-----
❤Leah Alexandra Lavigne❤
.
.
.
.Nagising ako ng masilaw ako sa liwanag ng araw na tumama sa akin. Umunat naman ako ng malaman kong nakayakap si Dean sa akin. Hinalikan ko naman siya sa ilong bilang pagbati sa kanya.
Humawak naman ako sa ulo ko dahil medyo sumakit ito. Naalala ko naman na uminom pala ako kagabi. Nagising naman si Dean.
"Masakit ulo mo?" tanong nito. Tumango naman ako at umupo ng maayos.
"Halika nga dito halikan kita para mawala yang sakit sa ulo mo",yaya niya. Lumapit naman ako at hinalikan niya ako sa noo. Napangiti nalang ako sa kanya.
Naligo naman na muna ako para naman mawala din ang sakit ng ulo ko. Pagkatapos ay bumaba na ako at siya ang nakita kong nagluluto.
Hindi ko pa naman sila naaninag. Siguro mga tulog pa. Baba na ako ng makasalubong ko si Hannah.
"Good morning ate leah!" bati niya. "Good morning din baby girl",bati ko pabalik. Hinawakan ko naman siya sa kamay at sabay kami bumaba.
Nakita ko naman na tapos na si Dean sa pagluluto. Hindi ko akalain na magaling din pala siya sa pagluluto. Umupo naman kami ni Hannah habang inaamoy ang niluto niya.
"Ikaw luv ha, hindi mo naman sinabi na magaling ka magluto",puri ko.
"Ako pa! Syempre pinaghahandaan ko ang future natin",sambit niya sabay kindat sa akin. Napatawa nalang ako sa inasal niya.
"Gisingin ko lang sila",sambit niya. Nag-umpisa naman kami ni Hannah na kumain since gutom narin kaming dalawa.
"Ate, paano kayo naging ni kuya dean?" tanong ni Hannah.
"Syempre niligawan niya ako", simpleng sagot ko.
"Saan naman po kayo nagkakilala?"
"Sa...... kalsada?"
"Kalsada?"
"Oo, nag-away pa nga kami nun ehh hahaha!"
"Nakakatuwa naman po."
"Hahahaha!"
"Mukhang masarap ahhh!" nagulat naman kaming pareho ng sumigaw si Patrick. Nang malaman ni Hanel na nagulat si Hannah ay sinampal niya ito sa bibig kaya napatawa nalang kami.
"Good morning, ate Kellyanne at mga kuya!"
"Good morning din sa baby namin!"
"Umupo na kayo para makakain na!" sigaw ni Dean kaya nagsiupuan na silang lahat.
-----
"Sige, ihahatid ko na sila",sambit ni Hanel. Nagpaalam naman kami sa kanila at umalis na. Umalis din si Patrick dahil may trabaho pa siya.
Sila James at Leo naman may gig at hindi nila matanggihan since mga fans din nila ang pupunta.
Si Clinton naman nandoon sa mini office niya kung saan ginagawa niya ang bagong novel niya. Namamangha nga ako sa kanya since ang lawak ng imahinasyon niya.
Naiwan naman kami ni Dean dito sa sala.
"Luv, hindi ka pa ba maliligo?" tanong niya. Oo nga pala! Hayst!
"Maliligo!" sagot ko.
"Gusto mo ba paliguan kita",mala manyakis niyang sambit habang nakangiti.
"Tigilan mo nga ako! Tsaka hindi pa tayo kasal para makita mo ang katawan kong hubo't hubad!"
Napatawa naman siya sa sinabi ko kaya nagtaka ako. Nababaliw na siguro siya.
"Anong nakakatawa sa sinabi ko huh?" inis kong sambit.
"Wala. May naalala lang ako....",sambit niya habang patuloy sa pagtawa. Napakamot nalang tuloy ako sa ulo ko.
❄Dean Erich Fuentes❄
"Kasal pala ahh, pero siya ito kagabi na gusto ako tikman hahahha",pabulong kong sabi.
"Ano ba kasing nakakatawa?" inis niyang tanong. Kita ko na si amazona girl.
"Wala nga. At maligo kana nga! Nangangamoy kana!" sambit ko kaya dali-dali siyang umakyat sa para maligo.
Habang hinihintay ko siya ay nakatanggap ako ng tawag. I took my phone at tinignan kung sino ang tumawag. Nagulat naman ako na si Mom ang tumatawag.
Lumabas muna ako para sagutin.
[Hello Mom?]
[Hello son, how are you?]
[I'm fine Mom. Ba't po kayo napatawag?]
[Gusto ko ibalita sayo na babalik na kami diyan sa Pilipinas next week para paghandaan ang nalalapit mong kasal!]
Pagkasambit ni Mom ng kasal ay parang nanigas ang katawan ko.
[Anong ibig mong sabihin mom?]
[You have an arrange marriage with the girl named Misely Rean Reyes yung anak ng sinasabi kong kapartner natin sa kompanya.]
[What?! For what reason naman mom? Tsaka bakit wala akong alam?!]
[There's no reason but it's a request from them. And we need to accept that.]
Nanlumo naman ako. Bakit kailangan pa tanggapin kung request lang pala? Ba't ko naman papakasalan ang babaeng hindi ko naman kahit minsan nakita. Tsaka may babae na akong pinangakuan na papakasalan ko at makakasama ko hanggang sa pagtanda.
[No mom, I will not accept that arrangement. Meron na akong babaeng papakasalan!]
[Anong ibig mong sabihin? Sino ang babaeng sinasabi mo huh? Tsaka hindi na pwede bawiin pa ang arrangement. Sa ayaw at gusto mo matutuloy yun!]
Sasagot na sana ako ng binabaan na niya ako. No, this can't be. Leah is the only girl na papakasalan ko. Ba't ba nila lagi pinapakailaman ang buhay ko!
Matagal narin naman silang hinayaan ako dito sa Pilipinas mag-isa tas ngayon may arrangement pa silang nalalaman! Dammit!
"Luv?" nagulat naman ako ng marinig ko ang boses ni Leah na tumawag sa akin.
"Luv? Kanina ka pa diyan?" medyo kinakabahan kong tanong.
"Hindi. Kakarating ko lang at nakita kitang medyo mainit ang ulo. May problema ba luv?"
Nakahinga naman ako ng maluwag tsaka lumapit sa kanya at nagsinungaling dahil ayaw ko muna sabihin sa kanya hangga't hindi ko napipilit sila Mom na itigil ang arrangement.
"Wala yun luv, natalo lang ako sa laro."
"Ehh? Kailan ka pa naglaro?"
"Ahh, kanina lang. Tinry ko lang tas yun natalo ako kaya nagalit ako."
Tumango-tango naman siya at nagsalita.
"Ganun? Halika na sa loob at naghanda na ako ng tanghalian natin",yaya niya sa akin kaya pumasok na kami pareho.
BINABASA MO ANG
Shh! I'm their secret slave [COMPLETED]
RomanceLeah Alexandra Lavigne, naulila sa kinalakihang magulang. Lumayas sa kanyang tita dahil sa hinding magandang trato sa kanya. Natanggal sa trabaho dahil kinuntsamba ng tita niya. Habang naghahanap nang matitirhan ay nakilala niya si Dean Erich Fuent...