-----
❄Dean Erich Fuentes❄
.
.
.
.Minulat ko ang mga mata ko nang masilawan ako sa liwanag ng araw na tumama sa akin. Umupo ako at nakita kong wala na sa kama si Leah. Napatayo naman ako para hanapin siya ng bigla bumukas ang pinto.
"Gising kana pala. Good morning!",bati niya mula sa pinto.
"Good morning din. Saan ka nanggaling?",tanong ko habang dumidiretso sa banyo para maghilamos.
"Nagpakuha ako ng breakfast nating dalawa. Tsaka bilisan na daw natin at magsisimula na naman ang shooting niyo",sambit niya sabay upo sa sofa.
Pagkatapos ko maghilamos ay dumating na din yung caiter ay pinasok ang breakfast namin.
"Thank you po!",pagpapasalamat ni Leah dito. Umupo na ako at nagsimula na kaming kumain. Kape ang sa kanya habang sa akin naman ay tsaa. Hindi kasi ako mahilig sa kape ehh. Opposite kami lagi.
"Tapos na ako. Mauuna na akong maligo ahh",pagpapaalam niya. Tumango naman ako at nagpatuloy sa pagkain.
Pagkatapos niya maligo ay iniwan na niya ako at nauna na siya sa location. Naligo naman agad ako para makasabay sa kanya.
Pagkatapos ko ay agad akong lumabas dala ang ilang gamit na naiwan niya. Dali-dali akong tumakbo para maabutan siya pero hindi ko siya nakita. Kaya naglakad nalang ako para hindi ako mapagod pagdating doon.
"Dean!!!",narinig kong sigaw ni manager kaya napukaw ang tinggin ko sa kanya. Tuminggin tinggin naman ako at hinahanap si Leah pero hindi ko siya nakita.
"Dean!! Bakit ngayon ka lang? At bakit nag-iisa ka huh? Nasaan si Leah?",takang tanong ni manager kaya naguluhan ako.
"Ano?! Wala pa ba siya dito? Nauna siya sa akin kanina ehh. Kaya nga hinabol ko siya kaso hindi ko naabutan kaya inakala kong nandito na siya!",pagpapaliwanag ko.
"Pero wala pang dumadating na Leah dito",sambit niya kaya lalo akong kinabahan ng sobra.
"Ibig mong sabihin.....nawawala siya?",taka ko.
"Hindi ko alam. Kayo ang magkasama diba? Hindi mo alam kung nasaan siya?"
"Magtatanong ba ako kung alam ko!!",galit na sigaw ko sabay sabunot aa buhok ko. Dammit! Kung pinigilan ko siya kanina edi sana hindi siya nawawala ngayon. Ano ba kasing pumasok sa utak ng babaeng yun na umalis mag-isa na hindi pala alam ang location.
"Hindi pa ba tayo magsisimula?",narinig kong inis na sambit numg director. Lumapit ako sa kaniya.
"Hindi tayo magsisimula hangga't hindi ko nakikita ang assistant ko!",galit kong sambit sa kanya. "Hayaan na muna natin yung assistant mo, kailangan na nating magsimula!",sambit niya kaya lalo akong nainis.
"Hayaan?! Tao ka ba?! Hindi mo ba alam na baka naligaw siya o kaya nasa panganib siya ngayon?! Puro nalang yan ang nasa isip mo! Hindi ako aarte, hahanapin ko siya!!",sigaw ko sa kanya kaya hindi na siya umimik. Tumakbo na ako para hanapin siya. Hindi ko ipagpapalit ang kaligtasan niya sa wala namang kwenta na palabas!
Leah!!!
Leah!!!
Nasaan ka?!?!
Sumagot ka kung naririnig mo ako!!!
Leah!!!
Sunod-sunod kong sigaw na umaasa na marinig niya ako. Na sasagot siya sa tawag ko.
❤Leah Alexandra Lavigne❤
Nasaan na ba ako?! Napakataas naman kasi ng pride mo Leah kaya yan naliligaw ka ngayon! Parusa sayo yan!
Tulong!!!
BINABASA MO ANG
Shh! I'm their secret slave [COMPLETED]
RomanceLeah Alexandra Lavigne, naulila sa kinalakihang magulang. Lumayas sa kanyang tita dahil sa hinding magandang trato sa kanya. Natanggal sa trabaho dahil kinuntsamba ng tita niya. Habang naghahanap nang matitirhan ay nakilala niya si Dean Erich Fuent...