Chapter 2

317 4 0
                                    

-----

Chapter 2

❄Clinton Yoshi Salvador❄
.
.
.
.

Hello, my name is Clinton Yoshi Salvador. Ako pinakabata sa aming magtotropa. Since naisipan namin na magsama ay napili namin itong mansion ni Dean.

May kanya-kaniya kaming kwarto. Ako lang lagi ang naiiwan dito since writer naman ako. Lumalabas lang ako kapag ipupublish ko na ang gawa ko.

Masaya ako dahil na aappreciate ng mga tao ang gawa ko. Malaki din ang pasasalamat ko kay Dean dahil siya ang naghikayat sa akin na magpatuloy at ipakita ang talento ko.

Ako rin ang tagaluto at tagalinis. Umalis na kasi ang katulong dahil nga nakakaangat narin siya sa buhay sa tulong syempre namin.

Kahit na laki ako sa mayamang pamilya, marunong ako ng mga gawaing bahay dahil ako ang panganay.

"Clinton! We're home!"

Nagulat ako dahil biglang sumigaw si Patrick. Ang ingay niya talaga pero wala akong magagawa dahil instructor siya.

"Nandito na pala kayo! Good evening! Magpalit na kayo at lalamig na ang niluto ko."

Pagkasabi ko sabay-sabay naman sila nagsiakyatan at sinunod ang sinabi ko. Para tuloy akong nanay nila.

Umakyat ako sa room ni Dean para ipaalam sa kaniya na nakauwi na sila. Kumatok ako pero walang sumasagot.

"Dean, papasok ako...."

Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko siyang nakahiga sa kama niya. Siguro pagod siya kaya nakatulog. Pero dapat siya kumain muna bago matulog.

Gigisingin ko na sana siya ay biglang tumunog ang phone niya. Tinignan ko kung sino ang tumawag at manager niya ito.

[Hello?]

[Ahh, ikaw pala yan Clinton. Pwede ba ibigay mo kay Dean ang phone may importante lang akong sasabihin.]

[Okay...]

"Dean!! Tumatawag ang manager mo!"

Nagising naman siya. Agad ko binigay ang phone niya sa kanya.

"Sige Dean, pagkatapos ng usapan niyo bumaba kana at kakain na tayo."

Tumango naman siya at lumabas na ako.

❄Dean Erich Fuentes❄

[Hello, ano na balita?]

Panimula ko...

[Nandito siya ngayon sa isang bench kung saan ang mga sakayan ng jeep. At doon siya natutulog]

Bigla akong nag-alala

[So wala talaga siyang inuuwian. Pilitin niyo siyang kunin. Kapag pumalag alam mo na. Basta dalhin mo siya dito sa mansion]

[Sige, masusunod!]

Binaba na niya ang tawag at lumabas na ako ng kwarto dahil kakain na kami.

"Sorry sa kanya, mapipilitan siyang maging assistant ko......",sambit ko habang nakangisi.

"Oh dean, bilisan mo na ang pagbaba diyan! Malapit na kami matapos kumain!",parangal sa akin ni Patrick.

"Kahit kailan talaga, ang lakas ng boses mo!",pagpapasaway ko sa kanya.

❤Leah Alexandra Lavigne❤

Hay, wala akong magawa kundi ang manatili nalang sa bench na pinaghihintayan ng mga tao kapag sasakay ng jeep.

Pero pakiramdam ko may sumusunod o may nakatingin sa akin. Pero alam kong guni-guni ko lang yun.

Inaantok narin ako kaya umupo ako at sumandal sa poste. Pinikit ko ang mga mata ko at unti-unti na ako hinila ng antok.

⚛️Dean's Manager⚛️

Sa wakas, may pagkakataon na kami kidnapin siya at dalhin sa mansion. Ewan ko ba kunv bakit namin ito ginagawa pero nasa kanya na kasi ang katangian na kailangan namin.

Halata naman sa katawan niya na kaya niyang magbuhat ng mga gamit na mabibigat.

Dahan-dahan kaming lumapit. Binuhat siya nung driver ni Dean. Pagkabuhat dito ay nagising ito.

"Hoy, anong ginagawa niyo?! Bitawan niyo ako!! Tulong!!! Kinikidnap ako!!!",sigaw nito kaya pinaamoy ko siya ng pampatulog.

"Sorry",yan na lang ang nasabi ko.

Dinala na namin siya sa kotse at pumunta na sa mansion ni Dean.

-----

"Nandito na tayo",banggit nung driver. Nauna siyang bumaba at iniabot ko sa kaniya ang babaeng ito.

Binuhat niya ito papunta sa loob. Tumawag ako kay Dean para ipaalam na nandito na kami.

Binuksan niya ang pinto at sinalubong kami. Nagsitinginan naman ang mga boys sa loob at halata sa mukha nila ang pagtataka.

"Dalhin mo siya sa isang kwarto",pag-uutos ni Dean kaya sumunod naman yung driver.

"Dean,sino siya?"
"Oo nga, tsaka wala pa siyang malay. Kinidnap mo ba siya?"
"Maganda siya ahh!"
"Tumigil ka nga Patrick",pagsuway ni Hanel sa kanya.

"Kumalma lang kayo guys. Siya ang magiging bagong assistant ko. At dito rin siya mananatili sa mansion dahil wala itong matutuluyan",pagpapaliwanag ni Dean sa kanila.

"Ibig sabihin mo Dean, mahirap ang babaeng iyon?",takang tanong ni Clint.

"Tama! Pero may potencial siya bilang assistant ko kaya wag na kayong magtaka pa",sambit ni Dean kaya wala nang umimik.

❄Dean Erich Fuentes❄

Hay, dapat sinabi ko muna sa kanila para hindi sila patanong tanong.

Pumunta ako sa kwarto kung saan siya nakahilata. Syempre pumasok ako, ako kaya may-ari nito.

Tumabi ako sa kanya at humingi ng tawad sa pinagawa ko sa kanya kung naririnig man niya ako.

Lumabas na ako at pumunta sa kwarto ko dahil inaantok narin ako at maaga pa ako bukas.

Shh! I'm their secret slave  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon