Chapter 4

220 2 0
                                    

-----

❤Leah Alexandra Lavigne❤
.
.
.
.

Habang kumakain kami, medyo nahihiya pa ako since bago ko palang sila nakilala at nakausap. Tumatawa sila sa akin dahil daw wala daw ako kaalam-alam sa mga nangyayari sa social media.

Nagpatuloy ang usapan namin. Masaya pala sila kausap at ang warm din ng pag-welcome sa akin.

Pagkatapos namin kumain ay tumulong ako sa pagliligpit.

"So, anong dahilan at napapayag ka. Miss?",tanong sa akin ng Dean na iyon.

"Hindi mo na dapat alamin pa!"

"Bakit? Ehh, sa akin ka sasama palagi."

"Naawa ako kay Clinton!"

"Talaga ba? O dahil sa pera?",sambit nito na parang nangiinis.

"So, akala mo mukha akong pera?!"

"Nope! Ang sinasabi ko dahil naghinayang ka sa pera. So, goodnight! Tsaka gumising ka ng maaga bukas. Magsisimula kana bilang assistant ko! Bye!"

Napairap nalang ako. Napakayabang, porket mayaman siya! Pero tama naman siya, naghinayang din ako para doon sa pera.

"Uhm, Leah!".rinig kong tawag sa akin ni Clinton.

"Bakit?"

"Pwede ka nang matulog, ako na bahala dito."

"Hindi okay lang! Sanay naman ako ehh."

"Kahit na! Kailangan mo matulog okay?"

"Sige, siya goodnight!"

❄Patrick Sean De Guzman❄

Hello! I am Patrick Sean De Guzman. Ang pogi niyong gym instructor. Hehe.

Syempre alam niyo na siguro na masyadong malakas ang boses ko. Since 2 years narin akong gym instructor. Pinagkakaguluhan nga ako ng mga babae at ayun syempre ang nagpapasaya sa akin. Joke!!

Naisipan kong salubungin yung Leah na magiging assistant na ni Dean bukas. Nakakatuwa siyang babae. Malakas ang pangangatawan.

"Hello, Leah!",bati ko kaya napalingon siya.

"Ahh, ikaw si??"

"Patrick!"

"Oh, sorry. Hindi ko agad makabisado ang mga pangalan niyo."

"That's okay! By the way, saan kayo nagkakilala ni Dean?".syempre curios ako noh.

"Ahmm, mahabang storya. Hehe."

"Ahh, ganun ba. Sige goodnight!"

"Good night din sayo!", she said while smiling sweetly.

Oh gosh! Ang galing naman mamili ni Dean. Pwede siyang mapagkamalan na girlfriend niya.

Infernes, maganda ang kutis niya kahit na laki siya sa hirap? Kung hindi yun binanggit sa amin baka hindi ko masasabi na mahirap siya.

Sige, guyss. Matutulog na ang instructor niyo! Goodnight, muahh!!

-----

❄Dean Erich Fuentes❄

I wake up early. Naligo na ako at nagbihis. I wear my shades at lumabas na sa kwarto ko.

Pagkalabas ko nandoon na si Leah, nag-iintay sa akin.

"O, good morning Sir!",bati nito.

"Good morning din. Mukha naman akong matanda kung Sir ang tawag mo sa akin. Ang mas gusto ko Dean......."

Kumunot naman ang noo niya habang prinoprocess ata sa utak niya ang sinabi ko.

"Okay, yan gusto mo. Dean!".pang-aasar niyang sambit.

"Let's go na! Naghihintay na si Manager sa atin."

Syempre assistant ko siya, siya lahat nagbuhat ng gamit ko. Hindi naman siya nagreklamo dahil yun talaga ang trabaho niya.

"Nandyan na pala kayo! Bilisan niyo na at hinihintay na tayo ng director!",rinig kong sigaw ni Manager.

"Ohh, Leah. Pakibukas nga ang pinto para sa akin...",utos ko sa kanya. Nakita na medyo nainis siya pero sinunod niya rin.

Makalipas ang kalahating oras ay nakarating na din kami sa location. Syempre nauna siyang lumabas at pinagbuksan ako ng pinto.

Dumiretso ako sa pwesto ko habang siya ay sumusunod.

"Oh, Dean may bago ka na pala na assistant, no? slave right?",sambit ng kapwa actor ko.

"Yeah....",maikli ko nalang sagot.

Nagsimula ang shooting. Si Leah naman nandoon at nanonood siya sa akin.

Yung reaction niya manghang-mangha siya sa akin.

"Dean! Focus!",sigaw sa akin ng director.

"Sorry!"

Nakakahiya.... Ngayon lang ako nadistract sa babae.

-----

"Okay, cut!"

Pagksabi ng director ay bumalik ako sa upuan ko.

"Ang galing mo naman!".rinig kong sabi niya.

"Talaga?!"

"Oo, ang galing! Ako nga hindi ko kayang gawin yun!"

"Thank you!" *blush*

"Bakit namumula ang mukha mo? First time mo lang ba makarinig ng puri?",pang-aasar nito kaya natauhan muli ako.

"Hindi noh! Madami na nagsabi sa akin!"

Sumimangot naman ako para tigilan na niya ako.

Medyo kinilig ako sa sinabi niya..... May ganun pala siyang katauhan. Akala ko kasi halimaw talaga siya. Hahaha!!!

❤Leah Alexandra Lavigne❤

Hay,, nakakapagod. Unang araw ko palang pagod na ako. Masyado kasing tamad magbuhat ng kahit man lang bag niya!

"Leah! Bago nga pala tayo umuwi, sasamahan mo ako sa Mall!"

"Huh?! Ano naman gagawin mo dun? Tsaka bakit naman ako sasama sayo?! Assistant mo ako hindi alila!!"

"Alila?! Ang pangit naman ng salitang yun dapat slave para naman sosyal."

Uminit naman ang ulo sa galit. Naisipan pa talaga yun ahh.

"Ewan ko sayo! Basta hindi ako sasama!"

Tumingin naman siya ng mariin sa akin. Nangunot naman ang ulo ko ng dahan-dahan siyang lumalapit sa akin.

"Dean! Ano bang ginagawa mo?!"

Hindi siya nagsalita at patuloy sa paglapit sa akin hanggang sa sumandal na ang likod ko sa dingding. Nagulat ako ng iniharang niya ang dalawa niyang kamay sa gilid ko.

"Dean!? Ano bang ginagawa mo?!"

"Sasamahan mo ako o hahalikan kita?"

"Nababaliw kana ba?! Hindi nga ako sasama!!"

"So, gusto mo makaranas ng halik mula sa akin?"

Aakma na sana ako na sampalin siya pero, bigla niya iniangat ang baba ko.

Sa sobrang lapit ng mga mukha namin isang maling galaw ko lang magdadampi na ang mga labi namin.

Iniwas ko ang mukha ko......

"Sasama na ako....",mahinang sambit ko.

"Hahahaha! Akala mo ba hahalikan kita?! Umasa ka!",sambit nito habang tumatawa ng malakas.

"Siraulo ka pala ehh!!"

"Pero atleast napapayag kita. At wala ng bawian....."

Kinagat ko nalang ang labi ko at sinamaan siya ng tinggin.

Shh! I'm their secret slave  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon