Chapter 30

119 5 0
                                    

-----

❄Dean Erich Fuentes❄
.
.
.
.

This is it! Ang araw ng kasal namin ni Leah. Ang araw na masasabi kong siya na talaga at wala nang iba pa. Ang araw kung saan magsisimula na kami bilang mag-asawa.

Nandito na ako sa altar, kinakabahan pero excited. Excited na makita siyang nakasuot na white dress habang lumalakad papalapit sa akin. Makita ang maganda niyang mukha at marinig ang kanyang vows sa akin.

It's a private wedding since ayoko na malaman nila mom at dad ang tungkol dito. Ayoko na merong sisira o hahadlang sa masayang araw na ito.

Nang malaman na nandiyan na siya ay nagsimula na ang kasal. Nakangiti naman ako habang pinapanood ang mga abay hangga't na siya na itong naglalakad.

Nakaplastar ang ngiti sa kanya at pati narin sa akin. Napakaganda niya. Siya na ang babaeng nakita ko na mala-anghel sa suot niya ngayon.

Hindi ko naman napigilan pang lumuha sa saya. Habang siya ay papalapit ng papalapit.

"Luv, ba't ka naman umiiyak. Naku kasal pa naman natin",yan ang bungad niya nang makarating na siya sa kinatatayuan ko.

Pinunasan ko naman ang mga luha ko at ngumiti. Inabot ang kanyang kamay at inalalayan siya sa pagharap sa altar at sa Maykapal.

"Bago natin simulan ang kasal na ito, may tumututol ba sa kasalang gaganapin?" pag-uumpisa ng pari. Wala namang tumutol dahil lahat sila ay sumang-ayon sa kasalan namin ni Leah.

"Kung wala ay sisimulan na natin ang kasalan nila Dean Fuentes at Leah Lavigne na soon to be Fuentes."

Napangiti naman kami ni Leah sa sinabi ng pari.

"Ikaw Dean, tinatanggap mo ba si Leah bilang asawa at kabiyak mo na makakasama mo sa hirap man o ginhawa hangga't sa paghiwalayin kayo ng kamatayan?"

"Yes father."

"Ikaw Leah, tinatanggap mo ba si De-"

"Itigil ang kasal!"

Nagulat kami sa sigaw na nagpapigil sa pari ng kanyang sasabihin. Nilingon ko naman ito at nakita ko si mom. Nagulat ako. Paano niya nalaman?

"At sino ka para itigil ang kasal na ito?" tanong ng pari.

"Ako lang naman ang ina ng lalaking papakasalan ng babaeng yan!"

"Ina?" napabaling ang tinggin ko kay Leah na ngayon ay umiiyak.

"Luv......" sambit ko.

"Luv, anong ibig sabihin nito? Tutol ang magulang mo sa kasal natin! Kaya pala ni isang beses ay hindi mo man lang sila pinakilala sa akin",mangiyak-ngiyak niyang sambit.

"Luv, let me explai-",naputol ang sasabihin ko nang nagsalita muli si Mom.

"Wala na siyang dapat ipaliwanag pa! At ikaw ay hindi karapat-dapat sa anak ko! Isa ka lang hamak na mahirap na inakit ang anak ko ng dahil sa pera! Kaya tumututol ako sa kagustuhan niyong ikasal!"

"Mom! Wag mong pagsalitaan si Leah ng ganyan. At hindi niyo mapipigilan pa ang kasal namin!" galit kong sigaw sa kanya.

"Luv, ituloy na natin ito. Wag mo na siyang pansinin. Isipin mo na para rin ito sa ating dalawa",sambit ko. Napatango naman si Leah, alam ko na mahal na mahal niya ako at ganun din ako sa kanya.

"Hindi pwede! Boys! Kunin niyo si Dean!" sambit niya at pumasok ang mga naglalakihang lalaki. Lumapit sila sa amin. Prinotektahan ko naman si Leah at hinawakan ang kamay niya ng mahigpit.

"Lumayo kayo sa amin! Hindi niyo kami mapipigilan sa gusto namin!" sigaw ko.

Hindi naman sila nakinig. Pinilit nila akong kunin at inilalayo kay Leah.

❤Leah Alexandra Lavigne❤

"Dean!!" sigaw ko habang pilit na kumakapit sa kamay niya.

"Bitawan niyo sila!!" rinig kong sigaw ni Hanel. Lalapit na sana siya para tulungan kami ng tutukan siya ng baril kaya bahagya siyang napaatras.

"Leah!!! Bitawan niyo ako!!!" sigaw ni Dean. Binitawan niya ang kamay ko at kumawala sa pagkakahawak sa kanya nung lalaki.

Sinuntok niya ito ng sinuntok. Lumaban naman ang isa at sinuntok niya parin ito. Lumaban siya ng lumaban. Habang ako naman ay pilit na pumipiglas sa kamay na nakayakap sa akin.

Nagulat ako ng tinamaan siya sa mukha. Sa malakas na impact ay dumugo ang bibig at ilong niya.

"Luv!!" tanging sigaw ko kalang. Hindi naman siya tumigil at pilit na kinakalaban ang mga ito. Hangga't sa hindi na kaya ng katawan niya.

"Luv!!! Dean!!! Please maawa kayo sa kanya!!!" sigaw ko. Tumingin naman ako sa mommy niya na ngayon at tilang natutuwa pa sa nangyayari.

Nang magawa kong makatakas ay agad ako pumunta kay Dean na ngayon ay nakahandusay na sa sahig.

"Luv........ Please wag kanang lumaban pa. Nasasaktan ka lang....." sambit ko habang sinisilayan ang mukha niyang puro bugbog at pasa.

"H-hindi a-ako titigil. Ipaglalaban k-kita. A-ayoko na mawala ka pa sa akin",pilit niyang sambit kahit alam kong nasasaktan na siya.

Pinilit niyang tumayo pero hindi naman niya nagawa at napasalampak muli sa akin.

Ang sakit-sakit na makita siyang ganito. Ba't ba nangyayari sa aming dalawa ito? Paano nakakayanan ng isang ina na makita ang anak nilang nasasaktan ng ganito?

"Kunin niyo na siya!" rinig kong utos ng mommy niya dito.

Itinayo naman siya. Akala ko okay na ang lahat ng bigla siyang muling lumaban. Pero siya lang ang nasasaktan.

Agad naman akong tumakbo papunta sa mommy niya at lumuhod sa harap nito.

"Please, nagmamakaawa po ako. Patigilin niyo na po sila, nasasaktan na po ng sobra si Dean. Nagmamakaawa po ako sa inyo. Itigil niyo na po ito."

"Iha!" rinig na tawag sa akin ni tita cathy.

Bumaling naman ang tinggin ko kay Dean na ngayon ay wala nang malay.

"Pumapayag na po ako sa kagustuhan niyo. Ititigil ko na ang kasalan na ito basta wag niyo na pong sasaktan si Dean. Lalayo na po ako sa kanya",hagulgol kong sambit.

"Magaling! Natutuwa naman ako na naiintidihan mo ang kagustuhan ko. Hindi ikaw ang nararapat sa kanya. Boys! Buhatin niyo na siya. Ingatan niyo",sambit nito at umalis na.

Iniangat ko naman ang ulo ko kasabay nun ang pagsulyap ko kay Dean na ngayon ay papalayo na sa akin.

"Iha!",tawag sa akin ni tita cathy at niyakap ako. Doon na lalong bumuhos ang sakit na naramdaman ko. Bakit ba humantong ang lahat sa ganito? Bakit kailangan pang mangyari ito?

Narinig ko naman silang nagsasalita. Habang ako ay patuloy sa pag-iyak at hindi ko na maalala pa ang sumunod na nangyari.

❄Hanel King Monterey❄

Nagulat kami ng nawalan ng malay si Leah. Agad naman siyang binuhat ni Patrick para dalhin sa kotse at iuwi sa bahay.

Sobrang galit ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko akalain na gagawin yun ng ina mismo ni Dean. Ano ba ang dahilan para gawin niya ito sa kanila?

Naiinis ko dahil nag-aalala ako para kay Dean lalo na't kay Leah. Sabihin ko mang wala na akong nararamdaman para kay Leah ay importante parin siya sa akin.

"Hanel, anong gagawin natin?" narinig ko namang tanong sa akin ni Kellyanne.

"Hindi ko alam, atsaka hindi natin alam ang tumatakbo sa utak ng ina ni Dean",sagot ko.

"Naawa ako para sa kanila..."

"Ako din lalo't na mahal na mahal nila ang isa't isa. Pero gagawin ko ang lahat maibalik lang si Dean kay Leah."

Sumakay naman na kami sa kotse at dumiretso sa mansion.

Shh! I'm their secret slave  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon