko at tumango naman siya.

❤Leah Alexandra Lavigne❤

Pagkalabas niya ay hinawakan ko ang pisngi ko. Mainit ito kaya siguro tama ang sinabi niyang namumula ito. Bakit kasi ganun nalang siya ka sweet sa akin. Yung kagabi hanggang ngayon ay kinikilig parin ako. Na para bang hindi ito mawala sa isip ko.

"Leah! Pwede kana daw makalabas ngayon",sambit niya.

"Okay.... Magpapalit lang ako",sambit ko at bigla siyang nakangiti na nakakaloko.

"Gusto mo, ako na magpalit para sayo",sambit nito habang nakangiti. "Manyak! Nababaliw kana ba! Lumabas ka nga!",sigaw na sambit ko at tumawa lang siya. Hindi ko nalang siya pinansin at pumasok ba sa banyo.

Pagkatapos ko magpalit ay lumabas na ako. "So, halika na?",tanong niya kaya tumango naman ako.

Sumakay naman kami sa kotse niya pinadala niya sa driver niya. Sumakay naman na ako dahil mahina parin ang katawan ko para maging alalay niya noh. Hindi naman siya nagreklamo at sumakay nadin.

Medyo hindi naman kalayuan ang hospital kaya nakarating na kami agad sa mansion. Nauna na akong pumasok at sinalubong naman ako nung lima.

"Leah, huhuhu. Okay kana ba?",sambit ni Clinton habang lumuluha na parang bata. Napangiti nalang ako at sumagot.

"Okay na ako. Sorry kung nag-alala kayo",paghihingi ko ng tawad.

"Dapat lang. Akalain ba namin na allergic ka sa peanuts!",pagsusungit na sambit ni Dean at dumiretso sa kwarto niya. Nagkibit balikat nalang ako at hinayaan siya.

"Nagugutom kana ba?",tanong ni Patrick. Tumango naman ako at sabay na kami pumunta ng sala.

"Ahmm, wala ba kayong mga pasok ngayon?",takang tanong ko since hindi naman weekend ngayon.

"Ahhh, nag-alala kasi kami sayo kaya umabsent kami",sambit ni Leo kaya napayuko ako. Naging kasalanan ko pa kung bakit sila hindi pumasok ngayon.

"Leah, wag ka mag-alala ngayon lang naman kami ng leave. At gusto namin ipagpatuloy ang celebration. Bitin kaya!",excited na sambit ni Clinton. Kaya nahinga ako ng maluwag.

Shh! I'm their secret slave  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon