Chapter 15

147 2 0
                                    

-----

❄Hanel King Monterey❄
.
.
.
.

Hindi ko alam kung bakit nakakadama ako ng selos kay Dean. Since lagi silang magkasama ay mas lalo silang nagkakadevelopan. Tas ngayon sila ang magkasama. Namangha ako ng makita ko si Leah. Napakaganda niya. Hindi ko akalain na mahuhulog ako ng lubos sa kanya sa araw na ito. Pero ayaw ko naman agawan ang bestfriend kong si Dean. Mas maganda nalang siguro na balewalain ko nalang ang nararamdaman ko sa kanya.

Nagsimula naman na ang celebration nang makarating na lahat ng bisita. Umupo naman na kami. Sa iisang table kaming pito. Syempre magkatabi sila Dean at Leah. Hindi ko talaga maiwan na hindi magselos. Pero una lang naman ito at mawawala rin.

"Good evening ladies and gentlemen. We glad that all of you consider our invitation for celebrating this 2nd Anniversary of this hotel. I hope you can enjoy spending your night here!  Thank you!!"

Pagkatapos nun ay nagsimula na ang party. May nagpapatugtog na banda kaya mas ginanahan ang mga bisita. Sumayaw naman sila pagsabay sa kanta.

Ang ilan naman ay kumain at umiinom ng wine. They seems having fun. Ibinaling ko naman ang sarili ko sa gawi nila Leah. Nakita ko naman na masaya siya since pinapatawa siya ni Dean. Mukhang wala na talaga akong pag-asa sa kaniya.

"Hanel! Tara kuha tayo ng wine!",yaya sa akin ni Patrick kaya sumama naman ako.

❤Leah Alexandra Lavigne❤

Nakaupo naman kami sa table na nakaatas sa amin. Katabi ko naman si Dean. Dahil nga hindi ako sanay sa mga ganito ay pinapatawa naman niya ako para gumaan ang nararamdaman ko.

"Leah, can I have a dance with you?",nagulat naman ako ng yayain niya ako sumayaw kasama siya. "Ayoko, tsaka hindi ako marunong kaya wag na lang",pagdadahilan ko. Pero hindi niya pinakinggan iyon at itinayo ako. Dinala niya ako sa dance hall at inilagay ang kanyang kamay sa aking bewang habang ang isa niyang kamay ay nakahawak sa akin.

"Don't worry, I'm here to guide you. Just follow me okay?",sambit niya kaya tumango nalang ako bilang sagot. Ipinatong ko naman ang isa kong kamay sa kanyang balikat at nagsimula na siyang sumayaw. Nagtiwala naman ako at sinundan siya. Habang tumatagal ay nagugustuhan ko na ang ginagawa namin. Napangiti naman siya nang malaman niyang nag-eenjoy na ako.

"Sabi ko naman sayo na matuto ka ehh, nandito naman ako para sayo. Lahat gagawin ko para gumaan ang loob mo",sambit niya na may halong pagmamahal. Naramdaman ko naman na uminit ang pisnge ko at kumakabog ang puso ko. Hindi ko akalain na ganito siya ka sincere sa akin.

Nagpatuloy naman kami sa pagsayaw at nang makaramdam naman ako ng gutom ay ibinulong ko ito sa kanya kaya bumalik na kami sa kinauupuan namin. Niyaya namin sila Clinton kaya sabay-sabay kaming kumuha ng kakainin namin.

Namangha naman ako sa mga pagkain na nakikita ko. First time lang ako makakakain ng mga iba't-ibang klase ng seafoods! Agad naman ako lumapit dala ang plato na kinuha ko at nagsimula na ako kumuha.

"Dahan-dahan ka nga Leah. Mamaya hindi mo naman maubos yan o kaya allergic ka sa mga isa diyan",pagpapaalala niya sa akin. Ngumiti nalang ako at nagpatuloy sa pagkuha.

Napukaw naman ang mata ko sa wine na nakadisplay. "Dean, pwede din ba tayo kumuha?",tanong ko habang nakaturo doon. Napatawa naman siya at tumango. Nagpalagay ako at nagpasalamat. Then bumalik na kami sa table namin.

Kumain naman ako agad dahil gutom na talaga ako. Ansarap naman pala! Nakakatuwa naman. Tinikman ko naman yung wine. Medyo pumait ang itsura ko pero kalaunan ay nasarapan naman ako.

❄Dean Erich Fuentes❄

Nahalata ko naman na na-enjoy ni Leah ang pagkain niya. Mukha tuloy siyang bata na nakatanggap ng maraming candies. Nagpatuloy naman ang party. Nagsaya ang lahat at kasama na siya doon. Hindi ko naman namalayan na nakakailang baso na siya ng wine. Ngayon kita ko sa mukha ang pamumula ng dahil doon.

Mukha naman siyang lasing na. Umubos parin siya ng isa pa tsaka pinatong ang ulo niya sa mesa. Hinubad ko naman ang suit ko at ipanatong sa balikat niya. Medyo lumalamig na kasi.

Nagulat ako ng kumapit siya sa kamay ko. Inangat naman niya ang ulo niya at tumingin sa akin. Napailing nalang ako ng malamang lasing na siya. Hayy, andami kasing ininom kahit unang beses niya palang.

"Dean...... San ka pupunta huh?",tanong niya habang nakakapit parin aa akin. Hindi naman ako tumugon sa kaniya kaya kumunot ang noo niya. "Sabi ko, saan ka pupunta?!",tanong niya na may halong frustration. Natawa nalang ako at nilapit ang mukha ko sa kanya. Nagulat naman siya na makita kong nanlaki ang mata niya at lalong namumula ang pisngi.

"Bakit, ayaw mo ba na iwan kita?",tanong ko. "Ayaw.... Dito ka lang! Mamaya harutin ka diyan ng mga babae!",sambit niya na ikinangiti ko ng todo. "Bakit naman nila ako haharutin ehh sayo lang naman ako",malambing kong sabi na nakita kong kinilig naman siya. "Kahit na! Sa akin ka lang!! Tandaan mo yan!!",suway niya na nagpakilig naman sa akin. Inaangkin na niya ako. Ibig sabihin may nararamdaman din siya para sa akin.

"Hayy, lasing kalang. Halika na para makapagpahinga kana",yaya ko sa kanya. Ilang minuto ang lumipas ng bago siya tumugon. Inilahad niya ang dalawa niyang braso na naghahangad na buhatin ko siya. Ang cute niya naman paglasing, nakakatuwa siyang pagmasdan ngayon. Since gusto niya yun, her wish is my command! Binuhat ko at narinig ko naman na tumawa siya.

Nakita ko naman na napukaw ang pansin ng lahat sa aming dalawa. May narinig naman akong tilian.

"Hay, sana ako nalang po!"
"Ang swerte naman niya!"
"Dean, mahal. Ako nalang!"

Ilan lang iyang sa mga narinig ko. Habang yung ibang lalaki na nais siyang lapitan ay nawalan ng opportunity kaya masama ang tinggin sa akin. Hindi ko naman sila pinansin at diretsong pumunta sa room namin. Nagpaalam naman na ako kila Clinton.

Gumamit ako ng elevator. Nakakapit naman si Leah sa akin ng maigi. Pagbukas ng elevator ay lumabas na kami. Naglakad na kami sa pintuan ng room namin. Kinuha ko naman mula sa bulsa ko ang susi. Binuksan ko naman ito at nilock pagkapasok.

Inihiga ko na siya. Kahit na gustuhin ko mang palitan ang suot niya ay hindi ko magawa since babae siya. Kaya kinimutan ko nalang siya at kumuha ng basang towel at pinunasan siya para mahimasmasan siya.

"Mama.....",bigkas ng kanyang bibig. Siguro na mimiss na niya ito. Nagpalit na muna ako at pagkatapos ay tumabi sa kanya. Nang maramdaman niya ang presence ko ay niyakap naman niya ako.

"Dean....wag mo kong iiwan ahh",sambit niya. Napangiti naman ako at hinalikan siya sa noo.

Shh! I'm their secret slave  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon