-----
❤Leah Alexandra Lavigne❤
.
.
.
.Kinuwento naman ni Mama ang lahat. Sa una syempre medyo naguluhan ako pero masaya ako na malaman ang totoo.
Medyo nabuhayan naman ako ng kahit kunti dahil nandito si Mama sa tabi ko. Hinihintay nalang namin sila Clinton para ipaalam sa kaniya na magkapatid kami.
"Anak, halika na dito para makakain na tayo lalo na ikaw."
Tumayo naman ako at pumunta sa lamesa. Umupo ako at katabi ko si Mama. Ang swerte ko dahil siya ang biological mother ko.
Pero hindi mawawala sa akin ang lungkot at pag-aalaa para kay Dean. Gustuhin ko man na sumama para hanapin siya ay hindi ko magawa dahil pabigat lang ako para sa kanila.
"Anak, wag ka nang mag-aalala. Mahahanap din natin si Dean. I'm sure na hindi tayo bibiguin nila Hanel."
Napangiti nalang ako at nagsimula nang kumain. Maya-maya ay dumating na sila. Tumayo ako para salubungin sila at tanungin.
"Hanel!" sigaw ko habang papalapit.
"Leah....."
"Ano? May alam na ba kayo kung saan siya ngayon?"
"Sorry leah, pero hindi parin namin nalalaman kung nasaan siya. Pero patuloy parin ang mga private investigator na kinuha namin."
Nalungkot naman ako, pero dapat hindi ako mawalan ng pag-asa dahil hindi lang naman ako ang naghihintay sa kanya.
"Clinton!" napalingon naman kami kay Mama.
"Mom! Nandito pala kayo....."
"Son, may balita ako sayo...."
"Ano po iyon Mom?"
"Si Leah, siya ang nawawala mong ate....."
Nakita naman namin ang gulat sa mukha nila.
"ATE?!" sambit nilang apat. Nahalata ko naman na hindi nagulat si Clinton kundi may luhang namumuo sa kanyang mga mata.
"Ate....... Sabi ko na nga ikaw yun ehh......"
Bigla naman niya ako niyakap at umiyak. Napaluha naman din ako at niyakap siya ng mahigpit. Sumama naman si Mama sa yakap namin at sumabay din sila.
-----
"Hindi parin ako makapaniwala! Akalain mo yun, magkapatid pala kayo! Ang liit talaga ng mundo!" sambit ni Patrick.
Napatawa naman kami dahil ang ingay-ingay niya parin.
❄Dean Erich Fuentes❄
Nagpanggap naman ako na tanggap ko na ang kasal na nais nila. Naisipan ko na ito na ang natatanging paraan para makatakas ako.
Inayusan naman nila ako. Tinakpan ang pasang makikita sa aking mukha. Iniisip ko parin kung bakit natanggap ng Misely na yun ang kasal na ito.
Bakit niya hinahayaan na diktahan siya ng magulang niya pagdating sa mga ganitong bagay.
Nang matapos na silang ayusan ako ay pumasok ang walang hiya kong ina.
"Sabi ko na nga ba at tatanggapin mo rin ang nais namin",masayang sambit niya. Nagpilit naman ako ng ngiti para hindi niya ako pagdudahan.
"Boys, kunin na siya at dalhin sa sasakyan at makarating na tayo sa simbahan",utos niya sa mga bata niya. Aakma naman silang hawakan ako ng magsalita ako.
"Hindi niyo na ako kailangan pang hawakan dahil kaya kong maglakad",sambit ko. Pinalibutan naman nila ako at naglakad na kami.
Sumakay kami sa isang van. Hindi naman matagal ang naging byahe kaya nakarating na agad ako. Pagpasok ko ay wala man lang bisita ni isa at pari lang ang nasisilayan ko.
Dumiretso naman ako doon sa may altar. Pag natapos ang kasal nito ay doon ko na gagawin ang pagtakas.
Maya-maya ay dumating na yung Misely. She's wearing a simple white dress. Halata sa mukha niya ang lungkot. Ibig bang sabihin nito, pinilit din siya.
Nakarating naman na siya sa harap ko. Tinignan ko siya sa kanyang mga mata. Ang lungkot na nakikita ko sa mata niya ay para ding sa akin.
"Ikaw si Dean diba?" tanong niya.
"Yes, ako nga....."
"Pinilit karin ba nila?"
"Oo, at pumayag lang ako dahil ito ang pagkakataon ko na tumakas."
Napangiti naman siya ng mapait.
"Maganda yan. Maya-maya dadating ang boyfriend ko para itakas ako. Kailangan lang natin magpanggap hanggang sa dumating siya."
Nagulat naman ako sa sinabi niya. So, hindi niya rin tanggap ang kasal na ito.
-----
Nasa kalagitnaan na kami ng kasal na may sumigaw.
"Itigil ang kasal!!"
Napalingon kami pareho ni Misely. Nakita ko naman na ngumiti Misely.
"Gerald!!" sigaw niya at tumakbo palapit dito. Natigilan naman siya ng tutukan ng baril ng tatay niya ang boyfriend niya.
"Papa!! Itigil mo na ito!! Si Gerald ang mahal ko!!"
"Hindi! Wala kang mapapala sa isang katulad niya! Para sayo din itong ginagawa ko!"
"Hindi!! Nagpapasilaw kayo sa pera!! Hindi niyo inisipa ang kapakanan ko!!"
Nang dahil sa galit ng tatay nito ay nagpaputok ito na umalingasaw sa loob ng simbahan. Nakita ko naman na tumakbo ang pari.
Habang nakatuon ang lahat sa kanila ay ito na ang oras na hinihintay ko. Makakatakas na ako...... Makakasama ko na muli si Leah....
Tumakbo ako ng biglang ako napatigil na umalingasaw ang pangalan ko.
Napalingon naman ako at nakatutok ang baril sa akin. At mismong tinuring kong ina ang papatay sa akin. Pinutok niya ito habang ako ay patuloy sa pagtakbo pero napantanto ko na tatama ito sa akin.
Napapikit nalang ako at hinintay na tumama ito sa akin.
*bang!*
"Misely!!!"
Napadilat naman ako ng marinig ko ang sigaw na iyon. Nakita ko naman si Misely na nakahandusay sa sahig at naliligo sa sariling dugo.
Lumapit ako sa kanya kasabay ng paglapit sa kanya ng boyfriend niya.
"Misely, why? Ba't mo ako iniligtas?" takang tanong ko.
"A-alam kong may b-balikan ka pa. A-ayoko naman na makita ka niyang wala ng buhay pagbalik mo sa k-kanya."
"Pero, paano ka?"
Napangiti naman siya at minasdan ang mukha ng kanyang boyfriend.
"M-masaya na ako dahil sa huli ay n-nakita at n-nakasama ko siya. "
"Wag kang magsalita ng ganyan Misely.... paparating na ang ambulansya. Magkakasama pa tayo ng matagal."
Dumating naman na ang mga police at ambulansya. Hinuli nila si Mom at pati narin ang Dad ni Misely.
"No!! Dean, tulungan mo ako!! Ayoko kong makulong!!" pagmamakaawa ni Mom sa akin.
Hindi ko naman na siyang tinitigan pa at hinayaan siyang hulihin ng mga police.
Napangiti nalang ako at nilapitan ako ng mga police. Tinanong nila ako sa mga pangyayari at nakita ko naman na isakay si Misely sa ambulansya kasama si Gerald.
"Makakasama na ulit kita luv......"
BINABASA MO ANG
Shh! I'm their secret slave [COMPLETED]
RomanceLeah Alexandra Lavigne, naulila sa kinalakihang magulang. Lumayas sa kanyang tita dahil sa hinding magandang trato sa kanya. Natanggal sa trabaho dahil kinuntsamba ng tita niya. Habang naghahanap nang matitirhan ay nakilala niya si Dean Erich Fuent...