Chapter 24

112 3 0
                                    

-----

❄Clinton Yoshi Salvador❄
.
.
.
.

Nandito kami ngayon sa mansion since napag-isipan namin na magcelebrate para sa magandang feed back ng novel na ginawa ko. Kasabay narin ng paglabas ni Hannah sa hospital at sinundo siya ni Hanel papunta dito.

Nagluto kami ni Leah ng makakain namin. Habang nagluluto kami ay biglang niyakap ni Dean si Leah mula sa likod.

"Luv, nagluluto kami. Mamaya kana maging clingy diyan",suway ni Leah dito.

"Oo nga naman Dean. Napakalandi mo",dagdag ko ng pabiro. Nakita ko naman siyang sinamaan ako ng tinggin.

"Ayoko, tsaka walang makakapigil sa akin",sambit niya. Hinayaan naman na siya ni Leah kaya bumalik narin ako sa ginagawa ko.

"Ang bango naman niyan!!",puri ni Patrick na ngayon pumapapak na kaya pinalo ko ang kamay niya.

"Tumigil ka nga Patrick!! Nakakadiri ang ginagawa mo",galit na suway ko at napanguso nalang siya.

"Oo nga naman Patrick. Mamaya puno na yan ng laway mo",pang-aasar ni James dito sabay hila papunta sa sala.

Nang matapos na kami magluto ay saktong pagdating ni Hanel. Lumabas naman si Leah para salubungin ito lalo na si Hannah. Sumunod naman ako at nagulat dahil kasama niya yung nurse.

"Hannah!" bati ni Leah sabay yakap dito.

"Hello po ate Leah."

"Halika na sa loob. Marami kaming iniluto para sayo."

"Okay po!"

Pumasok naman sila. Lumapit ako kay Hanel na ngayon ay papasok narin sa loob.

"Hello!" bati ko dun sa nurse na nililigawan ni Hanel.

"Hello, nice to meet you again. Sana okay lang sa inyo na sumama ako. Pinilit lang ako ni Hanel",sambit niya.

"Okay lang. Tsaka ikaw naman ang nililigawan ni Hanel ehh kaya okay lang. Pumasok na tayo",yaya ko at pumasok na kaming tatlo.

Pagpasok namin ay nagsimula na sila magsaya sa loob. Binati naman nila si Kellyanne at doon ay nagsimula na kaming magcelebrate.

Kumuha kami ng mga litrato at napag-isipan na uminom ng beer since matagal narin ng ginawa namin yun. Kahit na hindi ako sanay uminom nun at pinipilit ko din.

Nagtimpla naman si Leah ng juice kasama si Hannah kaya ngayon nakabusangot si Dean habang nakatinggin sa kanila.

❤Leah Alexandra Lavigne❤

Kasama ko si Hannah na magtimpla ng juice since gusto niya rin uminom. Tuwang-tuwa ako sa kanya dahil para ko na siyang kapatid since na makilala ko siya.

Napansin ko naman na nakatinggin si Dean sa amin. Tinignan ko naman siya at nakitang nakabusangot ito.

"Anong mukha na naman yan?" tanong ko. Lumapit naman siya at nagpangalumbaba sa mesa.

"Para kasi kinalimutan mo na ako"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Nagseselos po kasi siya ate Leah", singgit ni Hannah kaya napatawa nalang ako.

"Hahahaha, nagseselos ka sa bata?",nakakaloko kong tanong sa kanya. Napataas naman siya ng kilay sabay sinunggaban ako ng halik sa labi.

Pagkatanggal niya ay binatukan ko siya.

"Aray!"

"Tarantado ka talaga Dean! Alam mong may bata dito",galit na suway ko sa kanya.

"Naku, okay lang yun para kay Hannah. Diba?" tanong niya dito at tumanggo ito bilang pagsang-ayon.

"Kahit na!",galit kong saway at natapos na sa pagtimpla ng juice. Naglagay ako sa isang baso para kay Hannah.

Siya naman ang nagdala ng pitchel doon at mga beer. Sinabihan ko naman siya na wag uminom ng marami.

Umupo naman na ako sa tabi niya at tumabi rin sa akin si Hannah. Nagsimula na nilang buksan ang mga bote ng beer.

"Luv, inom ka rin oh",pagyaya sa akin ni Dean. Tumanggi naman ako pero pinilit niya ako kaya wala akong choice.

"Unti lang",sambit ko. Tumango-tango naman siya at nagcheer yung mga loko. Ininom ko naman at napaitan ako kaya tumawa sila. Sinamaan ko nalang sila ng tinggin at naramdaman kong uminit ang pisngi ko.

"Ate leah, namumula ka",sambit sa akin ni Hannah tsaka hinawakan ang mga pisngi ko.

"Mainit noh?",tanong ko at tumango lang ito.

Makalipas ang ilang oras....

❄Dean Erich Fuentes❄

Hayst, sabi niya wag daw ako iinom ng marami ehh siya itong nakadapa na sa sahig at kung ano-ano ang sinasabi.

Nakatulog naman si Hannah kaya binuhat ko muna siya para idala sa isang kwarto na hindi pa nagagamit. Malinis naman iyon dahil linilinis ito ni Leah.

Pagbaba ko ay nakita ko naman siyang pagulong-gulong-gulo sa sahig. Napatawa nalang ako sa ka cute tan niya.

Lumapit naman ako at kinausap siya.

"Ba't ka pagulong-gulong-gulo diyan?",tanong ko. Tumigil naman siya at tumitig sa akin. Umupo siya sabay inihagis ang katawan niya sa akin kaya napahiga ako sa sahig.

"Ikaw! Sino ka huh?",tanong nito sa kawalan.

"Ayy, nalasing ka lang nakalimutan mo na ako",tampo ko. Kumunot naman ang noo niya at tinitigan akong mabuti.

"Ahh, ikaw...... hahahaa ikaw shi luv diba?",nakangiting sambit niya. Magsasalita na sana ako ng bigla niya akong halikan pero napangiti nalang din ako sa ginawa niya.

"Ang sharap naman ng labi mo luv",sambit niya kaya napatawa nalang ako. Parang mas gusto ko nalang siyang ganito haha.

"Ako pa, tsaka sa akin mo lang malalasap yung ganun",sambit ko.

"Hehehe",hinhin na tawa niya.

"So, masharap din ba yung katawan mo? Pati yung shi junior?" tanong niya ikinagulat ko.

"Hayst lasing ka lang. Hindi ikaw si Leah",sambit ko sabay tayo para buhatin siya sa kwarto. Napailing nalang ako sa mga nasabi niya kanina.

"Ehh, shabi mo masharap ka. Ba't ayaw mo sila ipatikim sha akin",reklamo niya habang buhat ko siya.

Inihiga ko siya sa kama at kinumutan siya. Inilapit ko naman ang bibig ko sa tenga niya at bumulong.

"Bawal pa yung gusto mo hangga't hindi ka pa natatali sa akin."

Pagkatapos nun ay tumabi na ako sa kanya at napatawa dahil sa mga sinabi niya kanina.

"Napaka wild mo pala Luv",sambit ko sabay tawa. Hinalikan ko naman siya sa noo at natulog na.

Shh! I'm their secret slave  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon